"Love, para sa' kin, ikaw na yung makakasama ko hanggang sa pagtanda." Ani nito habang nakangiti sa kasintahan.
"Alam mo, para sa' kin rin, ikaw na. Isinama na kita sa pangarap ko eh." Ngiting sambit nito.
---
"Love! Okay na! Nakapagenrol na ako. Technical Vocational yung kinuha kong kurso." Masiglang sabi nito sa kasintahan.
"Ay, Talaga? galing naman! Goodluck po, love!" Sambit nito.
---
"Love, nasaan ka na naman ba? Kanina pa ako tumawag pero nakapatay yung phone mo. May problema ba?" Tanong nito.
"Sorry, Love. Nagkayayaan kasi ang tropa, gumimik lang saglit. Sorry, Love." Paumanhin nito sa kasintahan.
"Okay, Fine. Basta umuwi ka ng maaga. Bye." Malungkot na paalam nito.
---
"Uy, bes! Nandito ka pala, alam mo ba kung nasaan si Jarvis?" Nagtataka ang dalaga dahil tinatanong nito kung nasaan ang kaniyang kasintahan.
"Uh, hindi ko macontact eh. Napapansin ko lagi ng patay phone niya. Hindi naman siya gano'n dati e." Disappointed na sabi nito.
"Bes, Huwag kang mabibigla ah. Nakita ko kasi si Jarvis kanina sa Seleva South Ville, kasama sila Jomar and..." nagaalinlang nitong sambit.
"and? ano yun, ariannae?" Nagdududa nitong tanong at tila kinabahan siya.
"May kasamang silang babae at kaakbay pa nito si Jarvis." Pikit-matang sambit nito bagama't ayaw nitong saktan ang kaniyang kaibigan ngunit dapat nitong malaman. Napatulala na'lang ito dahil hindi nito inaasahan na magagawa ito ng kaniyang kasintahan sa kaniya.
---
"Love, here! Binili kita ng ensaymada, di' ba paborito mo ito?" Masiglang bati ng lalaki sa kaniya.
Hindi niya alam kung ano ang kaniyang sasabihin dahil hanggang ngayon, hindi niya pa' rin sinasabi na alam niya na ang ginawa nitong kasalanan sa kaniya. Bagama't natatakot siya na mali ang gagawin niyang desisyon.
"Love, bakit ang tahimik mo? may problema ba?" takang tanong ng lalaki nang mapansin niyang wala sa sarili ang kaniyang kasintahan.
"Ah, uwi na muna ako, ang sama ng pakiramdam ko." palusot nito ang tumalikod at sakto namang buhos ng luha nito.
"Hatid na kita, love." Pagpiprisinta nito.
"Hindi na, mauna ka na, may pasok kapa. Bye." sambit nito kahit hindi nakaharap.
---
"Ano ba 'yun, Leigh?! Sabihin mo naman sa' kin oh!" Pagmamakaawa nito dahil napapansin niya ng nagiging malamig na ito sa kaniya.
"Ayoko na, Jarvis." Malamig na sambit nito at lumakad paalis.
Napaluhod na lamang ang binata at napaiyak. Hindj niya alam kung ano ang nagawa niya dahil wala namang sinabi ang dalaga kung ano ang dahilan ng pag alis nito.
---
The more people rationalize cheating, the more it becomes a culture of dishonesty. And that can become a vicious, downward cycle. Because suddenly, if everyone else is cheating, you feel a need to cheat, too.