Masama ang tingin niya sa kanyang bantay ngayon. Nasa nurses ang kanyang mga anak at pinapaligoan kaya siya at ito lang ang naiwan. ñ "Nagugutom kaba?" Tanong nito. "Hindi." Sagot ko dito. Sagot ko bago muling pumikit upang iwasan ang pakikipag usap dito. Ayaw niya itong makita ngayon lalo at masakit pa ang kanyang tahi. Kikakailangan pala kasing tahiin ang pwerta ng babae pag nanganganak. "Sige pahinga kalang muna. Sabihin mo lang pag gusto mo ng kumain." Sabi nito na halata ang lungkot sa mga mata. Kinausap na siya ni Kuya Kiel kanina bago ito bumalik mula sa pag fill up ng mga birth certificate ng mga bata. Alam na niya ang puno at dulo pero naiinis padin siya dito. Dahil nasaktan siya ng labis e buntis pa man din siya ng mga panahong iyon. Nalaman din niyang ito ang sumusuporta s

