SI KIKO ay ang dati nilang school boy noon sa probinsya. Ang tatay ni Kiko ay isa sa mga malapit na tauhan nila noon sa negosyo. Napakasipag at kay buti ng ama ni Kiko kaya naman ay napagpasyahan ng ama ni Dianna na kunin ang batang lalaki at pag-aralin. Ang kapalit niyon ay ang pagtulong nito sa aplaya kung walang pasok sa eskwela. Pangwalo si Kiko sa sampung magkakapatid kaya naman hirap talaga itong matustusan ang pag-aaral. Kahit mas matanda kay Dianna si Kiko ng tatlong taon ay naging kaklase pa rin niya ito noon sa eskwela. Ito ang nagsilbi rin niyang nakatatandang kapatid at kaibigan. Ang pagkakalapit nilang dalawa ay umabot hanggang sa makapagtapos sila ng high school. At nang magkokolehiyo na sila ay nahinto na si Kiko sa pag-aaral. Masyado nitong dinamdam ang pagkamatay ng saril

