Chapter 30:
"Sa tingin mo ano ba ginagawa niyan? Eh daig pa Security Guard kung magcheck satin bawat minuto eh" Bulong ng kasamahan ko sa trabaho na si Rose.
Si Romeo naman ang sumagot sa kabilang table "Nagpapapansin sa boys" Sabay irap nito.
"Shh" I said.
Kanina pa kase nakabantay si Ericka animo tatakas kame kung makatingin sa bawat isa samin. Paikot ikot lang siya dito sa department namin minsan ngumingiti pero sa mga lalake lang.
"Tingnan mo kung makaupo dun sa desk nila Mon kala mo ang haba ng suot niya. Konti na lang makikitaan na yan bruha na yan" Reklamo ni Romeo.
Nahihilo na ko sa pagtatype dito hindi na din pumapasok sa isip ko kung ano nga ba ang itinatype ko. Basta gusto ko lang aliwin ang sarili ko.
"Tumingin ka sa kanya Iris, tingnan mo ang harot talaga nung bagong boss natin" Si Rose naman ngayon nagrereklamo.
"Shh, Busy ako"
Hinagisan ako ni Rose ng crumple paper at sumesenyas ito na buksan ko.
"Para naman bata eh" Sambit ko habang binubuksan yung papel.
Nakatingin sayo kanina pa. Di mo pansin?
Dahil nacurious nga ko nilingon ko si Ericka pero nagulat ako dahil naglalakad na ito papunta sa desk... ko. Ibinulsa ko agad yung papel at bumalik sa pagtatype.
"You know, Sa tagal ko na sa panahon na 'to alam na alam ko pag may mga tao na pinaguusapan ako" Palihim kami na nagkatinginan ni Rose.
"At isa yun sa pinaka gusto ko" Maarteng sabi nito "Pero actually pag may ganun sitwasyon mas gusto ko yung nakikisali ako" Umupo ito sa pagitan namin ni Rose.
"So girls, Ano bang pinag uusapan niyo? Would you mind telling me?" Nagcrossed pa ito ng legs.
Keep typing Iris. Keep typing.
"Irisian"
"Yes?" Inosenteng tanong ko.
"Ikuha mo ko ng kape. Right now"
Napataas ang kilay ko "The last time I check hindi mo ko assistant" I keep typing again.
"Romeo, Oh Romeo the bestfriend na hindi nagagandahan sakin dahil maputi lang ako" Kinakabahan na napalingon si Romeo dito.
Crap. Paano niya nalaman yun?
"Which one do you prefer? The hard way or easy one? Answer me come on. Or you're fire"
"E-easy" Sagot ni Romeo at nagkunwari na nagtatype ulit.
Hinarap ko na si Ericka "Ano bang problema mo?" Naiinis na tanong ko.
"My problem is..." Humarap ito kay Rose. "What's your name b***h?"
Nagulat si Rose sa sinabi ni Ericka pero nakasagot padin "R-rose"
"Okay. b***h" Tumayo si Ericka sa harap nito. "Utusan mo si Irisian na itmpla ako ng kape"
"Po?" Sagot ni Rose.
"Utusan mo si Irisian na ikuha ako ng kape. O ako magtitimpla ng kape at ibubuhos ko sa muka mo habang mainit pa? Anong mas gusto mo?"
"I-iris"
"Fine" Tumayo nako "Ikukuha kita ng kape hindi mo na siya kailangan takutin" Tumaliko ako sa kanya.
"Good"
Itinimpla ko na si Ericka ng kape. Nilagyan ko ng maraming maramin kape dahil ayun naman ang gusto niya diba? Kape? Wala siyang sinabing lagyan ng asukal.
"Here's your coffee" Iniabot ko sa kanya yung kape at kinuha ang bag ko at lumakad na palayo.
"At san ka pupunta?"
Talk to yourself. Hindi ko na siya sinagot at patuloy padin ako sa paglalakad nararamdaman ko ang pag ngiti ng kaibigan ko na si Romeo. Pinapasakit ni Ericka ng husto ang ulo ko.
Paglabas ko ng company bigla ako nahilo buti na lang nakahawak agad ako sa poste. And another good thing cab na huminto. Sumakay nako agad at baka saan pako abutan nitong sakit ko. Pakiramdam ko tuloy lalagnatin ako dahil tumitibok yung utak ko.
