Chapter 1
“Ano ba ‘yang mga pinagsusulat mo, Marissa? Puro kalibugan naman ‘yan!” bulyaw ng isa sa mga kaibigan ni Marissa.
Kasalukuyang naglalakad papunta sa kantina ng kanilang paaralan si Marissa kasama ang mga kaibigan niyang sila Shiela at Dani. Hawak-hawak nila ang isang pahayagan kung saan ipinagmamalaki ni Marissa na nailathala ang isa sa mga kuwentong isinulat niya.
Bata pa lamang si Marissa, pangarap na niya maging isang tanyag na manunulat. But unlike other young people who dream of writing romance or fantasy stories, she loves to write stories that appeal to and arouse people's desires. When it comes to writing s*x scenes, her mind becomes naughty. Malawak ang isian niya pagdating sa mga ganoong klaseng kuwento. Maaga siyang namulat sa ganitong klaseng kuwento mula ng aksidente niyang makita sa aparador ng kanyang ama ang isang maliit na kahon na naglalaman ng mga ginupit na bahagi ng pahayagan na naglalaman ng mga kuwentong sekswal. Nagkaroon siya ng interes sa mga ganoong klaseng istorya kaya pagtungtong niya nang hayskul, nagsimula na siya magspadala ng kanyang mga kuwento sa mga istasyon ng radyo at pahayagan upang itampok ang kanyang mga akda.
Ito ang unang pagkakataon na naitampok ang kanyang akda sa isang pahayagan. Nakasanayan na ni Marissa na sa tuwing umaga kapag bumibili siya ng pandesal, tinitignan niya ang mga pahayagan sa pagbabaka sakaling mapili na ang isa sa mga ipinasa niya. At nang makita niya nga ang isa sa mga akdaniya ngayon, sobrang ikinatuwa ito ni Marissa. After a long wait, one of her dreams came true. Marissa's happiness was superficial. Maliit na bagay lang ito para sa iba pero para sa kanya na ang pangarap ay maging manunulat, malaking bagay na ito.
Nakakita kaagad ng bakanteng mesa ang grupo nila Marissa at kaagad umupo do’n. Inagaw na ni Marissa mula sa kaibigan ang pahayagan at itinabi ito.
“Magkano naman binabayad nila sa ‘yo kapag parang featured ang kuwento mo sa diyaryo?” Shiela asked curiously.
Ngumiti naman si Marissa. “Wala.”
“Wala? Eh parang halos araw-araw kang nagsusulat tapos madalas ka pang magpadala. Wala lang ‘yon?” mataray na saad ni Dani.
“Alam niyo naman na bata pa lang ako, gusto ko nang makapagsulat ‘no. Masaya na ko na kahit walang bayad ‘to, may nakaka-appreciate ng mga sinusulat ko. Hoy, sa tagal ko kayang nagpapadala ng mga sulat ko sa mga istasyon ng radyo at dyaryo, ngayon lang nangyari ‘to.” she proudly said.
“Baka pinagkakakitaan mo ‘yang kalibugan mo hindi lang sa mga kuwento mo, ah?” panunukso ni Dani.
Hinampas ni Marissa ang braso ng kaibigan. “Gago! Hindi ‘no. Virgin na virgin pa ko ‘no.”
Patuloy nilang tinutukso si Marissa. Batid na sa mukha ng dalaga na naaasar na ito pero alam nitong binibiro lang siya ng mga kaibigan niya kaya hindi nito magawang magalit sa mga ito. Nagtawanan silang magkakaibigan at pinag-usapan na kung ano ang kakainin nila.
Mula sa pasulpot-sulpot lang na manunulat sa mga pahayagan at tagong manunulat sa mga online website, ngayon, kilala na si Marissa bilang isang magaling na manunulat. She was recognized as a great erotic-romance author and one of the best-selling authors. She’s now having her first book signing as an author. She feels a mixture of nervousness and excitement. Hindi niya inaasahan na dadagsa ang mga pumunta para magpapirma sa kanya ng librong isinulat niya. It’s really a dream come true for her.
“Let me introduce to you the one of the best-selling authors in this generation. The author of the best-selling novel Bewitching Jake! Bigyan natin ng masigabong palakpakan si Ms. Marissa Cristobal!”
Pagkarinig pa lang ni Marissa ng hudyat na ‘yon, lumabas na siya sa backstage ng maliit na entablado at sinalubong nga siya ng masigabong palakpakan ng mga ito. Na-overwhelm siya sa kanyang nakikita. Gusto niyang maluha sa sayang nararamdaman niya. Hindi pa rin nagsi-sink in sa kanya ang mga pangyayari.
Naglakad na siya patungo sa gitna at inabot ng host ang isang mikropono sa kanya. She waved to her fans and gave them a round of applause. Ramdam nito ang mainit nilang pagtanggap sa kanya. Pinatahimik ng host ang madla upang mabigyan ng pagkakataon si Marissa na makapagsalita.
“Good afternoon, Ms. Marissa. Please introduce yourself.”
Tumango naman si Marissa bilang pagsang-ayon. “Hello po. Ako nga po pala si Marissa Cristobal or you can call me Maris nalang for short. I’m turning 25 years old this year and I’m a business ad student. Kung nagtataka kayo kung bakit parang late na ang age sa pag-aaral ko it’s because huminto ako ng ilang taon para lang makapagtrabaho. To provide and sustain our financial needs. So, ayon. Sana mag-enjoy kayo sa araw na ‘to. Maraming salamat sa inyo.”
