(Partying with just you and me)
BAWAT PAGLAGOK niya ng wine ay nakakadagdag ng lakas ng loob niya na makausap pa ng matagal si Fortney. Ayaw niyang pakawalan ang pagkakataon na makasama ito sa espesyal na araw nito. Ang mga titig ng dalaga ay tunay na nakakaakit para sa kanya. Dagdagan pa ng pagngiti nito tila gusto na niyang maglaho. But he can still endure it. This once in a lifetime chance is such a gift to himself.
“Hindi na bumalik si Karen. Masyado na yatang abala sa mga bisita ko,” anito matapos kumagat ng isang slice ng mansanas.
“Gusto mo bang hanapin natin siya? Tutal birthday mo naman, I can do anything for you.”
Mahina itong tumawa. “You sounds so bolero to me. Hindi na ako magtataka kung maraming babae ang nagkakandarapa sa iyo.” Inabot nito ang wine glass kasunod ang bote.
“Ako na,” mabilis na agaw ko. “Para sa napakagandang binibini ngayong gabi.” Muli na naman itong tumawa. At lalo iyong nakadagdag ng pag-iinit niya. Mas tumataas ang temperature niya sa uri ng pagtawa ni Fortney. Nakakaadik pakinggan. Labis na nakakahibang.
“Do you have a girlfriend? I mean – “
“Wala.”
“Talaga? Baka kasi may magalit sa akin kapag nakita tayong dalawa rito.”
“Wala kang dapat na ipag-alala sa akin. I’m a single man.”
“Since when? Kung pagbabasehan ang itsura mo ay hindi ako maniniwalang wala kang girlfriend. Ang mga tipo mo ay…” hinintay niya lang ang nais nitong sabihin. “Hindi nawawalan ng reserba.”
“Well, mali sa puntong iyon. Hindi lahat ng tipo ko ay ganoon. Or should I say, hindi ako ang ganoong tipong lalaki.”
“So, ano ang tipo ng isang tulad mo?” Nanghahamon ang boses nito na tanong sa kanya.
“I’m a possessive kind of man but loyal. I think masarap ako magmahal, hindi nakakasawa.”
“Wow! Talaga?” Hindi nito ininda ang nilagok na wine. “Gaano kasarap ka magmahal?” Mukhang tinatamaan na si Fortney sa iniinom nilang wine. Lalong nakakatunaw ang mga titig nito at ang labi nito at mas naging kaakit-akit habang nagsasalita.
“Gusto mo ba talaga malaman?” nakangisi niyang tanong. “You can try it if you want.”
“Ano iyon? I-is it like a lollipop?” Mayamaya pa ay natawa ito.
“You’ll know.” Lalong lumakas ang tawa nito.
“Gusto ko iyang joke mo. You’re so funny.”
“Maybe I’m funny but I’m not a joker.”
“A-alam mo, nakakatuwa kang kasama. A-at dahil birthday natin pareho, papayagan kitang isayaw ako.”
“Oh, really?”
“Yes!” malakas nitong sagot. “Kaya kong panindigan ang sinabi ko sa iyo.”
Tumayo ako at lumapit sa magandang dilag na nakilala ko. “So, can you dance with me, Miss Goddess of Earth?”
Humagalpak ito ng tawa. “Miss Goddess of Earth ka pang nalalaman diyan. Payag naman ako kaya hindi mo na kailangan pang mambola.” Tinanggap nito ang nakalahad niyang kamay. “Sure, you can dance with me!” tila may excitement na sabi nito.
Pagtayo nito ay mahigpit na hinawakan ang kamay niya saka hinila. Nagpatianod lang siya kung saan man nais siyang dalhin ni Fortney hanggang sa marating nila ang mini stage. Umakyat pa sila roon at sinikap niyang alalayan ang dalaga ngunit sadyang malakas ang loob nito dahil nagawa nitong siya ang kaladkarin nito sa gitna ng maliit na stage.
“Here we are. This is the best place to dance,” anito saka nilingon ang paligid. “Can we have a music please?” Hindi na niya pinansin pa kung sino ang kinausap nito. Titig na titig lamang siya sa maganda nitong mukha ng nasa harapan niya. Perpekto. Iyon ang tamang deskripsiyon sa dalaga. Hindi niya akalain na mas gumanda pa ito sa paglipas ng maraming taon. The only woman he adore so much in his whole life.
Pumailanlang ang isang malamyos na musika. Agad na ipinalibot ni Fortney ang dalawang kamay sa leeg niya saka siya tinitigan sa mga mata. Waring tumatagos iyon sa kanyang kabuuan. Tila mahikang hindi niya kayang paglabanan.
“It’s a sweet dance, isn’t it?” Marahan siyang tumango. “Please put your hands on my -. Hindi na nito tinapos pa ang sasabihin dahil mabilis na nitong kinuha ang kamay niya saka ipinalibot sa baywang nito. ”Iyan, so we can dance sweetly.”
Malapit ang mukha nila sa isa’t isa kaya naman sunud-sunod na napalunok siya. He has the strong desire to feel her body ngunit mas pinili niyang tiisin iyon. Kung hindi marahil malamig ay tiyak na makikita ni Fortney ang butil-butil na pawis sa kanyang noo maging sa ibang bahagi ng kanyang katawan.
“You know what? It is a first time to dance like this.”
“What do you mean like this?” Nginitian niya ito.
“Ganito,” sagot nito saka pinaglandas ang kamay nito sa leeg niya. Pataas – pababa, humahagod iyon.”
“It is my first time to dance like this also,” aniya. Ang dalawa niyang kamay na nasa baywang nito ay marahan niyang pinaglandas doon.
Bahagyang napaarko ang katawan nito dahil sa ginawa niya ngunit walang salitang lumabas sa bibig nito kaya naman hinaplos pa niya pataas - pababa ang bahaging likuran ni Fortney.
“That feels good,” sa wakas ay sabi nito.
“Mas masarap pa diyan ang lollipop na tinutukoy ko kanina,” aniya.
“Lollipop?!” bilog na bilog ang mga mata nito. “Are we back for being what kind of man you are?”
“I guess,” sagot niya.
“Pwede ko bang sabihin kung ano ang tipo ko?” Lumamlam ang mga mata nito habang naghihintay sa magiging tugon ko.
“Of course.”
Nakagat nito ang ibabang labi bago unti-unting sumilay ang ngiti. So, georgeous. So, kissable lips!