Tinawagan ko si Zach ng medyo na relax nako. My eyes still closed.
"Hello" He said in a flat voice.
"Hi"
Walang sumagot.
"Sorry.." Sabi ko. "Hindi ko nanaman sinunod yung gusto mo"
"..."
"I'm still safe, breathing ang alive"
"I know"
Crap. Galit nanaman siya. Magsalita ka lang Iris. Kailangan ko ng distractor sa pagtibok ng utak ko baka hindi ako makarating sa bahay at magalit siya lalo sakin.
"Asan ka?" Tanong ko.
"In a meeting"
Napahawak ako sa noo ko "I'm sorry nakakaistorbo ba ko?"
"No. I told them to take a break ng makita ko yung tawag mo"
Damn. I'm speechless hindi ako nakasagot.
"And you?" Tanong nito.
"Nasa.. Umm" Ano bang sasabihin ko?
"You're in a car. I can hear it Iris. Whose car?" May pagkapossesive nanaman sa tono ng boses nito.
I chuckled "Someones car?"
"Iris" I can hear the dark tone of his voice.
Gusto ko nanaman tumawa sa kabila ng pagkasakit ng ulo ko "I'm in a cab. Pauwi nako. Actually biglang sumakit yung ulo ko"
"Love are you alright?" May pag aalala naman sa boses nito. Ang biis padin mag bago ng mood niya.
"Yup. I'm still am kaya nga uuwi nako siguro napagod lang ako kailangan ko lang ipahinga ito"
"Are you sure?"
"I'm sure" Nakikita ko na yung bahay namin. "Manong dyan na lang po sa tabi"
Hininto na ni manong yung sasakyan iniabot ko na yung bayad ko.
"Iris"
"Zach"
"Dapat sa hospital ka dumeretso wala kang kasama ngayon sa bahay baka kung an---"
"Shh. I'm fine. Ipapahinga ko na lang 'to"
I heard him sighed.
"I'm here baby. See? Nakauwi ako ng safe"
Bumaba na ko sa sasakyan.
"I'm going home Iris"
"What?!" Bulalas ko. "No Zach I'm okay. You don't nee--"
"Shh" Eto naman ang gumaya sa pag 'shh' ko kanina.
"I said I'm okay how many times do I have to say that?" Napahawak uli ako sa ulo ko. Babagsak na talaga ako konti na lang.
"Iris are you fine?"
Come on Iris, Konting lakad na lang.
Binubuksan ko na yung gate nang may nakita akong babae nagmamasid sa bahay namin.
"Iris answer me"
Wala sa boses ni Zach yung atensyon ko kundi sa babae na nasa harap ko ngayon. Lumingon ito at tumingin sa akin from head to toe.
Oh my god. Sassy. Inilagay ko agad yung phone sa bag ko.
"You must be the maid. Andyan ba si Mr. Esqueza?" Seryosong tanong nito.
Agad agad akong pumasok sa loob at saka siya sinagot. "I'm not the maid at wala siya dito"
Hinawakan nito bigla ang kamay ko na nilolock yung gate. Ngayon ko lang napansin na may tattoo pala ito sa kamay parang kidlat siya dalawa na nagcocombine. Sabagay nung huli ko siyang nakita nakatalikod ito at medyo malayo.
"Ganyan ba turo sayo ni Mr. Esqueza?!" Sigaw nito at tinitigan sa mata. Okay I think now, I prefer Ericka than this one.
Pero hindi ko padin kaya makipagsabayan sa mga ex's niya. Naiirita nako.
"Bitiwan mo nga ko. Wala nga si Zach dito" Hindi padin binibitawan nito ang kamay ko.
"Zach?" Gulat na gulat na tanong nito. "How dare you?!"
"He's not here. You're just wasting your time. Get out" Tinabig ko na ang kamay nito palakad na ko ng hilahin nito ang buhok ko mula sa gate na nakaharang dito.
Eto na ata yung pakiramdam na masakit na yung ulo mo, nahihilo ka na, parating na yung lagnat mo at biglang may taong nang hila ng buhok mo at inuntog ito sa mismong bakal ng gate.
Nagdilim ang paningin ko and I don't know what happens next time .