“WALA na ang tatay mo Sanya.” “Hindi! Hindi pwede 'yon! Buhay pa ang tatay ko, Renai. Nagsisinungaling ka!” hestirikal ko'ng sabi. Nag-iwas nang tingin sa akin si Renai. Maging ito ay namamasa na rin ang sulok ng mata. Halatang handa na rin itong umiyak tulad ko. Nanginginig ang kamay nitong napahawak sa sintido sabay takip sa mukha. “Mahal, kumalma ka." Sinubukan akong awatin ni Ram pero winaksi ko lamang ang hawak niya. Nilapitan ko si Renai at hinawakan sa braso. “Pakiusap, hindi totoong wala na si tatay. Sabihin mo'ng hindi totoo 'to, Renai." Para akong tanga na hindi makaintindi sa sinabi ni Renai dahil ayaw tanggapin ng utak ko ang malagim na pangyayari. “Sanya. . .wala na akong magagawa pa." Nasabunutan ko ang buhok ko at umiling nang umiling. Nablangko ang utak ko. Hindi

