Chapter Eight

2422 Words
Eeya Pangalawang araw namin dito sa Zambales. Rinig ko ang talbog ng bola at pagtama nito sa ring. Nasulyapan ko ang orasan sa pader. Pasado alas-siyete na pala ng umaga. Tumayo ako mula sa higaan. Wala si Brandon. Binuksan ko ang sliding window at nakita ko sa baba silang dalawa ni Kuya Waldo na naglalaro ng basketball. Kapwa sila walang damit pang-itaas. Brandon's upper body is covered with sweats. Nagyayabang ang kan'yang mga tattoo sa katawan. Wala sa sariling nilakbay ng mata ko ang kan'yang matipunong katawan. Hindi maskulado ngunit tamang-tama lamang. I remember everytime his strong arms wrapped around my body, I always felt the security, and love. Nag-iwas lamang ako ng tingin dahil sa biglang pagtama ng aming mga mata. Para naman akong magnanakaw na nahuli at nagtago. Matapos maghilamos at magsipilyo ay bumaba ako. Ito pa ang pinagpapasalamat ko, wala akong morning sickness na nararamdaman. P'wera na lang kapag may naaamoy akong ayaw ko. Isusuka ko talaga 'yong kinain ko o kaya laway lang ang ilalabas ko tapos mapait na ang panlasa ko. Nanginig ako. Parang pumapait tuloy ang laway ko. "Morning, ate Eeya!" Bungad sa akin ni Izzy tapos yumuko pa para pumantay sa aking tyan at hinaplos. "Morning pamangkin! Ate ba't biglang lumaki 'tong tyan mo. Tingnan mo," hinapit niya sa likod itong dress na pantulog ko. At bumakat nga ang tyan ko. Lumalaki na siya. "Gano'n talaga apo. Halina at kumain ka na, Amalia." Singit ni Nanay. Binalingan naman niya si Izzy. "Tawagin mo na rin sila Kuya mo do'n, Izzaleah." Agad na lumabas si Izzy at tinawag ang dalawa sa likod. "Iw, Kuya Waldo!" Maarteng angal ni Izzy nang pinunas sa kanya ni Kuya Waldo ang damit nitong basa ng pawis. Halakhak naman ang ginanti ni Kuya. "Aba ayos pala 'tong si pareng Brandon sa basketball, 'Ya. Ano sa plaza tayo mamaya? Laro tayo ro'n, sali tayo sa laro nila." Baling samin ni Kuya Waldo. "Pwede?" Paalam agad ni Brandon. Tumango agad ako. "Oo naman." Umupo siya sa tabi ko na pawis na pawis. Agad ko naman kinuha ang isang bimpo sa likod ng upuan ko at ipinusan sa likod ni Brandon at leegan. Kusa naman siyang tumalikod sa akin para mapunasan nang maayos 'yong likod niya. Saka siya humarap at pinunasan ko na rin ang kan'yang mukha pababa sa dibdib. 'Di ko alam kung pati ba 'yong matigas niyang tiyan pupunasan ko? Nakakahiya. "Aray! Aray! Nay, ba't ang daming langgam naman dito." Arte ni Kuya Waldo. "Hala! Papunta sa inyo, Ate Eeya. Sa sobrang kasweetan kasi eh." "Sana all." sabay pa nilang sabi ni Izzy. Napailing ako. Parang kinapula pa ata ng mukha ko. Naramdaman ko haplos at pag-ayos ni Brandon sa buhok ko. "Good morning by the way." Bulong na bati niya sakin. "And good morning too, to this little fella here." Sabay haplos niya pa sa tyan ko. Nagkatinginan na lang kami, at nginitian ko siya. "Wala na, umay na 'ko." Basag ni Izzy "Hala, sige, tama na 'yan, kumain na tayo." Nagsisuot naman ang dalawa ng damit nila. T-shirt na grey ang suot ngayon ni Brandon na medyo hapit sa braso at dibdib niya. Isang itim na jogger shorts din ulit ang suot niya pero may malaking check ito sa kaliwang hita. Baka dala na niya 'to. "Nga pala, baka gusto nyong maligo sa dagat bago kayo umuwing dalawa? Sakto at linggo bukas. Mas mababa 'yong entrance fee." Suhestiyon ni Nanay. "Ayos 'yon, Nay. Sige po." Payag kaagad ni Brandon. "Do'n tayo sa San Antonio sa may Pundaquit. Maganda ro'n, brad. Pwedeng mag-island hopping." "Oo nga, 'ya. Tapos overnight. Do'n sa Anawangin. Oh yeah!" Excited pa na sabi rin ni Izzy. "Bawal mahamugan ang Ate Amalia mo. Lalo na at tent lang ang pwedeng dalhin do'n, walang mga kwartong re-rentahan. Saka malayo 'yong b'yahe papunta ro'n sa mga isla." Kontra ni Nanay. Nalungkot naman ang mukha ni Izzy na kinatawa ko. Ewan ko kapag nakikita ko 'yong nakasimangot na mukha ni Izzy ang saya-saya ko. "San po 'yong may mas malapit na beach dito, Nay?" Tanong pa ni Brandon. Habang nilalagyan ng peanut butter 'yong pandesal at binigay sa akin. "Diyan nalang sa San Narciso. Sa may Lapaz. Kasunod na bayan lang ng San Antonio." Sagot ni Nanay. Nilagang saba naman 'yong kinakain ni Nanay Sol at pinartner niya sa sinabawang isda. "Maganda din do'n. Long beach at malapit-lapit pa." MATAPOS kumain ako na ang nagsasabon ng pinggan ngayon, pero taga-banlaw naman si Brandon. Nagtalo na naman kami kung sino ang maghuhugas. At heto hati kami sa gawain. Nagpabili ako ng nilagang mani kay Kuya Waldo pagkauwi niya galing sa talyer. Since wala siyang pasok ng weekend sa hotel. Sa talyer naman siya pupunta, part-time. Ewan ko. Baka may pinopormahan lang 'yon doon. Dumeretso ako likod ng bahay at umupo sa duyan. Matapos namin maghugas. Dumeretso naman sa itaas ng bahay si Brandon. Mahangin dito dahil mapuno. Nagwawalis naman ng tuyong dahon si Nanay Sol. Gusto niyang may magawa naman daw. Exercise na rin. Hawak ko ang cellphone ko. And open my f*******: app. Brandon Diaz Conjuangco accepted your friend request Halos manlaki ang mga mata ko at mabuti napigilan ko pa ang tili ko baka mapalo pa ako ni Nanay ng walis tingting kapag nagulat siya. Agad kong tiningnan 'yong profile niya. Bumungad sa akin 'yong recent post niya kahapon lang. Stolen shot. Ako na nakabusangot at masama ang tingin kay Izzy. Nag-kalat pa sa harap ko ang mga pinagbalatan kong mani. Ito 'yong inaasar niya ako kahapon, kagigising ko lang at nahuli ko siyang kinakain 'yong mani na na sa mangkok. Kaya hanggang gabe inis na inis ako sa kanya. Magbiro ka na sa lasing, 'wag lang sa bagong gising at naglilihi. ?? Caption niya sa post. Natawa ako. 'Di ko naman akalain na magpopost siya at ako pa. Kahit pa na nakasimangot nang todo 'yong mukha ko. Tiningnan ko 'yong mga comments. Maraming nag-tanong kung sino ako. At may mga congratulations rin akong nabasa. Ngunit ni isa wala siyang reply. Nakita ko 'yong profile nang mga kaibigan niya. Pati narin si Diday nag-comment. Rowan Nikolas Peres Alcantara Naks! Umaariba si Don Kapitan. Iba ata 'yong hangin ng Zambales. ? Jaxx Pablo Delos Reyez Lover boy. Yehaw! ? Tobio Aquilles Luna Franco ? Tapos nagreply si Tobio sa sariling comment nito at naka-mention si Rowan Tobio Aquilles Luna Franco Rowan Okay now? Nag-comment na ako tapos nag-heart react. Wag mo na ako istorbohin. Dumbass. Rowan Nikolas Peres Alcantara Tobio Tangina naman neto. Walang ka-support sa lablayp ni Don. Natawa ako sa kinoment ni Tobio. Imbis na si Brandon 'yong pumilit sa kan'ya na mag-comment o react sa post nito, si Rowan pa talaga ang nanggulo rito. Kulit. Aleczander Bueno Coronel Akala ko ba ako lang? Siya ba yung pinalit mo sa akin? Wala na ba sayo lahat ng ginawa natin? Sayo ko binigay virginity ko! ? Nakita kong may reply si Brandon sa kanya, tiningnan ko agad. Brandon Diaz Conjuangco Aleczander?? Natawa nalang ako sa pinaggagawa nila. Ang kukulit talaga. Diday Ganda Ma'am mani talaga? Maawa ka naman sa kauri natin. ? Gusto kong