Luke's POV Nandito na kami ngayon ng babae sa kotse ko. Habang nagdridrive ako. Naalala ko pa lang tanungin kung ano ang pangalan niya. "Miss, ano nga pa lang pangalan mo?" tanong ko sa kanya na kanina pa talaga nakatitig sa'kin. As in titig na titig talaga. Alam ko naman na gwapo ako pero huwag naman sana niyang ipahalata na nagwagwapuhan siya sa'kin. "Ahh.. Ako? A-anong pangalan ko?" Inulit ba naman ang tanong ko? Ang simple lang naman ng tanong ko ah. "A-ako si Ellai- I mean Pearl.. Ako si Pearl," deretso na niyang saad. "Pearl? Bagay sa'yo," sabi ko sa kanya. Hindi naman talaga ako ganito makacompliment sa babae pero para hindi na rin siya umalis. Dahil yun sa kwintas na suot niya at wala ng ibang dahilan. Napansin kong ngumiti naman siya sa sinabi ko. Tahimik lang kami s

