5.

1308 Words
Kabanata 5 It's a rainy Thursday morning. Suspendido ang klase ni Marissa dahil signal number 2 sa Maynila kung saan siya nag-aaral. Maging ang lalawigan ng Rizal ay nasa ilalim ng signal number 2 dahil sa walang tigil na pagbuhos ng ulan at malakas na ihip ng hangin dahilan para bumaha at magbagsakan ang ilang puno sa kanilang lugar. Marissa wanted to leave because she easily got bored staying in their house. Pangalawa sa apat na magkakapatid si Marissa. Yen is their eldest sibling, and she have two younger brothers, Marco who is a second year high school and Zedrick who is a Grade 5 student. Hindi kasi sila ganoon ka-close ng mga nakababata niyang kapatid dahil sa age gap na mayroon sila at dahil na rin mga lalaki ang mga ito. Pero nakakausap niya ang mga ito at nakaka-bonding. Mas madalas lang talaga silang magkausap ng Ate Yen niya dahil kapwa niya ito babae. "Marco, Zedrick, Marissa!" tawag ng a ina muna sa unang palapag ng kanilang bahay. "Bumaba na kayo rito at mag-almusal na tayo." Sabik na bumangon ang mga bata sa higaan ng kanilang Ate Marissa at nag-unahang makababa. Marissa just shook her head and followed them. Their mom prepared their mean and all of them are delighted. Nakahain sa harap nila ang isang malaking mangkok na naglalaman ng mainit at bagong luto na sopas. Nangningning ang mga bata nila Marissa at nang kanyang mga kapatid. The soup was perfect for the cold weather. Their mom really knows what's best for them. "Kahit walang pasok ngayon, mag-aral kayong dalawa. Malapit na periodical exam niyo," duro ng kanilang ina kila Marco at Zedrick. "Sinasabi ko sa inyong dalawa. Kapag wala na kayong line of seven sa catd niyo, mamamasyal talaga tayo sa Star City." "Bakit kami lang, Ma?" tanong ni Marco. "Nag-aaral din naman si Ate Marissa, ah?" "Malaki na ang Ate Marissa niyo. Kaya na niya ang sarili niya." Dinilaan naman ni Marissa ang dalawang kapatid nito. Nakita naman ito ng kanilang ina kaya piningot niya ito ng mahina sa tainga. "Puro ka kalokohan. Ikaw Marissa, malapit ka na magtapos sa kolehiyo. Pagsikapan mo `yan. Alam kong kumikita ka kahit papaano sa pagsusulat mo, pero iba pa rin `yong may natapos ka at may stable kang trabaho." "Opo, Ma." matipid na tugon ni Marissa. Ngumiti naman ang kanyang ina sa sinabi niya. "Ma," biglang tawag ni Marco. Nilingon naman ito ng kanyang ina. "Pupunta po pala rito `yong dalawa kong kaklase. Taga-Parola lang sila. Pag-uusapan namin `yong sa groupings namin." "Sabihan mo lang ako ng mas maaga para makapaghanda ako ng meryenda niyo. Siguraduhin mo lang na groupings `yang aatupagin niyo. Hindi paglalaro sa computer shop. Tatamaan ka talaga sa `kin, Marco." "Promise, Ma." Tumango nalang ang kanilang ina at nagpatuloy na rin sa pagkain. Patuloy pa rin ang pagbuhos ng malakas na ulan at pag-ihip ng malakas na hangin. Gusto sana matulog magdamag ni Marissa pero naalala nito na may kailangan siyang gawin. Tambak ang mga assignment niya at magsusulat pa siya habang may oras siya. —————★————— Ibinaba ni Marissa ang kanyang headphones ng biglang makarinig ng malakas na sigawan sa unang palapag ng kanilang bahay. Wala ang kanilang ina dahil nagtungo ito sa palengke para mamili ng sangkap para sa kanilang hapunan. Kumaripas ito ng takbo pababa dahil sa pag-aalala kung ano ba `yon. She found out that it was his younger brother, Marco, together with his friends playing a video game on one of his friends' phone. Kinalampag ni Marissa ang pader dahilan para mabaling ang atensyon ng mga bata sa kanya. "P'wede niyo ba hinaan ang mga boses niyo? Akala ko naman kung ano nang nangyayari rito sa baba kung makasigaw kayo. Akala ko rin ba mag-uusap kayo tungkol sa groupings niyo?" galit na sabi ni Marissa. Tumayo ang kanyang kapatid at naglakad palapit sa kanya. "Grabe ka naman, ate. Kararating lang nila siyempre. Nagpapahinga lang saglit. Ang OA mo