CHAPTER 6:
Hinihingal na ko. Pagod na pagod na ko, kanina pa kami takbo ng takbo ni hindi pa kami humihinto hanggang ngayon. 15 minutes na ata ang nakakalipas di padin kami nakakarating sa pupuntahan namin.
"Zach!" Ayan, napasigaw na tuloy ako.
"We're almost here"
"Pwede ba maglakad? Pagod na pagod na ko kanina pa tayo takbo ng takbo hindi ko nga alam kung seryoso ka o pinapagod mo lang talaga ako. Akya't baba tayo dito sa bundok pero wala padin akong nakikitang kakaiba" Hinahabol ko padin yung hininga ko.
Huminto naman siya then raises his eyebrow "I told you Iris this is going to be a long tiring night"
Typical na 'tiring' kala ko naman kung ano na yung nasa isip niya. Ugh, may mali ata sa pag-iisip ko.
"Malapit na tayo" Sabi ni Zach habang hawak padin ang kamay ko.
"Kanina mo pa sinasabi yan" I almost pouted.
"Damn, Iris. You look sexy when you pout" Naglalakad na kami ng mabagal ngayon.
Gosh! Paano niya nagagawa yun nadistract niya ko sa isang salita niya lang.
"You're just distracting me" Inirapan ko siya.
"No, I'm not. Lahat ng sinasabi ko totoo lagi mong tatandaan yan"
"Action should speak louder than words"
"Do you really want me to show my action?" Nag-ssmirked nanaman siya.
Crap. Nilingon ko yung paligid namin puro lantang dahon, sanga ng puno at siguro may mga insekto pang gumagapang sa lupa dahil madilim hindi ko makita. No no no not here.
"You know Mr. Esqueza hindi lang ikaw yung pwede magjoke satin. I'm just kidding awhile ago ya know"
He held my chin "Mrs. Esqueza hindi ito yung oras para magbiro. Nakakalimutan mo ata yung kontrata obey me right?"
I sighed "Okay, 1 warning"
"Now you know. Hindi ko naman siguro kailangan ipaalala sayo yun oras oras diba?" Medyo iritado na yung boses niya. Hala! Ayoko ng ganyang tono ng pananalita niya natatakot ako. Sige na nga izzipper ko na yung bibig ko.
"Yes, Sir"
Hinila nanaman niya ko this time may narinig na ko ng lagaspas ng tubig. Oh my, falls ba yun?Bigla din mas lumamig yung simoy ng hangin. Nanginig ang mga binti oo nga pala shirt ni Zach yung suot ko.
Napalunok ako hindi ba siya nilalamig? Kanina pa siya walang pangitaas. Ang sexy ng likod niya sheez. I bit my lip bakit ang sexy sexy ng likod ni Zach? Bakit? Kahit madilim ang linaw linaw ng pagkakatitig ko. Bakit? Kahit buwan lang ang nagbibigay ng liwanag, kitang kita ko padin?
"Here we are"
Napasinghap ako. Andito kami sa taas ng falls sa baba naman nito isang napakalinaw na tubig. Nakikita ko yung ilalim nito dahil may ilaw sa gilid ng bandang ilalim nung tubig.
Napa wow nanaman ako. Mukang pinasadya talaga ito napapalibutan naman ito ng madaming puno tapos yung mga puno tila may mga christmas lights na nakapalibot. This is very breath taking parang nasa fairy tales lang ako.
Kinurot ko yung pisngi ko ng sobrang higpit dahil baka nananaginip lang ako.
"Iris don't pinched your cheek" He interrupted me, concerned.
"Why?" Sagot ko pero wala sa kanya yung utak ko, namamangha padin ako sa nakikita ko sa baba.
"Because you are not allowed to hurt yourself"
That made me back to reality. I blink at him. He cares for me?
"I am not allowed to hurt myself?"
"Yes, because your body, soul, everything about yourself are all mine and even your flaws and imperfections are mine Iris so if you hurt yourself you will hurt me too"
Oh my Zach why so suddenly very so sweet? Never pa may nagsabi sakin ng ganyan. Of course, most of the guys are looking for the perfect one. But Zach oh.. I really want to cry right now. Pero I am not allowed to hurt myself but he will hurt me someday right?
Erased! Erased hindi pa naman nangyayari yun wag kang advance Iris! Sigaw ng isip ko.
"Zach, I'm all yours" I reassured him.
Ayan lang ang kayang sabihin ng bibig ko dahil pag nagsalita pa ko alam ko na iiyak na ko sa overwhelming feelings na nararamdaman ko.
Then he lean closer to me holding my face, his forehead against mine. My heart beats are accelerating all over again.Yung pagod ko kanina? Wala lang yun sa bilis ng pag t***k ng puso ko ngayon.
"Glad to hear that, Love"
"Glad to hear that too, Zach"
And for the first time in history he kissed me lightly without the needs, pains and anger that I guess he's facing right now. All that matter right now is me and him. Sana bumagal ang paglipas ng mga araw.. Sana hindi na matapos yung kontrata.. Sana.. Sana..
