Hindi na nagawang makapagpaalam ng maayos ni Marissa dahil sobrang kinukulit na nang mga kaibigan niya si Art. Nakaramdam ito ng hiya kaya mas pinili nalang nito na hilain palayo ang mga kaibigan niya at napagdesisyunan nalang na kausapin si Art pag-uwi nito sa kanilang bahay. “Girl, bakit mo kami kinakaladkad? Gusto lang naman namin makilala si Art. Hindi naman kami nagpapalibre ‘no!” bulalas ni Dani. “True! Mukha ba kaming patay gutom, girl? Sumagot ka!” paghuhurumentado naman ni Shiela. Pinagpapalo ni Marissa ang braso ng mga kaibigan at nilingon ang paligid. “Ano ba kayo? Siyempre nakakahiya sa tao ‘no. Kakatapos lang ng trabaho no’n tapos hina-hotseat niyo naman. Sira ulo ba kayo?” “Umamin ka nga sa ‘min, Marissa,” biglang hinapit ni Shiela palapit sa kanya si Marissa at nilin

