Kinabukasan nagising akong naka higa parin sa sofa. Alangan namang sa floormat diba.? Dahil nga sa sanay na akong gumising ng maaga. Ako na yung nagluto para sa umagahan namin ni Hambog. Baka nga tulog pa yon eh sa dami ba naman niyang pasa.?
''Sinong naghatid sa akin sa kwarto.?''
''Ayy tanginang kabayong ginawang ulam."gulat kong saad
" Letse ka bakit ka ba ng gugulat.?''galit kong asik
''Tsk. Just answer my f*****g question''siya pa yung may ganang ma-asar. Wew naman pasalamat na nga lang siya at mabait ako.
''Hindi ko alam kung sinong tikbalang ang naghatid sayo sa kwarto mo.''tsk bahala siyang mag-isip.
''Oh kain na hindi ka kumain kagabi baka malipasan ka ng gutom.''
''What is it.?''taka niyang tanong
''Eggplant with egg for short tortang talong. Wag ka ng maarte kumain kana lang. ''
''Wala ng iba.? Para kasing hindi masarap.?''kunot noo niyang tanong takte naman oh.
''May nakita ka pa bang ibang ulam diyan.?''sarcastic kung sagot
''Lumayas ka nga sa harapan ko.''asar niyang taboy sa akin.
''Tangina mo hindi mo ako papakainin.? Ako yung nagluto niyan noh tas ikaw lang ang kakain.? Hustisya naman diyan señorito.''anak siya ng Nanay niya.
''Idi kumain ka problema ba yon.?''
''Hindi naman.''bahala na siya sa buhay niya basta ako gusto ko lang kumain gutom na ako kanina pa.
''Masarap ba..?''tanong ko ang dami na kasi niyang na ubos.
''Hindi ang pangit ng lasa ang tabang pa ng timpla.'' Grabi kung makapang lait siya naman yung maraming na ubos.
''Bakit ang dami mong na ubos kung pangit pala ang lasa.?''sarcastic kung tanong
Napa yuko naman siya sa pinggan niya ''Tiniis ko lang ang lasa yon na lang kasi ang ulam.''ngise nitong sagot .
''Di wow ikaw na ang magluto ng sayo.''
Tsk ang kapal ng mukha akala mo naman kung sinong gwapo gwago naman.
'Scrolling through my cellphone
for the 20th time today
Reading the text you sent me again
Though I memorized it anyway
It was an afternoon in December
When it reminded you of the day
When we bumped into each other
But you didn't say hi 'cause I looked away.' Cellphone yon ni Hambog
''May tawag ka.''ani ko para kasing wala siyang balak na sagutin ito.
''What.?''pabalya niyang sagot hays wala talagang modo. ''Ash.? Tangina mo kumakain pa ako nang iistorbo ka, anong kailangan mo.?''
Si Ash pala ang kausap niya napaka gago niya noh pati kaibigan niya hindi niya pinalampas.
''Ano kamo si Celine.?''nagbago bigla ang anyo ng mukha niya. Nawala ang na-aasar nitong anyo napalitan ng nakakalokong ngise. ''Nasa school siya ngayon.?''
Ibang klasi din ano kayang meron sa Celine na yan para magka ganyan si Hambog.
''Akala ko next month pa yung dating niya.? Dam hinanap ba niya ako? Wag mong sabihing hindi ako pumasok. Dahil sa oras na sinabi mo yon sa kanya patay ka sa akin.!''
The fuck.? Napa kunot ang noo ko. So kaya niyang pumatay para lang sa image niya. Na ayaw niyang malaman ni Celine na hindi siya pumapasok.? So pathetic kawawang Hambog takot pala kay Celine. May pang blackmail na ako sa kanya.
''Sinong kasama niya.? Si Branson ba.? Tangina!'' Sunod-sunod ang naging mura niya. Branson.? So may jowa na pala ang crush niya.? Kawawang Hambog hindi maka score sa crush niya.
''Gago bat mo tinapon.?''gulat kung tanong. Ang gago kasi bigla na lang tinapon ang cellphone niya sa asar. Dinamay pa ang gamit wala namang kasalanan sayang tuloy ang cellphone mukha pa namang mamahalin. Tumigil ako sa pagkain para pulutin ang celniyang wasak na wasak.
''Mayaman nga naman.''pa ilang-ilang kung saad sabay pulot ng mga laman ng cellphone. Sayang talaga siguro naman gagana pa to kunting ayos lang ata ang kailangan.
''Keep your f*****g opinion to yourself Stupid.''
Grabi nakakasakit na siya ng damdamin.
''Hoy Hambog wag mo akong idamay sa problema mo. Kung wala ka ng pag-asa wag mo ng ipilit dahil magmumukha ka lang tanga. E sa alam mo namang may jowa na yung tao wag mo ng ipagsik-sikan ang sarili mo. At isa pa kung gusto mo talagang mapansin ni Celine dapat magtino kana di yung puro na lang gulo ang inaatupag mo.''sermon ko sa kanya
''Sinabi ko bang magsalita ka.? Gusto mo bang tahiin ko yang bibig mo para tumahimik.?''asar niyang tanong
''Subukan mo lang. ''Ngise kung sagot as if naman kung kaya niya.
''Tsk magbihis ka doon, sasama ka sa akin.''
''Ikaw na lang tinatamad akong lumabas ngayon.''
''Wag ka ng magreklamo.''
''Saan ba kasi tayo pupunta.?''asar kong tanong
''Sa Oxford University.'' Bakit ba niua ako isasama.?
''Saan punta mo.?''taka kong tanong
''Sa banyo bakit sama ka.?''ngise niyang tanong kinilabutan naman ako sa sagot niya.
Oxford University diba yun yung school na sinasabi nila Ash na doon sila nag-aaral.? Ano namang gagawin ko din di naman ako kasing yaman nila. Diba nga only royalties know about that school. Mga spoiled brat ang nag-aaral doon paniguradong mga anak sa luho. Mas mabuting matulog na lang buong araw kisa sumama sa Hambog na Xero.
Mga ilang minuto na siguro akong nagmuni muni kung sasama ba ako o hindi. Wala sa isip ko ang pumatay ngayong araw I'm Angel today not Demonice. Putakting Hambog kasi isasama pa ako alam naman niyang iba ako sa mga taong nakakasalamuha niya. Please lang sana hindi na lang ako isasama ni Xero malay niyo diba magbago ang isip non.
''Bakit hindi ka pa nagbihis.? Tatanga tanga ka lang ba diyan.?''
''Ayaw ko ngang sumama diba.?''naka nguso kong saad.
Sinipat ko yung suot niya isang fitted black jeans, white shirt and black jacket naka angat ang manggas ng jacket. All in all badboy na siya sa itsura niya. Gwapo sana ang Hambog na to kaso nga lang ayaw ko sa ugali niya may pagka demonyo scratch that mas demonyo pala ako. Well crush ko siya ng kaunti. Kaunti lang kasi may crush na yang iba.
''Stupid ''
Tanginang lalaki sa mukha ko pa talaga sumigaw na suntok ko tuloy. ''Sorry.''sigaw ko pa balik bago takbo. Lagot na nasuntok ko pa siya pumapatol pa naman sa babae ang hambog na yon patay na talaga.
''Tangina ang lakas mong manuntok babae ka ba talaga.?''na sasaktan din pala ang mga Hambog.?
Siyempre babae ako hindi lang naman siya ang naka tikim ng suntok ko pasalamat na lang siya hindi yon malakas yung huli kung nasuntok nasa coma pa. Yung iba nga nasa morgue na.
''Wow saan mo nabili yan Xero.?'' Ang ganda ng motor niya mukhang mamahalin.
Ang kitab kasi ng kulay kulay itim ito.
''Ang dami mo pang tanong sakay na para maka rating na tayo kaagad sa school. Napaka ignorante mo.''