He stopped nang maramdaman niya na nanginginig na ko dahil sa lamig at dahil sa epekto ng halik niya sakin. Hinila niya yung kamay ko paupo sa gilid nung falls ang sarap sa pakinggan sa tenga ang lagaslas nito sa baba.
"Zach can I ask you something?"
"That depends" Yan naman lagi ang sagot niya.
"Bakit ako?"
Lumingon naman siya sakin nagtataka.
"Bakit ako yung pinili mo na pakasalan I mean na gumanap bilang asawa mo? Madami namang ibang babae dyan diba?"
Gabi gabi, ayan din kase ang tanong ko sa sarili ko. I know lumapit ako sa kanya para bawiin yung kompanya namin pero hindi ko inaasahan na ganito pala ang kapalit. --I feel happy and my life is not boring anymore. I feel more alive.
"Do you want me to be honest?"
"Yes please"
Ngumiti muna siya "Nung pumunta ka sa office ko para utusan ako na ibalik ko sayo yung kompanya niyo alam mo ba na nagulat ako nun? Dahil ikaw pa lang ang kaisa isang babae na nagutos sakin ang dapat kong gawin."
Whoa. Medyo emosyonal at desperado lang ako nung mga oras na yun. Dahil umiiyak na yung buong pamilya ko kaya naghalo halo na yung galit at lakas ng loob ko.
"And I like tough woman nacchallenge ako kung paano ko sila mapapaamo"
No no no. Mali yung nakita niya sakin nung mga oras na yun.
"I'm not a tough woman Zach"
"Yes you are"
"No I'm not"
"Yes. You. Are."
"No. I'm. Not."
"Okay, a pigheaded one. Indeed"
Aminado ako dyan na matigas ang ulo ko. Pero si Zach lang talaga yung lalaki na naccontrol ako dahil yung mga past relationships ko lagi ako yung nasusunod. Oh.. Zach what are you doing to me?I sighed, "But still I'm just an ordinary woman with ordinary thoughts. Ni hindi nga ako marunong sumunod sa mga rules mo. At hindi din ako biniyayaan ng sobrang gandang muka tulad ng mga babae na nacchismis na nakakadate mo. Bakit ako?"
"Why putting yourself down Iris? You think you don't have the most beautiful face? Then why whenever I look at you. You almost took my breath away. About the rules? That's why I created the punishments to remind you the things you still have to follow. You said you're just an ordinary woman? Heaven, believe me Iris you are beyond the ordinary"
Whoa. The butterfly in my tummy's is flying everywhere right now.
Gusto ko magtatalon sa tuwa sa mga naririnig ko. Parang hindi si Zach ang nasa harapan ko. Para siyang may multipersonality bawat oras o araw may iba't ibang muka ako nakikita sa kanya.
"Where's Mr. Esqueza? What did you do to him?" Namamanghang tanong ko sa kanya.
Ngumiti lang siya ng may lungkot sa mga mata. "I don't where he is either"
"Can you stay that way?"
"Do you want me to be this way?" Balik na tanong niya sakin.
"No, I prefer the bossy-moody one" Ngumiti na ko. Of course, I love being controlled by him.
"Good. Because I prefer my other side then"
Tumayo siya at nagulat ako dahil tinatanggal niya yung belt sa pants niya. Oh..oh I'm in trouble.
"Bakit mo hinuhubad yan?" Nattense na tanong ko. Kanina pa nga hindi normal yung paghinga ko nagiging abnormal na tuloy talaga ngayon. Waaaaah. Akala ko ba mag bbeg ako pero bakit kusa niyang ginagawa ngayon?
Hindi siya sumagot nakatingin lang siya sa mata ko habang tinatanggal naman ngayon yung isang butones ng pants niya! No no no. Not here lingon ako ng lingon sa paligid, hindi na 'ko mapakali.
"Zach!"
Nagsmirked lang siya.
"Mr. Esqueza!"
Ayaw niya tumigil. Oh my gosh! Y-yung zipper naman yung binaba niya! Ramdam ko na nagiinit na yung magkabilang pisngi ko.
"Sir! Boss! Master! Ah! Please stop!"
That made him laughed.
"Lagi mo na lang ako tinatawanan"
Hindi naman siya sumagot nakangiti lang siya sakin at binaba na ng tuluyan yung pants niya.
Holy s**t! Y-yung b-boxer. Arggggh. Anong tawag dun? Y-y-yung ano niya. Basta basta! Oh my hindi ko nanaman mahanap yung puso ko!
"Come here Iris" He commands.
Bumalik nanaman yung dating siya. Kahit kinakabahan ako tumayo na ko dahil ayokong magalit pa siya.
"What now?" I stare at my hand.
Don't look at him. Dont don't. Utos ko sa isip ko.
"Look at me Iris" Pero hindi ko binuksan yung mata ko. No no, wag ka magpapaapekto.