mag-comment pero nakakahiya. Mabuti at hindi ako minention ng mga 'to. Kaya nag-react nalang ako sa post niya. HaHa "Amalia gusto mong sumama? Bibili lang ako ng ulam natin. Araw ng palengke ngayon." Aya sakin ni Nanay. "Sige po Nay." Tumayo na ako sa duyan at umakyat saglit sa kwarto para magpalit ng damit. Naabutan kong nagbibihis si Brandon, bagong ligo siya. Kaya dumeretso nalang ako sa aparador ko para kumuha ng damit. Grabe namang bungad 'yon. Nakakawala ng ulirat. "S'an ka punta?" "Sasama ako kay Nanay sa palengke." "Sama ako." Lumingon ako sa kanya. Mabuti at nakadamit na siya. Simpleng puting statement shirt ang suot niya at khaki shorts. S'an naman kaya kinuha ng lalakeng cto 'yong damit niya. "Sige, tara na." SA PALENGKE maraming tao. Kaya pinaiwan na lang ako sa bungad ng palengke. May mini park kasi sa harap, malilim din dahil may mga puno malapit sa bench na kinauupuan ko. Tinawagan ko na rin si Kuya Waldo na 'wag nang bumili dahil na sa palengke naman na kami. At heto nangangalahati ko na itong binili kong nilagang mani. Akala ko naman mas kaunti na ang mga tao dahil magaalas-nueve na. Halos lahat kasi ng tao rito mas maagang namamalengke para mas presko 'yong binibili nila. Biglang sumulpot sa harap ko si Brandon. "Here's your order, ma'am" Sabi pa niya sabay abot ng buko juice na pinabili ko. Hawak-hawak nya pa 'yong isang malaking eco bag ni Nanay na laman lahat ng pinamili nila. "'Asan si Nanay?" Tanong ko matapos niyang umupo sa tabi ko. "May kausap pa siya ro'n, eh." Sabay turo sa likuran niya kung san may kausap nga si Nanay Sol. Mapapatagal pa kami neto panigurado. "Ayos ka lang ba dito? Hindi ka ba pinahirapan ni Peanut?" "Peanut? Itong mani?" Turo ko pa sa kinakain ko. Tumawa siya tapos ngumiti at hinaplos 'ykong baby bump ko. "Here. Itong baby Peanut natin. Ayos lang ba kayo rito? Hindi ka nainitan?" Malambing niyang sagot. Halos mabulunan pa ako sa sinabi niya. "Bakit Peanut?" Tanong ko. "Bakit gusto mo ba Baby Mani nalang? Pwede naman." Nakangisi siya. Ngumuso ako. "Ayos na sakin si Baby Peanut. Saka dahil ba laging mani 'yong kinakain ko?" Sabi pa ni Nanay baka matalino itong baby namin dahil mani raw 'yong pinaglilihian ko. Sana nga. Pero mas higit sa lahat lumaki siyang mabuting tao, at may sa Diyos. "Oo. Basta mani o peanut flavor aumatic 'yon 'yong kinakain mo," Ngumiti siya nang maluwang. "You're so in love with that." Ako rin. I'm in love with you. Humagikgik na lang ako sa sinabi niya at sa naisip ko. Tiningnan ko 'yong mukha niya pinagpapawisan na naman siya. Nilabas ko agad ang bimpo na dala ko. Saka mas lumapit at pinunasan ang mukha at leegan niya. "Oh, tara na." Aya ni Nanay. Na sa loob na siya ng trycicle. TANGHALIAN nang dumating si Kuya Waldo. At pagdating ng hapon gumayak na sila para pumunta sa plaza, kung sa'n sila maglalaro. Sumama na kami ni Izzy. Bagong ligo pa siya, baka nando'n daw 'yong crush niyang basketball player din. Nilakad na lang namin papunta sa plaza tutal malapit lang naman 'yon. Dala ko itong tote bag ko kung san may lamang bimpo ssaka 1 liter na bottle laman ay tubig. Naupo kaming deretso ni Izzy at kanina pa siya palinga-linga. Hinahanap siguro 'yong crush niya. Habang kausap ni Kuya Waldo 'yong mga lalakeng naglalaro ng basketball kanina nang pag-pasok namin. Lumapit naman si Brandon samin. Inabot ang cellphone niya sakin. Naka-tsinelas lang din siya ngayon pero hindi 'yong binili namin kahapon. Itong lalakeng 'to bigla-bigla na lang nagkakaron ng mga gamit na hindi ko alam kung san niya pinagkukuha. Napailing ako. Tumunog 'yong buzzer hudyat na magsisimula na ang laro. "Go Kuya Brandon! Talunin mo 'yang si Waldo kwago!" Cheer ni Izzy na kinatawa ko. "Hoy! Magkateam kami!" Sigaw ni Kuya Waldo. At dahil mas matangkad si Brandon kaysa sa mga kasama, naaagaw niya kaagad ang bola at nabablock niya 'yong mga tira ng kalaban. Nang umpisa parang laro-laro lang pero nang 2nd quarter na. Nagseryoso na rin ang kalaban nila dahil mas lamang na sila Brandon. 17-13 Dumadami na rin ang mga nanunuod at nagchicheer sa kanila. Karamihan ay mga babae at binabae. Magaling maglaro si Brandon, dadami ba naman 'yong mga trophies niya sa bahay nya kung hindi. May mga na sa isang malapad na divider na salamin, sa may sala at iilan sa kwarto niya. Hindi man siya 'yong laging nagsushoot siya naman 'yong taga-assist sa team. At kung sa'n man siya nakapwesto pasok lahat ng tira niya. Kaya dinodouble team siya ng kalaban pero napapasa niya agad sa libreng ka-grupo. Sa huli sila ang nanalo. 51-44 Bago matapos 'yong oras naishoot pa ni Kuya Waldo 'yong bola sa ring. Tapos nag-flying kiss pa siya lalo na sa grupo ng mga kababaihan. Nagtiliin naman sila. May itsura rin naman 'tong si Kuya Waldo. "Ano ayos ba? Ang galing ko 'no." Hinihingal pa na sabi ni Brandon. Pero may ngisi sa labi niya. Medyo mahangin din 'tong lalaking 'to. Pero nginitian ko siya at tumango. Agad na inabot ko sa kanya 'yong water bottle sabay inabot niya kay Kuya Waldo pagkatapos niya. "Di mo ko pupunasan?" Tanong niya pa sakin. Habang hinuhubad ang sando niyang basa na sa pawis. Medyo nag dalawang isip ako kung gagawin ko ba dahil maraming nakatingin samin. Lalo na ang mga grupo nang kababaihan na kanina pa nagchicheer sa kanila Brandon. Pero siya na rin ang nag-abot ng kamay ko para mapunasan ko siya. Kaya tinuloy ko nalang. "Ay, may jowa na mga sis." Rinig kong sabi nang baklang kasama nila. Nakita ko pang napangisi ro'n si Brandon. "Infairness bagay sila. Jontis ata si ate girl." Sabi nang isa. "Kung ako papabuntis talaga ako kung ganyan naman ka-gwapo." Nope, don't even think about it ladies. Maski ako may kaunting pagsisisi dahil wala pa akong naibabalik kay Nay Sol sa lahat ng pagaalaga niya sa akin, heto may anak na kaagad ako. Kahit na walang hinihingi si Nanay mas gusto ko pa rin ang mabigyan siya pabalik. Pero wala na, nandirito na. Tanggap at may ibang paraan pa para makuha ko lahat ng pangarap ko kay Nanay. "Tara na nga." Yaya nang babaeng na sa gitna nila saka ako inirapan bago tumalikod. Napailing nalang ako sa inasta niya. Inabot ko na rin kay Kuya Waldo 'yong isang bimpo na dala ko. Saka kami naglakad na pauwi. Nauuna 'yong dalawa. Nilingon si Izzy ng wala pa siya sa tabi ko, nakita kong may kausap na lalake malapit sa pwesto namin kanina. Saka siya kumaway agad sa kausap ng makitang naghihitay ako sa kanya at tumakbo na papunta sa akin. "Ikaw ha, isusumbong kita kay Nanay." "Samahan pa kita." Abat! "Joke lang. Wala lang 'yon, ate. ano ka ba." "Ayusin mo lang, Izzy. Bata ka pa, ha. Wag kang tumulad sa'kin." Tumingin siya sa 'kin saka kinawit ang braso niya sa braso ko. "Eh, pinanagutan ka naman ni Kuya ah. Saka kasal na kayo." Kung alam mo lang. Kinurot ko 'yong pisnge niya. "Hindi lahat ng lalake katulad ng Kuya Brandon mo. Naiintindihan mo Izzy? Marami pang mas may importanteng bagay na dapat unahin." *** itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD