HINDI pa man nakakalapit si Dianna sa kusina ay amoy na amoy agad niya ang nilulutong sinangag. Napabilis ang kanyang hakbang sa pag-aakalang si Marie ang kanyang madadatnan. But to her surprise, it was Alexander. Napalingon ito sa gawi niya nang mapansin ang kanyang presensya. Kaagad na gumuhit ang ngiti sa mga labi nito. Alanganin naman siyang gumanti ng ngiti rito. “Take a sit. Malapit na itong maluto,” anito habang hinahalo ang fried rice. Ginawa niya ang sinabi nito at humila ng isang silya. Sa nakikita niyang ayos ng mesa ay lahat ng kailangan ay naroon na at pagkain na lang ang kulang. Wala na rin siyang maitutulong pa. Nakatalikod sa kanya si Alexander kaya naman ay mayroon siyang pagkakataon na matitigan ang malapad nitong balikat at likod. Nakasuot ito ng gray t-shirt na bah