Ayy grabi siya nagtatanong lang ignorante agad.? ''Pwede ako ang mag drive.?''na miss ko na ang mag drive ng motor ilang buwan narin kasi. Portugis kasi si auntie sinira niya yung motor ko.
Umirap lang siya sa akin. ''Why would I baka nga ibangga mo pa.''
Tsk.? Minamaliit niya ba ako.? Heh sumasali kaya ako ng drag race sa probensiya namin pati nga sa racing eh.
Oo mahirap lang kami pero marunong akong gumamit ng motor dahil narin sa mga barkada ko. Yup may mga barkada ako kahit alam nilang delekado akong tao.
''Tara na.'' napa nguso na lang ako wala akong choice kung di ang maki sakay hindi pumayag si Hambog.
Inferness mabilis din palang magpa andar si Hambog akala ko pa naman.
Wow just wow ang ganda ng Oxford University parang nasa probensiya ka lang matatayog ang mga puno at ang mga damong kulay berde. Maganda yung Gate nila may naka ukit na Oxford University. Ang haba pa ng binaybay namin bago pa kami maka rating sa parking lot nila. Marami pa kaming na daanan na mga bulaklak na iba iba ang kulay. Ang ganda talaga ang sariwa pa ng hangin. Hindi mo ma ipagka ila na private school ito. Paniguradong mslapit sa isang milyon ang tuition fee dito.
''Heavennn.''bulong ko ng makita ang naglalakihang mga building. Feeling ko parang nasa ibang bansa kami ngayon. I didn't know na may ganito pala ka gandang school dito sa Pilipinas. Pang first class kasi ang mga desinyo. Kaya pala sinabi nila Rusty na tanging royalties lang ang nakaka alam sa school na to.
Pagka rating namin sa parking lot sandamakmak ang mga kotsing naka parada. Isa lang ang masasabi ko lahat ng studyante dito may kanya kanyang kotse. Pwera na lang kay Xero na motor ang dala maganda din naman yung motor niya lalo na siguro kung kotse yung dinala niya.
''Ang gagara ng mga sasakyan lahat ba ng mga studyante dito anak mayaman.? Wala bang scholar.?''tanong ko kay Xero hawak niya yung kamay ko kasi inalalayan niya akong bumaba ng motor. Opo hawak niya yung kamay ko pero alam kung wala lang yon sa kanya kasi may Celine na siya. Siya I mean hindi lang naman siya ang lalaking naka hawak sa kamay ko pero, sa kanya lang tumitibok ang puso ko.
''Dahan dahan naman Xero. '' Napa nguso na lang ako kinakalad kad niya na ako eh.
''Wag ka ng magreklamo, bilisan mo na lang yang paglalakad mo baka hindi na natin maabutan si Celine.''
Napa irap na lang ako sa kanya puro na lang siya Celine wala bang cherifer.? Hinayaan ko na lang siyang kaladkarin ako sa kung saan. Dahil sa oras na bitawan niya ako baka mawala pa ako. Tapos pagnawala ako may makakatagpo akong mga studyante. Tapos aawayin nila ako pero siyempre hindi ako magpapatalo.
Nge wala atang uniform dito eh.? Malaya kasing magsuot ng kung ano ano ang mga studyante. Kahit ata kita na yung cleavage, likod, hita. Sana nag panty at bra na lang sila nahiya pa eh. Ganito ba talaga pag anak mayaman.?
''O my goodness Xero Fuentes is back.'' Bulong bulongan ng mga studyante. Sikat pala si Xero dito sa school na to.? Pero bakit parang takot sila.?
''O my gosh''
''Si Xero nga.''
''His back.''
''Xero.''
''What are we gonna do that his back.?''
Ok.?anong problema nila bakit parang takot sila na na eexcite.? Napa kunot na lang ang noo ko, talaga bang kinatatakutan nila si Xero dito.? Hmm. Mukhang tama nga sila Ash .
