Luke's POV Pagbukas ko ng pinto ng condo ko bigla kong nakita si Pearl na ang ayos na ayos habang may kausap siya. Alam niyo naman na yata yung ibig kong sabihin 'di ba? Yung maayos na yung damit at may light make up na rin siya. Tinitigan ko lang siya habang nakaupo siya sa may sofa nang napansin niya na nasa may pinto na ako. "Ah, Luke. Nandito ka na pala," sabi niya na lumapit na sa'kin. Napalingon na rin yung kasama niya na busy sa pagkain ng cookie. Nang lumapit na rin siya sa'kin. "Ah. Sir Luke sorry po kasi pumasok po ako sa condo mo, hindi ko naman po alam na parehas pala kayo ng tinitirhan," nagpapanic niyang sabi. "At hindi rin ako nainform na (sabay tingin kay Pearl) may girlfriend ka na po," sabi niya na nakayuko ang ulo. Sikat talaga ako, kahit saan mang panig ng

