ONE | The New Start

5000 Words
Unang araw ng pasukan ngunit bagot na bagot na agad ako. Sana man lang may makausap rin ako rito. Mapapanis na ata laway ko habang buhay. “Welcome Lovely Student’s to Heleina Brixon Academy, Feel free to take a seek to our academy school” anang ng babae sa entablado. Tila walang narinig ang mga estudyante dahil ang iba ay busy sa kanilang gadget , at ang iba naman ay piniling magusap-usap na lamang kaysa makinig sa sinasabi ng babae sa harapan. Masasabi kong ito ang aming punong guro. “By the way students I forget to mention my name, I am Delia Esmeralda Arden. I am the school director of Heleina Brixon Academy I hope you’d experience great and a happy senior high school life in our academy” mahabang pahayag ni School Director Arden. “Okay students, you may now go to your respective classrooms , you will be guided by our school president and her club. That’s all Have a good start students” huling pasabi ng aming School Director. “I am Calliope Jane Ladier, I am the School President of Heleina Brixon Academy. I am your guide so this way Co-students.” saad niya. Ang ganda ng pangalan niya kasing ganda rin ng bilugan niyang mga mata. Calliope, greek name and a muse who presides over eloquence and epic poetry. She has cool name, and maybe her parents are cool too. Sana maging magkaibigan kami mukha naman siyang mabait, at hindi matapobre gaya ng mga dati kong kaklase sa aking dating paaralan. “So apparently we gave you one of the logos of four houses of Hogwarts. So To those students received a logo of GRYFFINDOR this is your classroom, For those who received the RAVENCLAW logo, that is your classroom, For those naman na HUFFLEPUFF ang natanggap is doon sa dulo ang classroom nyo. And at last SLYTHERIN this is your classroom. Hoping that everyone in respective classes get along well. You may now go to your respective class.” mahabang salaysay ni Calliope. “Mira what’s yours?” saad ng babae. “Slytherin akin ikaw?” sabi ng babae. “Same tayo. Yesss!!!! Halika na hahaha, tabi tayo ah” “Sige sige lika na” “Maraming pogi sa Hufflepuff sh*t dapat dun na lang ako eh” anang ng babae. “Am I not handsome for you huh!?” saad ng lalaki. Sa harapan ko pa talaga ha. Anubayan ako lang walang kausap rito. Ano forever alone na ba ako. Hindi naman talaga sanay itong bibig ko na hindi nagsasalita wala lang talaga akong makausap. Kahit papaano nakukuha kong tumawa at ngumiti sa harap ng iba. Sa dami kong problema sa buhay mabuti at binigyan ako ng panginoon ng isang kaugalian na ipinagpapasalamat ko dahil itong ugali na ito ay ang hindi madaling sumuko sa buhay. “Miss!” tinig ng babae. Tila bumalik ako sa mundong aking kinagagalawan. Naku si Calliope bakit niya kaya ko kinakausap? Nagmasid ako sa aking paligid at mukang alam ko na kung bakit niya ako tinawag. AKO NA LANG MAG ISA SA LABAS!!!!!! NASAAAN NA ANG MGA ESTUDYANTE! Kaya pala nasa room na pala sila aisssshhhh unang araw ng klase tapos ganito ako putekkk…… “Ay sorry hindi ko napansin na ako na lang ang nasa labas” paumanhin ko. “Sige pumasok ka na sa klase mo. Ano bang logo ang na recieve mo? Tanong niya. “Ahmmm...... Hufflepuff?....... Tama Hufflepuff ” saad ko. “Dito yung classroom natin halika na sabay na tayo since malapit ng ang oras ng klase. Halika na.” saad niya. Gosh. Totoo ba ito Lord magbigay ka ng sign na magiging best