FLIRT
Nang makarating kami ay agad kong natanaw si Kiel na naka suit at halatang magta trabaho at naka upo sa pinaka dulong mesa habang tutok sa cellphone na hawak nya at mayroong tasa ng kape sa lamesa. Nagsi alisan narin ang nga maid para gawin ang kanilang mga trabaho.
Tumikhim ako at umupo sa kabilang dulo ng lamesa. Agad nagtama ang aming paningin kaya umayos sya nang upo at ibinaba ang hawak na telepono.
"After a lifetime bumaba ka na rin" sabi nya at biglang lumapit ang isang naka tux na lalaki at may binigay sa kanyang papel at ballpen.
"I'm giving you a whole day para basahin yan at intindihin. Sa ayaw at sa gusto mo pipirmahan mo parin naman yan kaya basahin mo nalang. And mamayang gabi pumunta ka nalang sa study para maselyohan ang kontrata" sabi nya at binigay sakin ng isa pang naka tux na lalaki ang kaparehong hawak nyang papel na kontrata pala.
"Err, kailan tayo kakain? Nagugutom na kasi ako" walang hiyang sabi ko tsaka tumingin sa kanya pagkatapos tanggapin ang kontrata at itinabi.
Eh akala ko kasi kaya kami pupunta sa kusina ay para kumain.
"Anong gusto mong kainin? Hmm?" mapang asar na tanong nya nag nagpa inis sakin.
"Kahit ano basta pagkain! Jusko naman Kiel huwag ka na mang asar" ani ko.
Ilang ulit syang napa kurap kurap sya at inayos ang neck tie at parang nasisikipan at tsaka hindi maka paniwalang tumingin sakin.
"C-come again?" sabi nya habang parang tangang naka tingin sakin.
Hala! Anong bang nasabi ko? . . . Nagtatakang isip ko.
"Y-yung ano?" inosente kong sabi.
Tuloy nahahawa narin ako sa pagkaka utal nya!
"Say my name again. . . Please?" pagmamaka awa nya.
He said Please!
"K-kiel" naka labi kong sabi gamit ang mahinang boses.
Agad nyang hinawakan ang kape nya at dali daling ininom hanggang sa nakada ubo ubo sya.
Hes so cute! . . .
Isip isip ko tsaka tumawa. Agad naman syang napa tingin sa akin.
"What's funny?" sabi nya habang halos mag dikit na ang dalawang kilay at naka nguso.
Ang cute nya talaga! Mukha syang frustrated cute tiger! . . .
"Ang cute mo" bigla kong sabi. Na mas lalo pang nag palaki nang mga mata nya.
Hala! umurong na ata yung gutom ko hindi ko alam nakaka busog palang tumingin ng cute!
"Stop teasing me!" sabi nya inayos muli ang neck tie nya na parang mas lalong nasisikipan sya sa lagay nya tsaka pinasadahan ang kanyang buhok gamit ang kanyang mga daliri.
His hair is messy and it look so damn hot on him!
Hindi sya sanay maka tanggap ng papuri! Ang cute!
"What? . . . Im just being honest here!" painosente kong depensa sa kanya.
"F*ck! Godamit baby you're giving me a suddenly heart attacks" sabi nya at pinasadahan muli ng kanyang daliri ang buhok nya.
"I don't know what you're saying. . . I’m inoccent here!" pagmamaang maangan ko pa na nag pa iling sa kanya.
"You hitting me and now playing inoccent! You're giving me heart attack!" paninisi nya pa.
"Well sad to say but you hit by a very hot heart attacks baby" mapanuyang sabi ko gamit ang mapag larong tono.
Napabuga nalang sya ng hangin at masamang tumingin sakin na hindi ko naman inurungan at ginawaran sya ng titig na may kasamang mapag larong ngiti. Pero hindi pa kami tumatagal sa pag titigan nang biglang dumating ang mga katulong at isa isang inilapag ang pagkain.
Napa tikhim ako at iginala nalang ang mga mata sa pagkain para mabawasan ang pagka ilang. Nang matapos silang maghanda ay walang anu ano akong kumain at hindi na hinintay ang mga kubyertos.
Yes nag kamay ako! Aba! isang linggo akong hindi kumain. Wala nang hiya hiya toh!
Pa lihim ko syang sinilip at ng makita kong kumakain din sya ay ibinalik ko na uli ang focus ko sa pagkain. Kinuha ko ang kanin at ang steak at tsaka lahat ng klase ng ulam na naka handa sa lamesa at tsaka muling kumain.
"Hey slow down wala kang kaagaw" sabi nya pero hindi ko sya pinansin. Nang matapos ako ay tsaka ko sya tinignan at hilaw na ngumiti.
"Sorry, isang linggo kasi ako hindi naka kain" Nahihiyang sabi ko tsaka pinunasan ang bibig ko gamit ang table napkin at uminom ng tubig.
Wow ngayon pa ako nahiya ah! Hindi ata ako naturuan ng good manners nung elementary ako. Ganto yung pananamit ko pero kung kumain ako kanina mukha akong aso!
"What? . . . One week?! The hell!" gulat nyang sabi. Sabay napa tingin sa lamesa na kanina ay mukhang handaan pero ngayon ay mukhang binagyo.
Napa dighay pa ako kaya mas lalo akong ngumiti sa kanya. Kaya tumayo ako at isinalansan ang mga plato.
"Ako nalang mag huhugas ng plato" prisinta ko.
"No! Let the maids do that" sabi nya tsaka nya ako dali daling hinila papalabas ng dining area.
"W-wait Kiel yung kontrata naiwan ko!" sabi ko at pilit kumakawala pero hindi yon umubra para bitawan nya ako.
Nang makarating kami sa living room ay binitawan nya ako kaya pabagsak akong umupo sa sofa habang lukot ang mukha.
"Ang boring kaya! Dapat hinayaan mo nalang akong maghugas. Ano nang gagawin ko ngayon!" maktol kong sabi tsaka tinanggal ang killer heels ko at hinimas himas ang nananakit kong talampakan.
"You can read our contract so you don't get bored" walang kwenta nyang suggest kaya inirapan ko sya.
Biglang dumating ang lalaking naka tux na siguro ay bodyguard at binigay ang mga naiwang kontrata kanina sa hapag.
Hmm! I want to play. . . Para hindi ako ma bored.
Nang maibigay na sakin ang kontrata ay agad akong tumayo at dinagukan sya para makutulog.
Sorry kuya guard matulog ka muna. Mamaya maglalaro tayo promise. . .
Binuhat ko si kuyang bodyguard na parang sako.
Ang bigat nya rin pala hehe
Binalingan ko naman si Kiel na nagugulat na nakatingin sakin dahil sa mga ginawa ko.
"Saan yung play room nyo?" tanong ko sa kanya at alam na ang ibig sabihin ng sinasabi ko.
Nang hindi sya sumagot ay dire diretso akong naglakad habang nakayapak. Nag tanong lang naman ako kasi baka sakali ituro nya pero simula palang ay alam ko na. Kanina kasi habang papaba ako sa hagadan ay nahagip ng mata ko ang hologram na mapa ng bahay sa entrada ng elavator papasok. Kaya ko nalaman na may play room dito.
"How did you know that there's a play room here?" tanong nya nang maka bawi sa pagkabigla habang naka sunod sakin.
Ngumisi nalang ako at humarap sa kanya. "Sikretong malupit" sabi ko at naglakad muli.
Ilang minuto pa at nakarating kami sa elavator. Sa lawak ng bahay na ito aabutin ka talaga ng ilang minuto para lang maka rating sa ibang bahagi neto. Pumasok kami sa loob at pinindot ko ang pulang buton tsaka nagsarado ang elavator. Segundo lang ang hinintay ko bago bumukas. At pagka bukas ay parang nasa ibang mundo ako.
May mga hot babes!
Lumabas ako at inilapag si kuyang bodyguard sa sahig na haggang ngayon ay tulog parin. Dahan dahan kong inilibot ang paningin ko at agad kong nakita ang estante na puno ng long range rifles.
Gun is the new babes!
Sa unang estante ay naka hilera ang isang dosenang Remington 700 5R na rifle. Sa baba naman ang ang nakahilerang Mossberg MVP precision na baril at iba pang klase ng long range rifles.
Sa kabila naman ayang limang suitcase na nakalagay sa metal na lamesa na puro handguns. Sa unang suitcase ay nakalagay ang FN 509 LS Edge Tactical FN America na baril. Sa pangalawa ay ang handgun na CZ P-10S in FDE and OD CZ USA . Nakalagay naman sa pangatlong suitcase ang Glock 43X MOS Glock na model gun.
Ang pang apat na suitcase ng baril ay ang SAR9 Optics Ready Sarsilmaz. Ang panghuli na laman ng suitcase ay ang SIG Sauer X-Carry Legion SIG Sauer model na baril.
Naglakad ako papalapit sa pader at pinasadahan ng daliri ang iba't ibang klase ng granada at iba pang uri ng patalim.
Oh My! Another heaven! Ayoko na lumabas!
Tinignan ko si kuyang bodyguard pero tulog parin sya.
Hala napa sobra ata yung pag dagok ko sa kanya!
Kaya tinignan ko nalang si Kiel na hanggang ngayon tulala parin.
"Woi Kiel! Yooohoooo!" kaway ko sa kanya at mahina syang sinampal sampal. Tsaka sya nagising ay tumingin sya sakin.
"Let's play a game Kiel! Play with me!" pangungulit ko at kinuha ang FN 509 LS Edge Tactical FN America na handgun at pumunta sa shooting range.
"N-no don't touch it! You might get hurt!" sabi nya at pilit inaagaw sakin ang baril. Pero hindi ako nagpatalo at binawi ang baril sa kanya tsaka tinutok sa kanya.
"No! I know what to do! I'm not dumb. Now play with me!" Inis na sabi ko at tsaka hindi ko inalis sa kanya ang pagkaka tutok ng baril.
"No, you don't know to use that!" sabi nya at kinakitaan nang takot pero hindi para sa sarili nya kundi para. . . Sakin?
Parang alam ko na kung para saan ang takot na nakikita ko sa mata nya. . .
Agad na kumalat sakin ang pait at inis kaya kumuha ako ng kaparehong klase nang baril at inihagis sa kanya na agad nya namang nasalo.
"No, I know how to use this. Ayoko na makipag laro sayo, your no fun. Just save your fears to your eyes because that's for her not for me." malamig kong sabi tsaka sya tinalikuran at sinimulang asintahin ang mga manequin.
Mainit ang ulo at kumukulo pa kaya pinag diskitahan ko nalang ang mga gumagalaw na manequin. Walang gigil kong pinapa ulanan ng bala at nang mawala ng bala ang baril ko ay ibinato ko iyon sa manequin na papalapit para matumba. Bumwelo ako at sinipa ang paparating na manequin na natumba rin.
Bakit ang sikip sa dibdib? Yung mga mata nyang nakatingin sayo ng may pag aalala pero hindi para sayo.
Sayo sya naka tingin pero hindi ikaw ang nakikita nya?
Mas lalong bumigat ang dibdib ko at nagsimula narin mamuo ang luha ko. Kaya mabilis kong tinakbo ang distansya ng nang isang manequin at tsaka sya sinuntok.
Kasing bilis ng hangin ang galaw ko at wala na akong inaksayang oras at lahat ng paparating na manequin ay walang awa kong pinapatumba. At ang pinaka huling manequin ay ibinuhos ko ang lahat ng galit ko.
Pinigilan kong umiiyak at pilit pinapa kalma ang sarili. Malakas kong pinakawalan ang suntok ko at buong lakas na sinipa sya. Natanggal ang ulo nito at bumagsak sa lupa.
Hingal na hingal at pawis akong tumigil. Mabilis kong pinunasan ang takas kong luha at tinapunan ko ng tingin ang dalawang tao na nakatingin sakin. Si kuyang guard at si Kiel na naka nganga sakin. Tinignan ko ang damit ko at doon ko nakumpirma. . .
Oo nga pala naka dress ako. Anak nang! Bakit ko nga ba nakalimutan yon?
Medyo lumihis ang dress ko kaya inayos ko at pinilit na mas ibaba.Nang matapos ay lumapit ako sa isang estante na puro patalim at kumuha ako ng isa. Nag singhapan naman ang nasa likod ko.
Hala bakit? Magsasalamin lang naman ako ah!
Itinapat ko sa mukha ko ang patalim at tsaka nagsalamin.
Buti nalang at hindi masyadong magulo ang buhok ko! Thank god!
Inayos ko ang tikwas na buhok ko at pinasadahan ng daliri ang buhok ko para matanggal ang sunit at medyo umayos. Ibinalik ko muna sa tamang kina lalagyan ang patalim bago humarap sa kanila at patakbong lumapit.
"Hello kuyang bodyguard! Sorry pinatulog kita hehe. Pero ngayong gising kana laro na tayo!" magiliw na sabi ko at hindi binabalingan si Kiel ng tingin.
Hmmp! Manigas sya dyan!
Halata mang natatakot ay ngumiti sya at tumango sya at tinanggap ang aking alok. Agad akong napa palakpak at pumunta sa pader na may iba't ibang uri ng patalim. At tinignan ang mas maganda
"Ayos ka lang po ba maam na ganyan ang suot mo?" tanong nya at bumaba ang mata sa suot ko. Napatigil ako sa pag pili ng mga patalim.
Hmm oo nga makikipag sparing ako nang gantong suot?
"Change your clothes. There's a changing room beside the ring." biglang tumikhim si Kiel at nagsalita pero hindi ko sya binalingan pero sinunod ang sinabi nya. Pumasok ako sa loob at at nakita ang mga sports shirt na may iba't ibang sixe pero kahit small ay talagang, maliit ako. . .
Wow Filipina Pride to bes!
Mabilis akong nag bihis at pagkatapos ay dali daling lumabas. Tatalon talon pa ako papunta sa kanila at hinayaang sumayaw ang hanggang bewang kong buhok ko.
Nang makalapit ako sa kanila ay nagsusukatan sila ng tingin, at pakiramdam ko ay may pinag usapan sila kanina bago ako makabalik dito. Nag iba rin ang hangin dito sa play room dahil mas bumigat pa ang tension.
Tumikhim ako para makuha ang atensyon nila. Tumingin silang pareho at agad nawala ang dilim sa kanilang mga mata.
Ang gwapo rin pala ni Kuyang bodyguard! He has perfect line of jaws and a pair of beautiful brown eyes.
Hinubad nya ang kanyang tux at itinira ang kanyang polo nang maayos nya na ay initaas nya hanggang siko ang polo sleeves nya.
His biceps are hugging tightly in his polo. Tsaka nagsimulang maglakad
Wow his tanned! Si Kiel kasi ay maputi dahil may lahi syang kano. Yep! nalaman ko dahil blue ang mata ni Kiel. . .
Ang makasalan kong mata! Andaming nakikita jusko!
"Wait. . . " pabulong na sabi ni Kiel bago lumapit sa likuran ko. Bumilis ang tahip ng dibdib ko dahil sa biglaang pag lapit nya sakin.
No! Mali itong nararamdaman ko, kung ano man ito! Agad kong saway sa sarili ko.
Marahan nyang sinuklay ang buhok ko para matanggal ang sunit tsaka magaan nyang sinikop ang buhok ko at tinali. Nangangatog ang tuhod ko hang ginagawa nya ang pagtatali sa buhok ko. Ngayon ko lang hiniling na sana ay bilisan nya ang oras para matapos na
ang kahibangan na ito.
Ano bayan! Sabi ko galit ako eh! Tss kahoy ka rin pala self! Deny pa!
"Done" mahina nyang bulong tsaka unti unting lumayo sa akin. Napabuga ako ng hangin ng makalayo sya dahil kanina pa pala ako nagpipigil ng paghinga. Mabilis kong inayos ang postura ko at itinago ang namumula kong mukha.
"Remember what I said f*cker!" sigaw ni Kiel nang makalayo si kuyang bodyguard pero iwinasiwas lang nito ang kamay bago umakyat sa ring.
Nagtataka man ay sumunod parin ako pumasok ng ring katulad ng ginawa ni kuyang bodyguard para lang iligtas ang namumula kong mukha.
Hell no! Hindi ako papahuli ng buhay!
"Magha hand to hand combat lang po tayo ma'am. Ayoko ng bloody sparing at baka ma chop chop ako ng buhay" sabi nya at
mahinang tumawa.
"Yung amo mo ba ang nagsabi kuyang bodyguard?" sabi ko sa kanya sabay turo sa gawi ni James
Malakas syang napatawa kaya napa tingin samin si James na naka kunot ang noo.
"Call me Andres ma'am not kuyang bodyguard cause I'm not his employee" sabi nya hang hindi maka get over sa sinabi ko.
Hala! Akala ko sya isa syang bodyguard! Sno sya?
"Eh kaano ano mo si Kiel? Bakit ikaw yong nagbigay ng kontrata" takang tanong ko.
Huwag nyong sabihing magnanakaw ito?!
"Chill miss ako yung nagdala ng contract nyo kasi I'm a lawyer and he's my. . . f*cking friend" sabi nya na parang nadidiri pa sa huli nyang sinabi.
Omg! Friend nya si Kiel! Then. . . I knocked out Kiel friend!
"Hala sorry! Na knocked out kita! Sorry talaga!" hiyang hiya na sabi ko habang sya ay hindi na napigilan at bumulanghit na ng tawa.
"You are really funny maam. Siguro napaka bait mo" sabi nya nya habang nag pupunas pa ng mga luha nya dahil sa sobrang kakatawa.
"Everything can be deceiving, remember that" biglang lamig kong sabi ng marinig iyon bago pumuwesto sa kabilang banda ng ring.
Yeah! don't trust others because no one is loyal. The safest person you trust is just you self. . .