Binigyan muli ng masigabong palakakan si Marissa. Pinatigil muli ng host ang madla at ibinaling muli ang atensyon kay Marissa. “Kagaya ng mga nauna sa iyo, mayroon din kaming isang katanungan para sa ‘yo. Para na rin ito sa kaalaman ng ating mga bisita at para rin magka-idea ang mga aspiring writers sa landas na gusto nilang tahakin. Ms. Marissa, nakilala ka bilang isang magaling na erotic-romance writer. Ito ang tanong ko sa ‘yo, kailangan ba sa isang story, may s*x scenes? Is it essential? How will you determine if you will be needing to add s*x scenes in your story?” tanong ng host.
“Akala ko po ba isa lang? Tatlo po ata ‘yon,” pabirong tugon ni Marissa. Nagtawanan ang ilan sa mga dumalo at maging ang host, napakamot nalang din ng kanyang ulo. “Kidding aside, before I add s*x to a story, I always figure out if the move is something that my characters would actually make, or if it’s something that I am forcing them to do. As a writer, I can control the obstacles that I put in my character’s path, but I can’t or shouldn’t control how my characters respond. That response should flow naturally without my interference. Ito rin kasi minsan ang problema ko kapag nagsusulat ako ng kuwento. Lagi kong tanong sa sarili ko, “Nag-s*x na sila, now what?” Don't end your chapter with a s*x scene unless the next chapter starts with the repercussions of s*x. Otherwise, if you don’t tie s*x into the rest of the story, you’ll miss an important character development opportunity. Ako at kayong mambabasa ay kailangang malaman kung ano ba ang nangyari sa kanila pagkatapos nilang mag-s*x bilang resulta ng kanilang pagse-s*x. Do you get my point? Ang laging tanong lang naman diyan is, magkatabi sa silang matutulog pagkatapos? Nahulog na ba ng tuluyan ang loob ni isa kay isa? Ano mangyayari sa kanila kinabukasan pagkatapos nilang mag-s*x? And so on. Maraming tanong pero ang kailangan diyan ay sagot. Hindi puwedeng nag-s*x lang sila.”
Sa sagot na iyon ni Marissa, binigyan ulit siya ng masigabong palakpakan. People were amazed at Marissa's response. It even surpassed the answer to the question and answer portion of a beauty pageant. Maging ang host at ang iba pa niyang kasamang manunulat sa mesa ay napapatango at napapalakpak sa naging sagot niya. No wonder, isa siya sa pinakakilalang manunulat ngayon.
Pinakilala muli siya ng host at inalalayan papunta sa mesa nito kasama ng iba pang manunulat. Binati siya ng mga ito at nagpakilala ang bawat isa. They’re under Hatoria Publishing House, one of the most known publishing company in the country, home of the famous romance writers. Sa dami ng nag-aalok kay Marissa na ilathala ang mga akda niya, sa Hatoria Publishing House niya napiling manatili dahil naririto rin ang ilan sa mga iniidolo niya sa pagsusulat.
Nagsimula ang book signing event at naging maayos ang takbo ng pagtitipon. Marami ang nakapilang magpapapirma ng kanilang libro kay Marissa. Masaya si Marissa na makitang maraming tumangkilik ng isinulat niyang libro. Ramdam niya ang pangangalay sa patuloy na pagpirma ng mga libro pero hindi alintana sa kanya ‘yon dahil masaya siyang napagbibigyan ang hiling ng mga tagahanga niya. The event organizer announced that after ten minutes, the writers will take a break to eat and to go to the restroom.
Matatapos na ang oras na binigay ng event organizer pero parang hindi pa rin nababawasan ang mga nakapila kay Marissa. Ang ibang kasamahan niya ay pinauna nang umalis dahil wala naman nang nakapila sa kanila habang ang iba naman ay nanatili muna at hinintay na matapos ang unang bahagi ng event. Humakbang ang isang lalaki na may dalang teddy bear at isang kahon ng tsokolate para kay Marissa. Naghiyawan ang mga nasa pagtitipon at maging ang mga kasamahan niyang manunulat ay ikinagulat din iyon. Napangiti na lamang si Marissa dahil hindi niya ring inaasahan ito.
“Ano’ng pangalan mo?” nakangiting tanong ni Marissa sa binata.
“Arthur. Pero Art nalang ang ilagay mo,” tugon nito. Nagpatango-tango naman si Marissa at sinimulang pirmahan ang unang pahina ng libro ni Arthur. “Sana nagustuhan mo ‘yong dala ko para sa ‘yo. Sa maniwala ka o sa hindi, fan mo talaga ako.” Pagpapatuloy ni Arthur.
Hindi mapigilan ni Marissa ang mapangiti sa sinabing iyon ni Arthur. “Ganoon ba? Maraming salamat sa suporta, ah? Sana patuloy mo pa rin akong suportahan.”
“Oo naman ba! Sana i-accept mo na rin ‘yong friend request ko sa f*******:,” nahihiyang sabi ni Arthur habang napapakamot sa kanyang ulo.
Nakangiting inabot ni Marissa pabalik kay Arthur ang libro nito at nakipagkamay. “Sige, hahanapin ko mamaya. Salamat pala sa dala mo para sa akin.”
Nakipagkamay na rin si Arthur kay Marissa at nagpaalam na rito. Nilingon muli ni Arthur sa huling pagkakataon ang mesa ni Marissa at hindi niya inaasahan na nakatingin din ito sa direksyon niya. Marissa waved again and resumed signing the books.
Hindi mapawi ang ngiti ni Marissa habang patuloy na pinipirmahan ang mga libro. Ito ang unang pagkakataon na may ibang taong nagbigay sa kanya ng mga ganoong bagay at sobrang natuwa siya roon.