Chapter Nine

2744 Words
The voice she heard was so familiar to her, hindi siya maaring magkamali, kahit pa siguro lumipas ang ilang taon, hinding-hindi niya maaring malilimutan ang may-ari ng tinig na iyon. Sigurado siyang si Paolo ito. She felt happy, yung feeling na alam mong andyan na ang mommy at daddy mo mula sa ibang bansa. It was just a day and yet she really missed him. "Paolo?", tuluyan na siyang nagising, hindi niya napigilan ang sarili. Kahit siya ay nahihimigan niya ang pananabik ng kanyang boses pagkakita sa binata. Ano itong nararamdaman niya? She felt as though she's safe by just the mere presence of this man in front of her. Hindi na ba talaga mapipigilan? Ganito na kalaki ang epekto sa kanya ng binata? "Get up, sumunod ka sa akin sa kusina,"malamig na ang pakikitungo nito sa kanya. Ni hindi na nga ata siya tinignan ng magsalita ito. Siguro ganun nalang kalaki ang galit nito sa kanya. Pero may malasakit parin pala ito sa kanya. Isipin mo nga naman, alam nitong hindi pa siya nakapaghapunan. "At wag kang umasa, take note, ginawa niya lang ito out of promise", sinuway naman ng kanyang isipin ang munting pangarap ng kanyang puso. He was totally changed, hindi na siya ang Paolo na nakilala niya ilang araw lang, dahil lang sa sagutan nila kanina. Kahit pa naman siguro ilang ulit niyang kainisan ang sarili at magalit na rin, wala na siyang magagawa pa para ibalik ang dati. She's the one who's sending him away at ngayon niya lang narealize na masakit pala. Oh diba? Hindi lang naman siya malaking tanga!! "O ano? Hindi ka pa ba baba o gusto mong hilahin pa kita pababa", nanatili parin pala siyang nakahiga at binalikan siya nito para pagalitan. Parang dinaganan ng malaking bato ang kanyang dibdib. Gusto ng kumawala ang kanyang mga luha. Putek talaga, kanina nakatulugan na niya ang pag-iyak at ngayon na naman kagigising palang niya ay gusto na namang magproduce ng luha ang kanyang mga mata. Napakaiyakin niya ngayong araw . Promise, pinagsisihan na niya ng isang daang beses ang kanyang ginawa kanina. Nagmadali siyang bumangon at nakita niyang nakatayo pa ang binata sa pinto ng kanyang silid. Madilim na madilim ang mukha nito. She could not look straight into his eyes so she keeps her head down. Kahit gusting-gusto niyang humingi dito ng sorry hindi niya magawa, pinangunahan siya ng hiya. Ngayon niya lang alam na meron pa pala siya ganun. Habang kaharap ang dalaga, nais niyang sugurin ito ng yakap. Hindi naman talaga siya galit dito. Hindi niya magawang magalit dito. "I am trying to hold back myself Patrcia, kaya't sumunod ka na sa akin, and stop acting like that,"sigaw ng kanyang isipan. Ewan niya lang pero parang umiiyak na naman ito kaya't panay ang yuko nito. Siguro kung sa ibang pagkakataon matatawa siya sa inakto nito ngayon. This is not the usual Patricia, she's always heads up no matter what. Kahit nga noong nasa college sila. Kahit ito pa ang may kasalanan, hindi ito mag-aaksaya ng oras para magsorry. Kaya ang lagging spokesperson nito ay si Meryl. Laging naiiwan ang kaibigan para ito ang manghingi ng paumanhin, samantalang ito, malayo na ang narating, ito pa ang magagalit. The thing he hates the most is to see her cry. It would tear his heart apart. "Halika kana, maghapunan ka na, baka ano pa ang mangyari sayo, magiging kargo de konsensya pa kita kung saka-sakali", nagging mahinahon na uli ang boses niya. Palihim niyang pinahid ang kanyang mga luha at tahimik na sumunod dito. Ang sarap sugurin nito ng yakap at sabihin ng paulit-ulit ang salitang "sorry". Pagkarating nila sa kitchen, nakita niyang kinuha nito ang apron at sinuot. He will cook for her? "Hindi, he will cook for himself, siyempre niyaya kang kumain di para sayo"Nagsilabasan ang heart sa kanyang paligid. "Ahm, a-ako na-" "Just take a sit", o ayan, lagot ka tuloy, hayaan mo na kasi siyang magluto. She bite her fingernails and pull a chair. Tahimik siyang naupo at palihim na pinagmasdan ang binata habang nagluluto. Anak ng tilapia! Bakit ang gwapo parin nita kahit nakatalikod. Bawat galaw nito ay nakatutok siya, wala siyang pinaligtas, kahit ang pasimpleng