"Paano na itong itinimpla ko na hot choco para sa kaniya?" Naupo si Mimi sa papag na naroon at pagkatapos ay inabot ang hot choco na nasa lamesa. Humigop siya doon. Marami ang nangyari ngayong araw na talaga namang ikinainis niya, kung hindi niya talaga hahabaan ang kaniyang pasensiya ay hindi siya magtatagal sa trabaho na pinasok niya. Kailangan niyang tiisin dahil iyon lang ang paraan para makapasok siya sa mundo ng mga artista at maging sikat katulad ng mga ito. She needs to work hard, alam niyang hindi biro ang mga pagdadaanan niya. Maraming pagsasanay ang kailangan niyang gawin lalo at hindi pa siya marunong umarte. She can still remember what Lindsay told her. Na ang isang katulad niya ay hindi matatanggap sa showbiz at mas nababagay siya sa circus. It was because of her makeup,

