CHAPTER 43: "L-levi.." Patuloy lang sa pagpatak ang luha ko. Natigilan si Zach ilang minuto din siyang nanigas sa harap ko tiningnan niya ko ng dahan dahan. Wala na yung Zach na galit na galit kanina sinubukan kong hawakan yung muka niya pero umalis siya kaagad. Ipinalig ni Zach yung ulo niya sa kabinet at saka umupo. Sobrang tahimik tanging ang pag hikbi ko lang ang naririnig ko, "Z-zach.." Inihilamos ni Zach ang mga kamay niya sa muka. Ipinatong naman niya yun sa magkabilang tuhod niya. Kung nasasaktan ako kanina mas nasasaktan ako sa nakikita ko hindi ko kayang makita si Zach ng ganito umiiyak.. Madadagdagan nanaman yung regrets niya.. Yung lungkot.. Yung mga sad memories... I don't wanna see him cry.. "Z-zach..." Ulit ko. "Leave me, Iris" He said, may galit padin sa boses niya

