(Operation: Finding his only love and Fortney’s realizations ) F**K! MADILIM NA ang langit at pabagsak na ang ulan nguntit hindi pa rin mahanap ni Garette si Fortney. Labis na siyang nag-aalala dahil sa laki at lawak ng gubat ay may mga mabangis na hayop na maaaring makaharap ang nobya. Paano na lang kung may ahas at matuklaw ito? Hindi na niya alam ang gagawin. Tiyak na mababaliw siya ng tuluyan na oras na mapahamak si Fortney. Pumunta siya sa talon at nagmamadaling sinuyod ang paligid. Bigo pa rin siyang makita ni bakas ng nobya. Parang gusto na lang niyang pagsusuntukin ang mga bato doon hanggang sa dumugo ang kamao niya at mamanhid na lang iyon. Hindi na niya alam kung ilang minuto na siyang naglalakad at tumatakbo sa pagsuot ng mga nagtatayugang damo at lalo pang lumakas ang ula