mag-react." "OA pala, ah," hinawakan ni Marissa ang patilya ng nakababatang kapatid at hinila ito pataas. "Eh, kung isumbong kita kay Mama? Sabihin kong puro laro ang inaatupag niyo?" "Aray ko! Bitawan mo nga," binitawan naman ni Marissa ang patilya ng kapatid. Napakamot si Marco sa kanyang tainga sa kati na naramdaman niya. "Sumbungera ka talaga. Oo na, pagkatapos ng isang round, mag-uusap na kaming lahat." "Siguraduhin mo. Ayoko ng maingay. May ginagawa ako sa taas." Umakyat na pabalik ng kanilang kuwarto si Marissa at ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa. She is writing a special chapter in one of her story. She almost reached the climax of it, not until his brother's company messed it up. Nakalimutan niya ang ilan sa mga isusulat niya dahil biglang nawala sa isipan niya ang mga ito. Tuloy-tuloy na sana siyang nagsusulat kung hindi lang siya naistorbo ng pag-iingay ng kanyang kapatid. Suddenly, her phone rang and vibrated. Kinuha niya ang kanyang telepono sa bulsa ng isa niyang pantalon. She received a text message from Art inviting her to have lunch with him. Marissa automatically smiled upon reading it. "Kailan ba?" she replied. Ilang segundo pa lang lumilipas pero nakakuha kaagad siya ng reply mula kay Art. "Kailan ka ba free?" "I'm not sure. Bumabagyo pa kasi rito sa amin. Hindi ko masagot talaga." "I understand. If ever weekends okay na ang panahon, do you have time? Name your place. Kung saan mo gusto, let's go for it. How about that?" Marissa smiled and nodded her head. "That sounds great. Text nalang kita kung saan. Hopefully, maging maganda na ang panahon. Nabuburyo na rin kasi ako rito sa bahay." "Hehe. Magiging maayos na `yan. Tiwala lang." Hindi na ni-reply-an ni Marissa ang huling text ni Art at bumalik na sa kanyang ginagawa. She wears her headphones back and continued working on her manuscript. Hindi na muna niya pinansin ang mga bagay na posibleng sumagabal sa pagtatrabaho niya at itinuon nalang ang atensyon sa trabaho niya. She happily types everything that is running on her mind. Hearing the sounds of the smashing keyboard while she types every word, plus the random upbeat music playing on her headphones energizes her. Alam nitong makakarami siya sa sinusulat niya. Nahinto bigla sa pagsusulat si Marissa ng biglang may kumakalabit sa kanya. Lumingon siya sa likuran niya pero hindi niya ito nakikita. Bumalik ulit ito sa pagtitipa pero maya-maya, may kumalabit na naman sa kanya na hindi niya nakikita. Doon na kinabahan si Marissa. Tumayo ito mula sa kinauupuan niya at inalis ang headphones na suot niya. Ilang saglit lang ay may biglang nanggulat sa kanya dahilan para mapaatras ito at mahampas ito ng unan na inuupuan nito mula kanina. Humalakhak ng malakas ang bata habang si Marissa naman ay tila humahangos. Lumapit si Marissa at hinila ang buhok ng bata pataas. Napataas ang kilay ni Marissa dahil pamilyar ang batang nasa harapan niya. "Ano'ng ginagawa mo rito? Paano ka nakapasok sa bahay namin?" ani Marissa. Kumawala ang bata sa pagkakahawak ni Marissa sa kanyang buhok at umatras. "Pahiram daw gunting sabi ni Marco." "Bakit nanggugulat ka? Manghihiram ka lang pala ng gunting." "Trip ko lang. Saan na `yong gunting?" Napataas muli ng kilay si Marissa. Kinuha nito ang gunting sa mga gamit nito at inabot sa bata. "Bastos na bata `to. Ganyan ka ba pinalaki sa inyo?" "Dami mong satsat, matandang hukluban!" Matapos sabihin `yon, kumaripas ng takbo ang bata pababa ng kanilang bahay. Hahabulin pa sana siya ni Marissa pero ayaw na nitong magsayang pa ng oras rito. Ayaw niyang ma-stress sa mga makukulit at walang modo na bata. Isasara na sana niya ang drawer niya ng makita ang isang ID. Do'n na niya napagtanto kung bakit tila pamilyar ang mukha ng bata sa kanya. Nakita na pala niya ito noon at minalas ng makita niya muli ito ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD