Chapter Twenty-One

1617 Words

HINDI mapigilan ni Arabella ang mapangiti habang kinukuhanan niya ng video si Jared at ang mga kasama nila sa laot. Nagkakantahan at naghaharutan ang mga ito habang hinihintay ang tamang oras para hilahin ang lambat. Kanina ay napilit siya ni Jared na sumama sa laot. Ayaw sana niya pero hindi siya nito tinantanan hangga't hindi siya pumapayag. Isang dahilan kaya napapayag siya nito ay ang kondisyon na ibinigay nito. Papayag daw ito na magpa-interview sa kanya tungkol sa project ng kompanya nito kung sasama siya. "Okay ka lang?" tanong ni Jared nang lumapit ito sa kanya. Nakangiti siyang tumango. "I told you mag-e-enjoy ka rito. Give me your camera. Kukunan kita ng pictures." "Huwag na. Magulo ang buhok ko, eh." Tumawa ito. "Conscious?" Tumawa rin siya. Kinuha nga nito sa kanya ang vi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD