Kidlat

445 Words
"Tama na iyan!" Sigaw ng lalaki na naka puting saklob. Ngunit agad na tumayo ang nilalang at akmang susugurin ang isa sa mga binata nang lumapit ang lalaking nakajacket sa likurang Bahagi ng sumusugod na nilalang. Itinaas nya ang kanyang kaliwang kamay at ibinuka ang mga palad na nakatapat sa nilalang. "Nies Fiela Nuom Ars Dih". Wika ng binata. Pagkabanggit ng mga salitang ito ay nanigas ang katawan ng nilalang at Tanging mga mata lamang nito ang naigagalaw nya. Nakagagawa sya ng mga ungol na di nanaising marinig ng kahit sinong tao. Binitawan ng mga lalaki ang nilalang at unti unti itong lumutang ng may dalawang dangkal mula sa lupa. Lumapit ang lalaking naka jacket habang naka paligid sa nilalang ang mga lalaki. Tinanggal ng binata ang hood ng jacket nya at inilabas ang punyal mula sa bulsa ng jacket nya, may pitong pulgada ang haba ng punyal na may dalawang talim at napapalamutian ng mga ukit ang hawakan nito ng Isang malaki at maraming sanga na puno. Hinawakan nya ito ng dalawang kamay at buong lakas na iwinasiwas sa hangin papunta sa leeg ng nilalang na nagdulot ng pagsirit ng madaming dugo sa hangin. Ang binatang naka saklob ay may inilabas na dalawang maliit na bato at ibinangga sa isa't isa ng ubod ng lakas na naglabas ng matinding kislap. Tumalsik ang mga mumunting kislap sa sumisirit na dugo ng nilalang at agad na nagliyab. Nagsimulang bumuhos ang ulan Ngunit ang nagliliyab na katawan ng nilalang ay patuloy lang sa paglingas hanggang sa maging abo nalang ito at mawala ang apoy. Nawala nadin ang mga lalaki. ------------ Sa Isang maliit na gusali sa pusod ng siyudad. "Hindi mo dapat ginawa yon. Alam mo ang kaakibat na panganib hindi ba." Wika ng binatang may takip na tuwalya ang ulo Ngunit mababakas pa din ang nagliliwanag na kulay berdeng guhit sa isang gilid ng mukha nito. "Kung hindi ko ginawa yon, manganganib ang mga kasamahan natin. Maari din na makawala pa ang halimaw nayon kung hindi ko ginawa ang ginawa ko." Sagot naman ng lalaki habang hinuhubad ang kulay violet nitong jacket. "Pero dahil sa paggamit mo ng Mahika, maaari nilang malaman na may engkantado dito sa siyudad at matunton tayo. Mas mapanganib yun." Natulala na lamang ang binata at hindi na umimik pa. Dumiretso na lamang sya sa Isang silid, isinara ang pinto at dumapa sa kama na nababalutan ng dahon ng iba't ibang halaman. Mula sa bintana ng silid ay may isang pares ng naglilingas na mga mata, nagmamatyag, nakikinig. Kumidlat ng pagkaliwanag at nabakas ang anino nito sa tindi ng liwanag. Nang matapos ang kidlat, naglaho na din ito sa gitna ng ulan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD