NARATING namin ang hospital ng mga Eleazar. Unang pagkakataon na pumunta rito ni Tatay kaya naman baguhan siya sa kabuuan ng pagamutan. Ilang taon pa lang kasi itinayo ang hospital na 'to. Siguro'y dalawa o tatlong taon pa lamang ang nakararaan. Iyong Eleazar Mental Institution ng mga ito naman ay ilang kilometro pa ang layo mula rito sa Eleazar Medical Hospital. Napakayaman ng pamilya nilang talaga. Ngunit kahit na ganoon, nananatiling mababa ang loob nila para sa mga mahihirap. Buwan buwan silang may medical free check up sa bawat baryo na ipinagpapasalamat ng buong nayon. Isinusulong sila ng mga tao na tumakbo bilang mayor ng probinsya. Kaso ay hindi interesado ang pamilyar Eleazar sa pampulitikong usapin. “Tay, umupo ka muna dito. Magtatanong muna ako sa nurse,” paalam ko kay Tatay b