friends kami. Lord kahit kaibigan lang ever since sa school ko wala akong naging friend or best friends. “Sige” sabi ko. Pagpasok namin agad siyang namili ng aming uupuan. Oo you heard it right AMING. Hindi ko ineexpect na gusto niyang maging magkatabi kami. Okay ito na siguro yung sign lord noh? “Ahm I forgot to Introduce my name I am Calliope Jane Ladier, siguro alam mo na yung pangalan ko kasi ako ang SCHOOL PRESIDENT but gusto ko magpakilala sayo hahahaha” *akward laugh* saad nito. Sabay lahad ng kanyang kamay saakin. Balak niya sigurong makipag kamay saakin. Okay I’ll take that as a second sign. “Hahahaha It’s fine. Well I am Alicia Mira Solace, you can call me MIRA or , ALICIA” tugon ko. Nakipag kamay ako sa kanya at nginitian niya ako agad ko din naman siyang nginitian. Sandaling napanatag ang loob ko kahit papaano ito na ang good start ko sa aking buhay, wala ng problema, o kung ano pa man. Maganda na may kilala na akong matatawag kong kaibigan sa buhay ko. Dahil ayoko naman na maging mag isa sa buhay, hindi naman sa magisa, gusto ko kasi na maramdaman na may ma sandalan ka sa oras ng problema at may magpapayo sa iyo na dadalhin mo sa buhay mo upan magpatuloy sa hinaharap. “Good Morning Everyone I am your First Teacher today, I am Ms. Cassandra Elie Isigan I’m your mathematics teacher. But since it’s your first day of class, it’s common that we have to introduce ourselves to everyone.” saad ng aming guro. “Okay let’s start to the first row.” “Good Morning Everyone I am Denise Loraine Avery. I hope we get along.” “Next” saad ni maam. “Hello Everyone I am Claire Montavilla you can call me claire for short hehehe.” “I am Dominic Bailey Hart and nice meeting you all” “I am Yasabella Rae Reyes” Habang nagpapakilala ang lahat hindi ko mapigilan na isipin ang mangyayari saaking buhay dahil hindi ko malimutan lahat ng pagpapahirap saakin ng dati kong mga kaklase sa aking previous school. Sariwa pa rin saakin kung paano nila ako pinahiya, pinahirapan, trinato nila akong maruming basahan at higit sa lahat wala man lang akong mahingian ng tulong dahil lahat ng mga guro, o opisyal sa paaralan ay may connection sila. Lahat talaga magagawa mo kapag may PERA ka. Lumingon ako kung nasaan ang pwesto ni Calliope, at hindi ko maiwasan na maisip at maitanong sa aking sarili na ganoon rin kaya siya katulad nila? Sandali akong natigilan sa pagiisip dahil sa lakas ng boses na nanggagaling sa aming kaklase……. “Good Morning Everyone From the land of A Small Town with a Big Heart Balit Capital of the Philippines, PATEROS. I am Basillio Drei Garcia” “ Teh pano sa gabi ano name mo hahahaha…” “Ahhhhaahhaha” “Hahahhah ang LT” Hindi ko rin maiwasang matawa hahahaha ang kwela niya gusto ko rin ng kaibigan na ganiyan pati ang aming guro hindi rin maiwasan na matuwa. Lalo naman itong si Calliope walang humpay ang tawa. “Ano pa ba edi Crispin hahahahahaha…… Ahemm…. Na naniniwala sa kasabihan na Kung hindi man ako para sa kanya hmp, kawawa naman siya. Duhh sa ganda kong ito choosy pa siya. And I thank you.” saad niya. Hindi namin maiwasan na matawa sa kwela niyang banat at pati ang aming guro ay sumasakit na ang tiyan kakatawa. Pati ang aming ibang kaklase ay walang humpay ang tawa. Ako rin ay napapalakas na ang pagtawa, hindi ko na napigilan, sa dati kong paaralan ay hindi ako makatawa ng ganito dahil nga sa pagpapahirap ng aking mga kaklase saakin, pero kinakaya ko pa rin dahil ayokong masayang ang buhay ko sa mga masasamang taong iyon na nang-api saakin. “Hahaha magandang pagpapakilala ang iyong ginawa, hay sandali lang sumakit ang tiyan ko kakatawa. Oh sige ipagpatuloy ang pagpapakilala.” sabi ni miss. “Good Morning Everybody I am Calliope Jane Ladier, I know all of you know me since I am the School President, but I hope everyone find everybody kind and we should get along well in the future.” saad nito. Ako na ang susunod at medyo kinakabahan ako. *Hooo* kaya ko ito, huminga ako ng malalim bago ako tumayo at magpakilala. “Magandang Umaga sa inyong lahat , Ako nga pala si Alicia Mira Solace. I hope we get along together near in the future.” Saad ko Paupo na ako nang biglang magsalita si Miss Isigan……. “Sandali Ahmm Maaari ba kong magtanong?” Kinakabahan ako sa nais niyang itanong ngunit wala akong magawa kundi pumayag. “Of Course Miss.” Sabi ko. “What’s is your mother’s name?” tanong nito. Natigilan ako sa kanyang itinanong, hindi ko alam pero sandali kong nakagat ang ibabang labi ko upang pigilan ang aking luha na nagbabadya ng tumulo, ngunit dahil ayokong ipakita sa kanila na mahina ako o ayokong makita nila akong umiiyak ay marahan kong linakasan ang pagkagat ko sa aking labi upang hindi ito tumulo. Huminga ako ng malalim bago magsalita. “Ahhh ipagpaumanhin niyo po miss, pero hindi ko po alam ang pangalan ng aking ina, hindi ko po kasi siya nakilala simula ng pagkabata ko. Ahmm pwede ko po ba itanong kung bakit nyo po naitanong saakin ang bagay na iyan?” saad ko. Mabuti na lamang at napigilan ko ang nagbabadyang luha ko na bumaba kung hindi mapapahiya ako, ramdam ko ang sulyap at titig ng aking mga kaklase saakin. Hindi ko maiwasan na isipin na ano kaya ang iniisip nila saakin, kung masama man ito sana hindi na nila iparinig pa sakin, baka tumulo lamang ang luha ko. “Naku pasensya ka na iha hindi ko alam na ganyan pala ang nangyari sa iyong buhay, pasensya na. Hindi ko kasi maiwasan makita sa iyo ang dati kong kaibigan, may pagkakahawig kasi kayo. Maganda siya kagaya mo at kasing kulay mo rin siya ng balat. Pasensya na talaga.” Pahayag ni miss. “Okay lang po. Wala na rin po sa akin ang mga bagay na iyan hahahahahaha.” Saad ko. Ngumiti si miss sa akin at maging ako rin. Ipinagpatuloy ni miss ang pagpapakilala ng bawat isa at heto ako ngayon hindi makapagantay na pumunta ng restroom para dun ko ibuhos ang aking luha. Hindi ko mapigilan na lumuha, hindi dahil sa aking ina na hindi ko pa nakilala sa buong buhay ko. Kundi Sa kadahilanan na sa buong buhay ko ay ngayon lang may humingi ng tawad sa akin kapag sila ay may ginawang hindi kanais nais saakin. Maginhawa at hindi ko mailahad kung gaano ako kapanatag at gaano kaluwag ang aking pakiramdam sa ginawa ni miss. Ganito pala ang pakiramdam nito. Masaya ako na may lungkot sa aking dibdib, tinatanong sa sarili at sa panginoon kung bakit ngayon ko lang naramdaman ito hahahaha. Ganon ba ako kasama sa past life ko? Para hindi iparanas itong magandang pakiramdam na ito. Yung pakiramdam na humingi siya ng tawad dahil alam niyang nasaktan ako sa kanyang pagtanong. “Okay Everyone, This is your 1st day of Class and I’m giving you my remaining time and a permission to take a walk in our academy and for some transferees please be guided by your friend if you want to take a look, don’t walk alone please. And Have a great day students.” saad ni miss. Sabay sabay kaming nagpaalam kay Ms. Isigan at bago siya lumabas ay muli akong sinulyapan ni miss at sabay ngumiti sa akin na parang sinasabi ng kanyang ngiti ay maging maayos ako at kayanin ko ang pagsubok na aking pinagdadaanan. “Alicia gusto mo maglibot?” masayang sabi ni Calliope. Nagulat ako sa pagaaya niya saakin at napalitan ito ng saya. Hindi na tuloy ako natuloy sa pag iyak hahahaha buti naman dahil ayoko naman na pumasok na sa classroom namin ng namamaga ang mata galing sa pag iyak. “Hahaha sige. So saan tayo magsisimula maglibot?” nakangiting tugon konsa kanya. “Ahm pwede ba sa library? Gusto ko kasing tingnan yung mga libro. Hehehehe mahilig kasi akong magbasa alam mo na NERDY THINGZ hahahhaha.” Tumatawang saad niya. “Hahaha okay lang mahilig din naman ako magbasa. Halika na tingin tingin tayo baka mahanap natin kung saan ang library.” Nakangiting sabi ko. Habang naglalakad kami at hinahanap kung saan ang library, may nakikita akong magagandang kwarto at pansin ko na ang mga kagamitan rito ay mukang mamahalin at talaga pang pribadong paaralan ang eskwelahan. Sa pagitan namin ni Calliope siguro parehas kaming nabibingi ngayon sa katahimikan. Dahil habang naglilibot kami pa maya maya may sasabibin siya at hindi niya ito itutuloy, na para bang nahihiya pa siya saakin. Pati rin naman ako dahil for the first time of my life may kausap na ko diba? Kaya mahirap saakin ang sitwasyon na ito. Siguro ako naman ang unang kumausap sa kanya dahil pansin ko nga na siya lagi ang unang kumakausap saakin at hindi ako. Siguro ito na ang tamang oras para mag get to know each other kami. Ano bang pwedeng itanong? Ahmm,Isip Alicia….. ah Kapatid. Ilan silang magkakapatid iyon na lang. “Ahmm Calliope Ilan kayong magkakapatid?” nagaalinlangan kong tanong. “Hahaha wala akong kapatid eh….. i-ikaw?” utal niyang tanong. Siguro ay nagaalinlangan siyang tanungin ako dahil sa nangyari kanina. “Hahahaha” *akward laugh* “Wala akong kapatid, magulang o relatives, in short mag isa ko lang binubuhay sarili ko, actually meron naman nag ampon sakin kwento niya nakita niya ako sa may basurahan nung sanggol pa lang ako , nakalagay daw ako sa basket pagkatapos naawa siya saakin kaya inampon niya ko. Iyak daw kasi ako ng iyak eh hahahaha.” Nalulungkot kong kwento sa kanya. “Okay lang umiyak, you can cry on me, alam mo pwede mong ilabas lahat saakin lahat ng hinanakit mo, pinagdadaanan mo, maaasahan mo ko, kung ayaw mo pa sa ngayon okay lang naman.” Mahinahong sabi niya. Hindi mo alam Calliope kung gaano ako kasaya, sa sobrang saya ko naluluha na ko rito mabuti at walang tao rito. Sana maging tunay na magkaibigan tayo yung maaasahan natin ang isa’t isa pag may problema tayo. “Basta kapag hindi mo na kaya feel free to tell me your pain. Ha? Alam mo kasi sa totoo lang naaawa ako sayo. Kaya bilang isang mabuting tao. I decided na you can call me everyday and night if you have problem or you need help. In short we are now Best friends, or sisters since wala naman akong kapatid hahahaha.” Nakangiting sabi niya. Sobra akong natuwa na hindi ko namalayan na nayakap ko na siya. “Sorry hindi ko mapigilan hahaha salamat ahh ever since wala akong naging kaibigan kaya pasensya na talaga, sobrang saya ko lang talaga. Don’t worry you can call me rin if my problem ka or need help.” Masaya kong tugon. “Ano ka ba okay lang…. Sabi ko naman sayo diba best friends na tayo.” Sabay hawak niya sa kamay ko. “I promise that I’malways here for you” nakangiting sabi niya. Masaya ako na nakilala ko si Calliope kasi sa wakas may kaibigan na rin akong magpapayo saakin kapag may pinagdadaanan ako at ang higit sa lahat may mahihingian na ako ng tulong. Maganda nga itong simula para saakin upang ipagpatuloy ang aking buhay. Natagpuan na namin ang silid aklatan at sabay kaming tumingin ng mga libro na makakaagaw ng aming pansin. Mga sampung minuto rin kaming nagtingin nang magring na ang bell, pumunta kami sa cafeteria upang bumili ng makakain dahil nagutom kami sa paglilibot. Paagkatapos namin bumili ay naisipan ko na sa klase na lang kami kumain. Tutal hindi naman marami ang aming binili. Mga snacks lamang upang may maanguya kani habang nagkwekwentuhan sa klase. Matapos ang aming kwentuhan at kainan, maya maya ay pumasok na ang aming guro. Batid kong ang isang ito ay strikto, at ang kanyang kilay ay laging nakataas. Mataray. “Good Morning Everyone I am Mrs Matilda Nimfa Reyes And I will be your Science Teacher.” Taas kilay niyang sabi. “You kindly distribute this.” Saad ni miss. Sabay kuha ng isa naming kaklase ang pinapabigay ni maam sa lahat. “Yes Miss” malumanay na sabi ng aming kaklase. “You’re going to write your name in that and once I call your name you have to answer my questions. Understood?” mataray na sabi ni Miss Reyes. “Yes Miss” sabay sabay naming sabi. Lahat ng aming kaklase ay nagulat sa kanyang ipapagawa dahil unang klase pa lamang ay may recitation na agad. “Hala agad agad” inis na sabi ng babae. “Oo nga eh. First day of class nagpapaganyan.” Inis na anang ng babae. “Okay now we have a terror teacher. Bitter siguro sa lovelife hahaha” tawa tawang sabi ng babae. “Quiet.” Sigaw ni Miss Reyes Kinakabahan ako pero hindi ko na lang pinahalata, sigurado ako na ang mga itatanong niya saamin ay ang mga natutunan namin in our own previous school. “Kinakabahan ako hahaha sana kahit papaano may maisagot ako sa tanong ni maam. “ bulong sa akin ni Calliope. “Oo nga eh, sana di gaano mahirap yung tanong ni maam. “ mahina kong sabi sa kanya. “Okay pass the card now in the front. And once I call your name you’re going to stand and answer my questions properly. Understood?” “Yes Miss” sabay sabay naming sabi. “Okay Let’s have Angel Joi Bellamy.” Kunot noong sabi ni miss. “Yes Miss.” Kinakabahang sabi ni Angel. “Let’s start with the basics question. The question is how many branches of science do we have?” nakangiting tanong ni miss. “U-uhm……. W-we h-have 3 main branches of science Miss.” Utal utal niyang sagot. “Okay Good. Can you give those 3 branches?” saad ni miss. “Y-yes Miss. U-uhm We have P-physical, Earth and L-life S-science Miss.” Kinakabahan niyang tugon sa tanong ni miss. “Very Good, You may now sit down.” Saad ni miss “Thank you Miss” panatag na sagot nito. Ang iba ay kinakabahan sa susunod na tatawagin ni miss, ang iba ay nagdadasal na upang hindi sila matawag, ang iba naman ay hinihiling na sana madali lang ang kanilang tanong na sasagutin. “Lord plsss nagmamakaawa ako, sana hindi po ako ang matawag” nagmamakaawang saad ng babae. “Naloloka ako dzaii, dyusko di kaya ng aking brain ito.” Naiiyak ng tugon ni Basillio. Hindi ko maiwasan na matawa sa