''Where's Celine. ''tanong niya sa lalaking gwapo uwaa ang gwapo niya. Napa ngite na lang ako ang dami palang gwapo dito.
''Ahh. Xero si Celine ba.?''na nginginig nitong saad nge bakit nangingig siya.?
''Oo si Celine yung hinahanap namin na kita mo ba.?''ngite kung tanong kaagad naman siyang kumalma.
''I saw her at the gym a while ago.'' ngite niyang sagot aww my dimples siya.
''Salamat.''pasalamat ko ''your welcome.''ani niya sabay alis
''Dapat hindi mo siya tinatakot Xero.''maktol ko
''It's normal get used to it.''maikli niyang sagot. Napa simangot na lang ako tsk ang sama.
Masama ang tingin sa akin ng mga babaing studyante habang naka ngite naman akong tinignan ng iba. Hindi ko alam kung bakit wala namang masama sa suot ko ah.? Naka floral dress lang ako at doll shoes. Isa ito sa binili ni Xero. I hate dresses pero wala akong choice kung hindi ang suotin ito. Baka naman alam nilang mahirap lang ako.? Ang babaw naman ng dahilan nila kung ganon.
''Where here.''Thanks god binitawan na niya ang kamay ko. Namamanhid na eh ang higpit kasi ng pagkaka hawak niya.
Naka rating na pala sa gymnasium nila.
Sinundan ko na lang si Xero malay ko ba sa lugar na to. Well maganda yung gym nila may basketball court. Pweding dito ganapin ang mga malalaking event. Sinundan ko ng tingin kung saan papunta si Xero at doon ko na mataan si Celine wow dyosa kung maganda siya sa painting mas maganda pala siya sa personal. Nakaka tibo yung beauty niya.
''Ro-Ro.?''malawak ang ngiting pinakawalan ni Celine ng mamataan niya si Xero. Napa tawa na lang ako ng mahina sa tawag niya kay Xero. Ro-Ro.? Realy parang aso lang roar.. sana all alagang Colgate ang puti ng ngipin niya.
''Celine.''bulong ni Xero kaagad tumakbo pa punta kay Xero si Celine. At ginawaran ito ng mahigpit na yakap. Public Display of affection yan yung ginawa nilang dalawa. Parang sila lang yung Tao dito kung maka yakap. Tumalikod na lang ako sa kanila masakit sa mata ang ka sweetan nilang dalawa. Hindi ako bitter sadyang ayaw ko lang ma isturbo ang moment nila.
Pagka labas ko ng gym ay doon ko na abutan ang naka tamabay na sila Ash, Rusty at Zenon. Malamang nandito yang tatlo dahil dito sila nag-aaral.
''Angel.''masayang bungad sa akin nila Rusty except kay Zenon na naka poker face lang.
''Angel si Xero.?''tanong ni Zenon
''Nasa loob kasama si Cherifer este Celine.''
''Buti naman at naka abot si Xero.''ani ni Ash
''Pasalamat na lang tayo at nauna ng umalis si Branson.''ani ni Rusty
''Angel sama ka sa amin.''
Isinama nila akong tatlo na ma upo sa isa sa mga bench na malapit sa puno. Mula dito kitang kita naman ang mga studyanting naglalaro at nag kwe-kwentuhan. Maganda ang simoy ng hangin dito at masarap sa pakiramdam.
''Dito ba nag-aaral si Cherifer este Celine.?''tanong ko para kasing mas matanda pa aming lahat si Celine
''Bago namin sagutin ang tanong mo bakit Cherifer ang tawag mo kay Celine.?''takang tanong ni Rusty
''Diba yung Celine vitamins.? Tulad ng cherifer.?''innosente kong sagot
''Pfft di porkit Celine ang pangalan vitamin agad.? Diba pweding yon talaga ang pinangalan sa kanya ng mga magulang niya.''natatawang sagot ni Ash
''Hindi niyo pa sinasagot ang tanong ko.''
''Oo dati. Ka klase nila ate Yssa at Yasse si Celine.''
Ahh kaya pala isa lang ang ibig sabihin nito mas matanda ng ilang taon si Celine kay Xero. ''Bakit hindi ate ang tawag niyo kay Celine.?''
''La lang trip lang namin.''nagkabit balikat na sagot ni Ash.
Napa baling ang attention ko sa anim na lalaking paparating. Kasama nila yung may dimples na lalaki. Pansin koblang ah pinapalibutan sila ng mga nag gagandahang kababaihan. Mga artista ba ang mga yan.? Sabagay gwapo naman yung lalaking matangkad mas gwapo lang ng kaunti si Xero. Mukha siyang mabait ang amo kasi ng mukha niya.
''Sino sila.?''gusto kung malaman kung anong pangalan noong lalaking may dimples. Gusto ko yung maging kaibigan.
''Sila ang G force mga feeling gwapo sa school pero pangit naman.''natatawang sagot ni Rusty. Gago hindi naman totoong pangit ang grupo nila. Sa katunayan nga ay mga gwapo sila. Maganda kung manamit at mukhang manamit mabait kasi ang pakitungo nila sa mga babaing lumalapit sa kanila.
''Anong pangalan noong sa likod yung may dimples.? At yung nasa gitna rin''tanong ko
''Bakit crush mo.?''naka ngise niyang tanong pabalik.
''Nagtatanong lang eh.''
''Yung sinabi mong may dimples his Jack Frost alalay nila Zico Alcantara si Zico yung captain ng basketball team dito sa Campus. Siya yung pinaka matalino dito sa school rank one yan kaya mag-iingat ka dahil maraming babaeng nakakandarapa sa kanya.''pa bulong na sagot ni Zenon
''Alalay nila Si Jack.?''hindi makapa niwala kung tanong
''Yup alalay lang nila si Jack.''pa tango tangong sagot ni Ash
''Kawawa naman pala si Jack kung ganon. Gusto ko pa naman siyang maging kaibigan.''kailan kung gumawa ng paraan para maging kaibigan ko siya.
''Pambira. Ikaw lang ata ang nakilala naming Tao na gustong kaibiganin si Jack.''
''Balik nga tayo kay Zico so hindi kasali sa grupo nila si Jack. Ibig sabihin lima lang talaga sila.''tumatango tango naman si Rusty
''So si Zico yung Campus Heartthrob dito sa school na to.? Parang meteor gardin lang siya si Dau Ming Si.?''
''Dau Ming Si.?''kunot noo niyang tanong tila nag iisip. ''Ahh gets ko na siya yung leader ng F4 .?''
''Oo na nonood ka din ba ng meteor gardin.?''wow may mga lalaki din palang na nonood ng ganon na palabas.
''Nope narinig ko lang yon.''ayy akala ko pa naman na nonood siya.
''Tungkol sa tanong mo kung siya ba yung Dau Ming Si. Hindi hindi siya yon hindi niya bagay ang maging Dau Ming Si.''
''Bakit naman hindi.?''taka kung tanong
''Diba masama ang ugali ni Dau Ming Si.? Kinakatakutan ng lahat dahil nambubugbog ng studyante at pinakamayaman.? Hindi si Zico yon.''nilingon niya sila Rusty at Zenon. ''Isang tao lang ang alam kung may ganong ugali..''
''Kung hindi siya sino.? May chance pa bang hindi na maging alalay si Jack.?''
''Xero Fuentes siya lang naman ang may ganong ugali. And about kay Jack we don't know pero matutulungan ka namin.''
''Bakit si Xero.? Alam kung demonyo yon pero bakit siya.?'' bakit nga naman si Xero.?
''Talaga tutulongan niyo akong magging kaibigan si Jack.?''
''Secret lang kung bakit si Xero. We promise na tutulongan ka naming maging kaibigan si Jack.''
I really want to be his friend iwan ko ba may kung ano kasi sa loob ko na gusto ko siyang maging kaibigan.