"Iris that's warning number 2" He threathened.
Holy cow! Tingnan mo dalawang warning na isa na lang bibingo na ko! Binuksan ko na yung mata ko. As I stare to his dark eyes nadala na ko ng spell niya at hindi ko na maalis yung mga mata ko sa muka niya.
This is the most beautiful view I've seen in my life. --His face.
"Now remove that shirt of mine" He ordered.
Kahit kinakabahan ako sinunod ko yung sinabi niya isa isa ko in-unbotton yung short at hinubad. Nang matanggal ko 'to niyakap ko yung katawan ko dahil sobrang lamig na. Magpapasko pa man din. May naglalaban na init at lamig sa katawan ko! Ang weird ng pakiramdam ko ngayon.
Tinitigan naman ni Zach yung buong katawan ko. "See? You still look beautiful. I told you" He sounds so happy.
"Now Iris do you trust me?"
Do I trust him? Of course nung araw na pinakasalan ko siya at ngayon na pinirmahan ko yung kontrata. I trust him it's myself I don't trust.
My gosh. So dito talaga? Tinitigan ko nanaman yung mga mata niya na nakangiti naman ngayon tila may tinatago siya sakin.
"Close your eyes love"
I closed my eyes.
"There is something I want to try, love. And I want to try it with you" He whispers.
No for real?! Virgin pa si Zach?! Ang dami ko nang nalalaman tungkol sa kanya. I can't take this anymore feeling ko sasabog na ko. Hinawakan naman ni Zach yung kamay ko at ipinatong sa leeg niya.
"Hold on tight love" Then he kissed the top of my hair.
I inhale. At hindi pa ko nakakaexhale ng maramdaman ko ipinulupot ni Zach yung kamay niya sa bewang ko at binuhat ako another second pass mas lalong nawala yung paghinga ko yung puso ko nawala na ng tuluyan!
It's because we are falling!
Sobrang lakas ng sigaw ayun at ayun lang ang nag eecho sa buong lugar na 'to.
"Zach!!" Sigaw ko.
"I'm here, love" He is obviously laughing.
Damn it. Eto pala yung bagay na gustong niyang gawin kasama ako! Ang tumalon sa cliff ng falls! Shemay! Habang unti unti kaming bumabagsak sa tubig ramdam ko yung hangin sa magkakaibang direksyon.
Ramdam ko din na wala na talaga yung puso't kaluluwa ko naiwan ko sa taas. Another second had passed. Tuluyan na tumama ang katawan namin sa tubig. Now, I felt so relief and safe nang nasa tubig na kami.
Mas lalo naman humigpit yung pagkakayakap sakin ni Zach habang palangoy kami pataas. Nakapikit lang ako the whole time. Pinandyak ko na din yung paa ko para mas mapabilis yung pag langoy namin pataas dahil nauubusan na din ako ng oxygen.
"You never fail to surprise me" I told him sarcastically.
But he's just too happy to be irritated to what I've said.
"Look around" He said happily.
Inilibot ko naman yung mata ko sa paligid ko. That leave my mouth open. Kung maganda na sa taas mas maganda dito may bridge na nagdudugtong sa dalawang lupa sa harap naman nun may isang bahay na gawa sa kahoy pero ang ganda ng pagkakagawa.
May lamp sa bawat gilid nito madadaanan mo siya pag papasok ka sa bahay. Hindi ko man masyadong maaninag pero sa gilid nung lamp may mga bulaklak? Oh my gosh.. May meadows sa mga gilid nito. Parang nananaginip nanaman tuloy ako. I can't believe that this really exist.
"Zach, Is this your house?"
"My secret home"
"Secret home?"
"Yes love, ako lang ang nakakaalam nito. So this is now my place and my territory" Oh..then I have to follow now the rules.
"Do you sleep there, Sir?" I ask him carefully.
"Before, when I was 19 years old" 27 na siya ngayon so it's been what? 8 years ago.
Lumangoy naman si Zach papunta na dun sa hagdanan. Nakakamangha talaga pinasadya bawat bagay na nakadisenyo dito. Sinundan ko siya inabot naman ni Zach yung kamay niya para maka ahon ako. I giggled. Ngayon ko na lang kasi ulit naalala yung suot namin.
"Why are you laughing Mrs. Esqueza? Hmm, you're thinking how will you beg right?" He's teasing me again.
"That depends" Ginaya ko yung lagi niya sinasabi.
"Stealing my lines now, Mrs. Esqueza?"
I laughed "I'm sorry Sir hindi ko sinasadya hihi pero wala naman sa rules yun diba?"
"Do you want me to add that?"
"Definitely not!" Another rules? Argh. I can't take that. I wish I can rule him sometimes. Haha! That will surely happen in my dreams.
I heard him laughed so I laughed too. Hinawakan naman niya yung kamay ko at hinila na ulit. Well, He sounds so carefree right now and happy. I love seeing him happy actually.