Chapter 10

1002 Words
Luke's POV "Lola, meron po akong regalo sa'yo," sabi ko kay lola na hawak ang kahon ng necklace. Napangiti naman siyang tumingin sa'kin. "Talaga? Galing ba 'yan kay Lenabell?" naeexcite niyang tanong. "Hindi po Lola. Binili ko po 'to kanina," paliwanag ko naman. Biglang nalungkot ang ekspresyon ng mukha niya. Binuksan ko na ang kahon at pinakita kay lola. "Tignan natin kung bagay sa'yo lola," sabi ko sa kanya at pumunta ako sa likod ni lola para ilagay iyon sa kanyang leeg. At humarap na ako kay lola. "Tignan niyo Lola. Magaling talaga ako pumili ng bagay sa'yo," sabi ko. "Halika dito apo. Tignan mo ang anak ko oh. 'Di ba ang cute niya?" sabi ni Lola na tinuro pa ang screen ng TV. "Gusto ko po sana pero meron po akong presentation," sabi ko sa kanya. Maya-maya pa ay dumating na si Ted. "Sir tumatawag na po sila," sabi niya na may hawak na cellphone. "Sige po Lola, alis na po kami," sabi ko at nagbeso na kay lola. "Daan ka ulit dito pagkatapos niyo ha?" pagpapaalala ni lola. "Opo naman, sige po alis na kami," sabi ko at lumabas na kami ng mansion. Sumakay na kami ulit sa kotse ko para makapunta na sa meeting. Time check- 9:26 Kaya binilisan ko na ang pagmamaneho ng kotse ko. Sandali lang at nakarating na rin kami sa Diamond palace. Pumasok na ako sa main office ng Diamond palace para dun ganapin ang presentation. "Oh, you're here," sabi ni Anna na isa sa mga business partners ko. At nagbeso-beso pa kami. Naupo na rin ako sa tabi niya at binuksan ang laptop ko. Tinignan ko na ang mga picture ng necklace na benta namin para pumili ng iprepresent mamaya. "Ooh, maganda 'yan," sumilip naman si Anna sa laptop ko. "Itong kulay Violet?" Tanong ko naman sa kanya. Bakit niya naman ginaganda yung necklace na kulay Violet? Ang simple kaya niyan at wala pang masyadong kadesign-design. "Oo," sagot lang niya. "Ang simple lang kaya 'yan," sabi ko naman sa kanya. "Alam mo. Mas ginaganda ng marami ang simple lang kaysa madaming palamuti na parang Christmas tree," natatawang sagot niya. Teka, bakit niya ito inihalintulad sa Christmas tree? "Piliin mo 'yan. At siguradong akong kukunin 'yang design mo," pagpapatuloy pa niya. "Advice ba 'yan o utos?" tanong ko naman sa kanya. "You consider this as my advice. Kung gusto mo talagang maging maayos ang mga ginagawa mo, mas piliin mo pa rin ang simple kaysa mabongga. Sa anumang bagay," paliwanag niya na nagpatango sa'kin. "Oo, tatandaan ko 'yan," sabi ko naman sa kanya at pinili ko na ang Violet na necklace sa iprepresent ko gaya ng sabi ni Anna. Maya-maya pa dumating na rin ang pinakahead ng lahat ng jewelry shops. "Sorry I'm late, now we may start," sabi niya na papunta na sa upuan niya. Nagpresent na ang mga nauna sa'kin at ako na ang susunod. "Good morning to all of us, I'm Luke Lopez and I want to present to you our durable and awesome works," sabi ko at in-open na sa laptop ko ang iprepresent ko at kinonect sa projector. "This is Violet blossom, this is made by true pearl from the sea," yung dinescribe ko ay yung sinabi ni Anna kanina. "That's pretty," sabi ng head. "Thanks sir," sabi ko at prinesent pa ang mga iba. Nang natapos na kaming lahat magpresent pina-uwi na rin kami. Nandito na ulit kami ni Ted sa kotse ko papunta sa mansion. "Lola," tawag ko ulit kay lola ng makarating na kami. "Oh, apo. Bumalik ka. Akala ko hindi mo na ulit ako babalikan gaya ng ginawa ni Lenabell," sabi niya sabay hawak sa magkabilang pisngi ko. "Hinding-hindi ko po gagawin yun lola," sagot ko naman. Hindi pa naman masyadong matanda si lola, baka nasa 50's pa lang siya. At dalawa kaming nanood buong maghapon. *** Ellaine's POV Nakabalik na ako nung gabing niligtas ko si Luke pero hindi ko inaasahan na gising na si Pearly. "Saan ka nanaman pumunta Ellaine?" pabulong niyang sabi kasi gabi pa baka may magising na iba. "Mmm duon lang," sagot ko sa kanya. From the past 7 years kasi naging ganyan na siya. Na ayaw na niya akong lumalabas. Na palatanong na siya kahit konting bagay lang. "Saang duon?" tanong niya ulit sa'kin na para bang siya na ang ina ko. "Duon lang," sabi ko ulit at nahiga na sa gilid ng kama. Nang bigla kong naalala si Luke, bigla akong umupo sa pagkakahiga ko kanina. "Alam mo bang nakita ko na ulit si Luke," sabi ko na siyang nagpabigla sa kanya. "Yun bang nakilala mo. 7 years ago?" tanong ni Pearly sa'kin. "Oo, tama ka. Siya nga yung unang lalaking nagpatibok ng puso ko," nakita ko naman na lumaki ang mata niya. "In love ka na sa kanya?" tanong niya na malaki pa rin ang mata niya. "Obvious ba Pearly?" walang gana kong tanong sa kanya. "At kailangan ko ng tulong mo," pagmamakaawa ko. Naging interesado naman siyang makinig kung ano ang hihingiin ko na tulong mula sa kanya. "Ano yun?" tanong niya na mas lumapit pa ng konti. "Alam mo ba kung pano maging tao ang sirena?" tanong ko sa kanya. Mas lalo pang lumaki ang mata niya. "ANO? GUSTO MONG MAGING TAO?" napalakas na sabi niya. "Shhh... Huwag kang maingay," pagsuway ko sa kanya kasi naman gabi pa. At may magising dahil sa ingay niya. "Wala pa naman akong kilalang sirena na naging tao pero meron akong alam na isang magician. Sigurado akong kaya niyang gawing tao ang sirena," sabi niya. "Talaga? Sino siya?" naeexcite kong tanong sa kanya. "Siya ang dating royal sorcerer ng Pearl kingdom pero ipinadala siya sa malayong lugar. Nang hindi malamang kadahilanan kung bakit siya pinadala sa lugar na yun," seryosong sabi niya. "Anong dati?" Nagtatakang tanong ko naman. "Itinuturing din naman nila siyang sorcerer pero hindi lang siya nakatira sa palasyo." Napatango na lang ako sa sinabi ni Pearly. "Saan siya nakatira kung hindi sa palasyo?" tanong ko naman. "Sa pinakagitna ng karagatan. Sa lahat ng may balak na pumunta dun ay wala pang nakakauwing ligtas," pabulong niyang sabi para walang makarinig ng usapan namin. "Kaya kong pumunta dun. Bukas na bukas kailangan ko ng pumunta dun," determinado kong sabi. "Ano? Nababaliw ka na ba Ellaine? Delikado dun," nag-aalalang sabi ni Pearly. "Makakaya ko yung harapin. Halika na tulog na tayo. And tomorrow will be a great day," sabi ko at pinikit na ang aking mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD