Hindi makapaniwala si Mimi habang nakatingin siya sa salamin sa loob ng kaniyang banyo. She responded! and what the hell?! nananaginip ba si Jaksawn na nasa isang eksena ito ng pelikula kung saan may kissing scene? "Sht. Miracle, bakit mo tinugon? nasisiraan ka na ba ng ulo? paano kung maalala 'yon ni Jaksawn? tiyak na gagamitin niya iyon sa 'yo at sasabihin na sinamantala mo ang kaniyang kahinaan!" Ngayon pa na may sakit nga ang lalake. Sa itsura nito kanina ay mukhang hinang-hina ito dahil sa lagnat at kapag naalala nito ang nangyari ay tiyak na lagot siya! lagot siyang talaga! wala naman siyang maipapakita na ebidensya para sabihin na ito ang nag-initiate ng halik na iyon. Na ito ang unang humalik sa kaniya at hindi siya. Ang kagagahan lang na ginawa niya ay talagang tinugon niya. Hi