paghinga nito ay nagawa pa niyang matyagan. He was oozing with s*x appeal. Hindi niya na nagawang maamoy ang niluluto nito. Nakatunganga lang siya dito. Hindi naman siya nito mahuhuli dahil nakatalikod ito sa kanya. Pero awkward, parang hindi siya nag exist sa paligid nito. "Kumain kana", napaigtad siya ng makita na lang itong nasa harapan na ito at magkaharap sila. Lagot na!!! hindi pa naman siya kumurap sa kakatitig dito. "Ha? I-ikaw?", kanina pa ba ito? Kumpleto na kasi ang mga gamit sa mesa, may kanin at ulam ng nakahain. Mayroon narin siyang pinggan, baso, kutsara, tinidor, tubig at baso. "Don't mind me, I'm done", wika nito habang tinanggal ang suot na apron. Wag mong tanggalin, bagay sayo yan! Gusto niyang isigaw dito. "Wag!" "Huh?", huli na niyang namalayan na naisatinig na pala niya. Gusto niyang magtatakbo sa kanyang kwarto at doon na magtago. "I m-mean, h-hindi ko to mauubos", pagpapalusot niya, sana lang eh buminta. "Then just leave it kung hindi mo magawang ubusin", he said while folding the apron. "Ah, okay, sige", aniya't dahan dahang nagsandok ng kanin. Pinakiramdaman niya itong ng mapansing hindi pa ito umalis sa kinatatayuan nito. Hindi niya ring magawang kumain dahil naasiwa siya rito. Ano naman kaya ang plano ng lalaking ito at hindi pa umalis sa kanyang harapan? "Doon na muna ako sa sala, tawagin mo nalang ako pagtapos ka na", nabasa ata nito ang kanyang nasa isipan. 'No, okay lang ako, wag ka nalang umalis diyan', sigaw ng kanyang sutil na isipan. The hell with this man. May pagkatupakin din naman pala ang isang ito, akala niya siya lang ay may ganun sa kanilang dalawa. Ang kaibahan nga lang ay mas nakakatakot ang isang 'to pag ito ang nagsumpong ng topak. Ito nga at halos ni hindi niya magawang makapagsalita. Wala na siyang nagawa pa ng umalis ito tangay ang isang beer in can. Hinatid niya ito ng tingin hanggang sa hindi na abot ng kanyang paningin ito. She continued eating the food he cooked to her. The food taste so good. Tapos kung makapanglait siya nito noong araw, argh!!! Hindi talaga siya nag-isip ng matino. Matapos niyang kumain, niligpit niya ang pinagkain at hinugasan ang mga pinggan. Nagpunta siya sala at nakita itong nakasandal ang ulo sa sofa. Dahan dahan siya pumanhik papunta sa kanyang kwarto. Hindi na niya ito kailangan pang i.inform na tapos na siyang kumain tulad ng sinabi nito kanina. Kahit papano may pride pa naman siyang natira. "Bahala ka! You're not a saint!", sigaw niya sa sarili. "Tapos ka na pala, bakit hindi ka nagsabi", bahagya pa siya napaigtad sa boses nito. She turn around and see him looking at her without emotion on his face. Siguro big fan ito ni lady gaga, ang hilig din naman kasi nitong magpoker face, kahit noong nasa college sila. "Obviously", gusto sana niyang isagot ito pero pinigilan siya ng kanyang kunsensya. "Ahm...ou, nailigpit ko narin ang mga pinagkainan ko", gusto niyang matawa sa sarili niya. She was so innocent to look at. Parang siyang bata na takot mapagalitan ng nanay. Never in her life that she act like this, dahil noon, lahat ng kanyang gusto ay nasusunod. Even her mom cannot do anything about it. "It seems like you did never hear me saying that I'll be the one to do it", ayan mukhang magsisimula na naman sila mag-away. "War freak", mahinang sambit niya. Mukha naman kasing gusto na naman nitong magsimula sila ng away. "What?", lagot na, narinig pa ata siya. "Ahm, ano...kaya ko na naman, hindi naman siya mahirap gawin", okay nalampasan niya rin, hindi siya nagflair up tulad ng dati. "Okay, magpahinga kana ulit", he said in a cold tone and takes a sip of the beer in the can. Hindi niya magawang ialis ang paningin dito. Kahit paghawak ng beer in can, maging ang pag-inum nito, he's so sexy. Inaapug na ang kanyang utak, ipinilig niya ang kanyang ulo. "I-ikaw", gusto niya na talang magstart ng conversation dito ng sa gayun ay makahingi na siya ng tawad. Hindi ito sumagot, bagkus, tinitigan lamang siya nito. Silence covers the room. Halos marinig na ang malakas na t***k ng kanyang puso. Parang nasa hall of justice siya't nakaupo sa witness stand. His eyes was like of an hawk, ang talim ng tingin. May nagawa na naman siyang mali dito? Hindi niya alam na kasalanan pala ang magtanong. "Wag mo na akong intindihin, sige, umakyat kana", utos nito sa kanya matapos siyang titigan nito ng ganun katagal. " Ikaw na nga ang inaalala, tapos ngayon ganun lang ang gagawin mo sa akin? Binabaliwala mo lang ako? Ako na nga ang gumagawa ng first move", tinalikuran niya ito at nagmamadali naglakad papunta sa kanyang kwarto. Nang makarating siya sa loob ng kanyang kwarto, pasampalak siyang nahiga doon at napabuntong hininga. Bumangon siya at kinuha ang unan, pinagsusuntok niya ito na parang kaharap niya ang binata. "Nakakainis ka!! Sige, kung ito ang gusto mo, bahala ka! Ikaw na ang magaling? Eh di ikaw na!", she gathered all her strength at throw the pillow on the door. Siya namang pagbukas nito at iniluwa ang binata, sapol ito sa mukha. Sinundan niya ang dalaga ng pumunta ito sa pangalawang palapag ng bahay. Malapit na siya sa pinto ng marinig ang mga kalampag sa loob. Sa takot na kung ano na ang ginawa nito sa loob, binuksan niya ang pinto na walang paalam. When he open the door, it was the pillow who welcome him. Sapol siya sa mukha. And when he looks at her, shocked was all over her face. "S-sorry, hindi ko alam na-" "It's okay,"sansala kaagad ng niya. "Pasensya na, hindi ko alam na nasa pintuan ka pala", pagpapatuloy niya sa paghingi rito ng patawad. "I said I'm fine", anito. "Ah..ganun ba?", she could not look straight to his eyes. 'Narinig kaya niya ang mga sinabi ko kanina? Naku naman oh, bakit ang dami ko nang ginawang kahihiyan sa lalaking ito?' Hindi na siya mapakali sa harapan ng binata. She bit her lower lip ang try to calm herself. Siguro naman hindi bibigyang pansin ng binata ang kanyang pinagsasabi kanina. But it was impossible because he is the subject. When she notice naglakad palapit sa kanya ang binata. Her heart beats so fast. "Ah-" "Here, you can use this, para hindi ka masyadong mabored dito sa loob ng bahay. Para hindi mo na rin maisipang tumakas,"he handed to her a cellphone. Nga pala nakalimutan niyang naiwan niya ang kanyang cellphone sa loob ng kotse ng araw ng mangyari iyon. And talking about that day, kumusta na kaya ang kanyang kotse. "Ahm, Pao, na-naiuwi na ba ang kotse ko?", she asked him carefully. "Nang mismong araw ring iyun, kinuha ni Paul ang kotse mo", anito while walking away from her. So rude!! Nakipag-usap pa siya diba? Tapos ngayon, he asked her while walking away. Sumusobra na talaga ang lalaking ito. "Thank you", her tone was not really that pleasant, hindi na niya gusto ang pagtatrato nito sa kanya. Nakamata lamang siya dito ng lumabas ng kanyang kwarto. Ang mas nakakainis pa ay hindi man ang nagawang isara ang pinto. Hangin lang? Padabog siyang tumayo at isinara ang pinto. She double locked it at nagpakawala siya ng malalim ng buntong hininga. 'I wanted to regret of treating him that way' Kanina pa siya nakahiga sa kama ngunit hindi parin siya dinalaw ng antok. Pabaling-baling nalang siya sa kanyang higaan. Her mind was fully occupied by him. Ang lalaking iyon, kahit sa kanyang pag-iisa ay iniistorbo parin siya. Gusto na tuloy niyang maniwala sa mga sabi-sabi na kapagka daw hindi ka mapalagay at laging nasa laman ng iyong isipan ang isang lalaki o babae ay iniisip ka nito. Gosh! Sino kaya ang makapagbibigay katibayan sa kanya ng teoryang iyun. 'Ahm.. ano kaya ang ginawa niya ngayon? Iniisip din kaya niya ako tulad ng pag-iisip ko sa kanya ngayon? ' Nakailang baso na siya ng alak ngunit mailap parin sa kanya ang antok. Laman ng kanyang isipan ang dalaga. Kanina ng makita niya ito sa loob ng silid nito at ng maaninag niya ang lungkot sa mukha nito, he wanted to hug and comfort her. 'I am much inlove with you Pat, kung alam mo lang kung gaano kita kamahal. I wanted to keep you safe and happy as always. Though ang nangyari sa atin ngayon is a torture to me but I will try my best to accept this without any remorse', paki-usap niya sa sarili at inisang lagok ang nangangalahati pang laman ng baso ng alak. It was already dawn ng makatulog siya kaya naman mataas na ang sikat ng araw. Masakit na rin ang sikat nito. For sure, tinangahali na naman siya ng gising. Nakakababoy na itong ginagawa niya. Wala na siyang ibang ginawa kundi ang magkulong maghapon sa loob ng silid na kanyang iniokupa sa ancestral house nila Paolo. Hindi niya rin magawang gumala sa labas ng bahay. 