“DIANNA, where did you meet Alexander?” Natigilan si Dianna sa tanong na iyon mula kay Toni. She did not expect that Toni will ask about that. Pero syempre, hindi maaring malaman ni Toni kung paanong napunta siya roon. Mabilis siyang humabi ng kasinungalingan. “Nag-apply akong kasambahay.” “I mean, yeah. Nag-apply ka but how did you know that he needs a maid? Did someone refer you?” Muli ay natigilan siya. Sasabihin ba niyang may nagpasok lang sa kanya? Bahala na. Wala naman sigurong masama kung umuo siya. “O-oo.” “Who?” 'Hala! Hindi siya nauubusan ng tanong!' Iniwasan niya ang magkunot noo. Sino ba ang ituturo niya? Si Maria lang naman— “Ah, si Maria?” Doon na siya napilitang tumango. Sa totoo lang ay hindi niya inaasahan ang pagdalaw na iyon mula kay Toni. Pero nagpapsalamat

