MULA SA bintana ng kanyang kuwarto ay nakita ni Dianna ang paghinto ng kotse ni Alexander. Nang sulyapan niya ang orasan ay pasado alas diyes na ng gabi. Kaagad siyang kumilos upang ipagtimpla ito ng kape. Iyon kasi ang sinasabi ng kanyang instinct. Pakiramdam ni Dianna, kahit hindi sila magkasundo ng lalaki ay obligasyon pa rin niyang pagsilbihan ang lalaki. Isa na nga roon ang pagtimplahan ito ng kape kahit hindi naman hinihingi. Nang silipin niya ang study room ay wala roon si Alexander. Kaya tinungo niya ang hagdan dala ang tinimplang kape. Kumatok siya at nang marinig ang pagtugon nito ay pumasok agad siya. Muntik pa niyang mabitiwan ang tinimplang kape nang sa pagpasok niya ay hindi inaasahang ayos ni Alexander. Tanging boxer lamang ang suot nito at hapit na hapit sa katawan. Kit