'Huh!! Ang boring naman dito sa loob' Napahawak siya sa kanyang sintido. Daig pa niya ang nalasing sa hindi niya pagtulog ng maaga kagabi. Nag-unat siya at dumiretso sa loob ng banyo. Pagkalabas niyang banyo, nahagip ng kanyang paningin ang mga paper bags. Nilinga niya ang buong silid, wala naman kasing ibang tao dun na maglalagay ng mga iyun kundi ang binate dahil silang dalawa lang naman ang nasa loob ng pagkalaki-laking bahay na'to. She went to her bed and see for herself if what are the contents of the bag. Nanlaki ang kanyang mga mata ng makita ang mga laman nito. Kinuha niya ang mga laman nito at ramdam na ramdam niya ang paglatay ng init sa kanyang mukha. Bukod naman kasi sa mga damit, may mga undergarments din ito. Hiyang-hiya siya sa ginawa nito. Bakit alam nito ang sizes niya, mula sa bra at panty? 'The hell with this man!', palihim na sigaw niya. May mukha pa kaya siyang maiharap dito. Iisipan palang niya na suot suot niya ang mga pinmili nitong damit at kung magkikita sila sa loob ng bahay, naku!! Napakaawkward. Biglang may sumagi sa kanyang isipan habang nasa harap siya ng tokador. Manghihingi nalang kaya siya ng patawad kay Paolo sa mga kasalanang ginawa niya, alam naman niyang she went overboard lalo na sa mga salitang lumalabas sa kanyang bibig. Isa pa, from the start, kasalanan niya naman talaga kung bakit siya napunta sa ganitong sitwasyon. To think nga nung araw na mangyari ang insidenteng iyun, walang dalawang isip na iniligtas siya nito kahit sobrang mapanganib. Now it is time for her to lower down her pride. Buong buo na ang kanyang pasya. Lumabas siya ng kwarto at bumaba, hinanap niya si Paolo at makailang ulit niya na ring tinawag ito ngunit walang sumagot. Sinubukan niya pumunta sa kitchen, to her dismay, wala din siya sa kusina. Napabuntong hininga nalang siya at napa-upo sa silya. Nahagip ng kanyang paningin ang isang note sa mesa. Napnsin niya rin na may nakahandan ng almusal para sa kanya. nakasaad doon na hindi siya papalabasin ng bahay at kung saka-sakaling may kumatok, hinding hindi niya ito bubuksan, unless if it was him. Mas na touch siya sa sa last statement ng sulat. '... don't forget to eat your breakfast, I already prepared it. Suit yourself for the lunch, maghanap kalang diyan sa ref' Paolo Kinain siya ng kunsensiya niya buhat ng mabasa niya ang laman ng sulat nito. Kahit naman pala ang sama-sama ng pakikitungo nito sa kanya heto't inaasikaso parin siya nito. Pero napuzzle siya sa mga babala nito, saan naman kaya pupunta si Paolo? Ngayo pa nga lang ay namiss na niya ito. Maghapon siyang nag-iisa at sobrang kainipan ang kanyang naramdaman niya. Naghanap siya ng pwede niyang mapaglibangan, nag-ayos siya ng sala, pagkatapos naman ay nanood siya ng movie. Pero hindi parin nawala ang kanyang pagkaburyo. Kaya naman ay napagpasyahan niyang pumunta sa terrace ng bahay. Magandang pagmasdan ang paligid, lalo na't maganda ang sikat ng araw at napakagandang tingnan ang asul na kalangitan. It matches with the green surroundings, the chirping of the birds and the cool breeze of the air, napangiti siya. Unti-unting nawala ang kanyang inip. Siguro kung matapos na ang problemang kinakaharap nagyon ng kanilang pamilya ay bibili siya ng bahay at lupa na tulad ng lugar ng kinatitirikan ng bahay nina Paolo. Halos dalawang oras din siyang nakaupo sa terrace ng bahay at nakinig ng music. Medyo dinalaw narin siya ng antok ng makaramdam siya ng pagka-uhaw. Bumaba siya papuntang kusina, malapit na siya roon ng may kumatok ng pintuan. Kaagad siya pumunta sa pinto sa pag-aakalang ang binata ang nasa labas, akmang bubuksan niya ang pinto ng maalala niya ang sinabi ng Paolo. Kaagad siya nakaramdam ng panginginig sa buong katawan, hindi na siya makagalaw palayo sa pintuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD