“NANDITO na tayo, tay. Welcome home,” Mahina ko'ng itinutulak ang wheelchair na sakay ni tatay papasok sa bahay. Binigyan na ako ng signal ni Renai na pwede ko na daw iuwi si tatay dito sa bahay kaya ginawa ko na. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Iyong ipon sana namin ni Ram na pampalipat ni tatay sa ibang ospital ay nagamit ko para sa discharged bill namin. Bawas na roon ang kung ano-anong discount na pwede ko'ng gawin pero talagang nasagad ang ipon namin. Sa kabilang banda, maganda naman ang pinagdalhan ng pera, atlis, nandito na si tatay sa bahay kahit para hindi pa rin ito fully recovered. Mahinang umungol si tatay at saka hinaplos ang kamay ko. Hirap na hirap pa ngang gawin ito. “S-Sala. . .mat. . .” utal-utal na ani ni tatay. Sa hospital ay naka-ilang speech theraphy na ri