inaasta ng iba. Pasensya na talaga, iyong iba kasi umiiyak na hahahaha, iyong iba nagdadasal na ng Ama Namin. “Okay next we have Basillio Drei Garcia” tawag ni miss sa aming kaklase. “Hala” umiiyak na maktol ni Basillio. Hindi maiwasan ng iba na matawa dahil sa reaksyon niya. Pati kami ni Calliope ay patagong tumatawa dahil baka mapagalitan kami ni Miss Reyes. “Anong hala? I want you to answer this correctly. Question. What is Matter?” tanong ni maam “Uhmm, uhmm Matter is is anything that occupies space and has mass.” Sagot nito. “Good. How about this.” Bitin na saad ni miss. “Sabi ko naman sayo matalino itong baklang toh.” Nakakalokong bulong nito sa kanyang katabi. “Edi ikaw na bakla, yabang nito karmahin ka sana” taas kilay itong sinagot ng kanyang katabi. “Kindly Give me the 7 states of Matter.” Saad ni miss. “Hala 3 lang alam ko bakla, help me huhuhuhu” kinakabahan nitong buling sa kanyang katabi. “Bakla ka hahahaha ewan ko din 3 lang alam ko, nakarma ka nga.” Mahinang tawa ng kanyang katabi. “U-um We have Solid, Liquid, Gas……. I-I’m sorry miss but I only know 3 states of matter.” Takot na pagpaumanhin ng kaklase ko. “God you’re now in 11th grade and still you only know three states of matter OK sit down make sure you study my subject I don’t want any of my students don't know anything about science.” Taas boses ng lecturer na nagpagulat sa aming lahat. Kawawa naman si Basilio, naawa ako sa kanya sapagkat naranasan ko na rin mapahiya hindi nga lang sa recitation, kundi sa pakana nila Ramona saakin dati. Pinahiya nila ako at parang walang pakielam sa aking nararamdaman. “Next. Alicia Mira Solace.” Tawag saakin ni miss. Tumayo na ako at hinanda ag aking sarili sa kanyang mga tanong. “You’re going to answer the question that Mr. Garcia didn’t answer. “ saad ni maam. “There are 2 types of States. The first one is The Natural States, in the natural states there are solid, liquid gas and plasma. The other one is the Modern States. It has supercritical fluid, degenerate matter, Bose Einstein condensate, Fermionic condensate, superconductivity, superfluid, supersolid, quantum spin liquid, heavy fermion materials, String net liquid, Dropleton, Time crystals and rydberg polaron.” Mahabang sagot ko. Biglang nagpalakpakan ang aking mga kaklase aa aking naisagot, at napahanga sila dahil labing anim ang states na aking nasagot pero ang hinihingi ni maam ay pito lamang. Nang tingnan ko si maam ay maging siya ay napahanga saakin. Nagulat ako sa kanyang reaksiyon dahil sa dati kong paaralan kapag ako ay sumasagot ng katanungan na hindi alam ng iba kong kamagaral minsan ang sinasabi nila ay isa akong pabida at ang aking mga guro naman ay tinatawag akong bastos at mayabang dahil sa pagsagot ko sa kanilang mga tanong. “Ang galing mo naman” bulong saakin ni Calliope. “Excellent. I only ask 7 but you gave me 16 states. Very Good. I’m looking forward about you. Okay next question. Give me an elements and its uses.” Nakangiting pag utos sa akin ni maam. So more than one shutakels andami naman. “Ahm Ca for Calcium, and Calcium is a mineral that’s well-known for its key role in bone health. Calcium also helps maintain heart rhythm, muscle function, and more. Because of its health benefits, calcium is one of the best-selling supplements in the U.S.” hindi pa ko tapos pero makikita sa mukha na aking mga kaklase at guro ang paghanga sa aking mga sagot. “And last Na for Soduim, Sodium is used as a heat exchanger in some nuclear reactors, and as a reagent in the chemicals industry. But sodium salts have more uses than the metal itself” matapos kong masagot ang tanong ni maam, humingi ako ng malalim dahil sa haba ng aking sinabi. “You must really studious, I wonder how many award did you get in your previous school.” Nais kong matawa sa sinabi ni miss dahil wala siyang kaalam alam na maski isang medal at certificate wala akong natanggap dahil nga sa mga guro at matapobreng mga tao roon. Tumawa na lamang ako. Pinaupo na ako ni miss at ipinagpatuloy niya ang kanyang pa recitation sa aming klase. Habang nagpapatuloy ang pa recitation ni miss nililibang ko na lamang ang aking sarili gaya ng pagtingin sa labas ng bintana. Napakaganda ng eskwelahan na ito dahil mukhang didiplinado naman ang mga estudyante rito. Nakaramdam ako ng sulyap ng kung sino saakin kaya linibot ko ang aking paningin sa ibaba. Ngumit wala naman akong nakita. Kaya minabuti ko na lamang na ituon sa ibang bagay ang aking isip. Nagpaalam na kaming lahat kay Mrs. Reyes nang matapos ang klase. Nagsibabaan na ang iba nang tumunog na ang bell,dahil oras na ng lunch break. Bumaba na kami ni Calliope at pumasok na sa cafeteria. “Dito na lang tayo” itinuro niya ang lamesa na nasa bandang gilid at naupo na kami rito. “Anong gusto mo ako na ang o-order. Treat muna kita” nakangiting saad niya saakin. Nahihiya man ako ay wala na akong nagawa dahil sa pagpupumilit niya. Um-order na si Calliope habang ako ay nagbabantay ng aming gamit. Inilibot ko muna ang aking paningin upang tingnan ang kabuuan ng cafeteria. Namangha ako sa kalakihan nito at nakaagaw ng aking pansin ay ang malaking garden na matatanaw mo mula rito sa loob. Makikita mo talaga sa mga glass wall ang ganda ng langit pati na ang mga estudyante na naglalakad sa labas. “Oh my Goshh. I’m super excited for the new players for the basketball team ackkkkk.” Kilig na saad ng babae. “Yeahh Me too. My beauty really can’t wait for it.” Tugon ng babae sa kasama nito. “Ackkk for sure they are one hundred percent handsome and hooottt. I really can’t wait.” aniya naman ng isang pang babae sabay subo ng pagkain. “Here’s your lunch maam” nagulat ako sa boses na nanggaling sa aking likuran. “Aishhh ginulat mo naman ako” aniya ko habang tinutulungan siyang maglapag ng aming mga pagkain. “Here’s your carbonara with the leaf on the top, your medium rare steak ,and your grape juice.” Aniya niya na para siyang isang waitress sa restaurant. Natawa na lang kaming parehas sa inasta niya. Maya Maya ay nagulat ako dahil marahang binibilisan ni Calliope ang kanyang pagkain. “Ambilis mo naman kumain” saad ko sabay subo ng carbonara. “Ah kasi pupunta pa ko sa school director office” aniya niya habang may laman ang bunganga. “Ahhh you know School President thingz” sabay lapag ng kanyang iniinom sa lamesa. “Pwede bang maglibot ka muna sa school habang wala ako.” Pakiusap niya saakin habang nagliligpit ng pinagkainan. Wala naman akong gumawa kaya tumango na lang ako sa kanya. “Sure no problem. Hindi naman ako gaano maglilibot aakyat din ako agad.” Saad ko sabay kuha ng grape juice at sabay inom. Umalis na si Calliope upang gawin ang trabaho niya bilang School President. Kakatapos ko lang kumain at balak ng umalis para maglibot libot dahil medyo malayo pa ang oras ng susunod na klase. Naisipan kong sa garden na lang maglibot. Tutal nakuha nito ang aking atensyon ko kanina “Wahh ang ganda ng mga bulaklak.” Mabuti na lamang ay dito ako naisipan ni Mama pagaralin bago siya mawala. Nagpapasalamat talaga ako na inampon niya ako, at tinuring niya ako bilang tunay niyang anak. Kahit papaano alam ko ang pakiramdam kung paano mahalin ng ina ang isang anak. Tiningnan ko ang orasan at mayroon pa akong natitirang labing limang minuto bago ang susunod na klase. Habang naglilibot sa garden, naramdaman kong may tumitingin sa akin ngunit hindi ko pinahalata na napapansin ko ito. Sino kaya siya? Siya kaya yung tumitingin sa akin kanina habang may klase pa kaninang umaga. Napagisipan kong umakyat na at tumungo sa aking klase. Umupo na ako sa aking upuan at kinuha ang libro ko na binabasa ko kapag wala akong ginagawa o pag bored ako. Habang iniintay ko si Calliope binasa ko na lang muna yung dala kong libro dahil mukang wala naman akong makakausap rito. “Woww binabasa mo rin yan” nagulat ako sa mahinang bulong ng nasa likuran ko. Lumingon ako rito at nakita ko ang isang maputing babae na may kasingkitan ang mata, may katangusan ang ilong,may pagka pula ang kanyang labi at ang kanyang buhok na kulay itim ay may kahabaan. “A-ah o-oo bakit?” saad ko sabay tingin sa aking libro. “Ahh ako rin kasi, gusto ko kasi ang mga detective stuffs katulad ng mga ganiyan anong chapter mo na?” mahinang bulong niya sabay baling sa libro ko. “Ah Chapter 34. Tapos mo na ba basahin ito?” tanong ko sa kanya. “Oo iyong libro na yan tapos ko na basahin yan, nasa volume 6 na ako eh” bulong niya saakin sabay baling sa kanyang bag at may kinukuha. “Ito oh dinala ko yung volume 6 dahil kapag bored ako binabasa ko ito nasa chapter 65 na nga ako ehh” namangha ako dahil hindi ako makahanap kung saang bookstore pwede makabili niyan at kung makahanap naman ako paniguradong mabubutas ang bulsa ko sa sobrang mahal ng librong yan. “Grabe ang mahal nito ah saan mo nabili?” tanong ko sa kanya. “Ah hindi ko rin alam eh tatanong ko kay kuya regalo niya kasi saakin ito. A-ah nga pala hindi ba ako mukhang weird?” nagulat ako sa kanyang tanong kaya umiling agad ako. “Hindi ka naman weird ah. Parehas pa nga tayo ng binabasa diba?” sabay kinindatan ko siya. Napaka inosente niya sino kaya ang magsasabing weird siya. “A-ah nakalimutan ko magpakilala ako nga pala si Szynayah Jolene Cameron.” Inilahad niya ang kanyang kamay at tinanggap ko naman ito sabay pakilala. “Ako naman si Alicia Mira Solace. Nice meeting you hahahaha” nagkwentuhan kami ng mga ilang minuto at maya maya dumating na ang aming lecturer ngunit wala parin si Calliope, siguro busy. Natapos ang aming klase sa History at sabay sabay kaming nagpaalam kay Mr. Cole. Natapos na ang klase at wala pa rin si Calliope. Nagkwentuhan na lang ulit kami ni Szynayah. “Pamilyar ang apelyido mo I forgot when did I hear your surname” sabi ko sa kaniya na ikinatawa niya naman. “Ah kasi kami ang may ari ng school na ito” nagulat ako sa sinabi niya dahil ganon pala sila kayaman. “Wahh ang yaman mo pala” tinawanan nya lang ang aking sinabi. “Mom at Dad ko ang mayaman hahaha. Si dad ang nagtayo ng school but sa iba nya pinamahala ang school." kwento niya saakin. Nakakamangha ang buhay nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD