Chapter Three

1446 Words
"Hindi joke lang," bawi agad ni Michael. Siyempre hindi niya sasabihin. "Kung sino man siya, he must like you. Dapat mo pagtounan ng pansin ang sumulat niyan. Bihira ang lalaking ganyan." Nag look down si Allyrissa. Nawala tuloy ang excitement na naramdaman niya kanina lang. Dapat kasi hindi na siya nag assume na si Michael iyon. "Ah ... haha... oo nga naman. Ang cute pa naman ng handwriting niya. Pina cursive writing pa... sobrang ganda," sabi ni Allyrissa. Pero mas maganda sana kung galing saiyo, isip niya. Biglang tumayo si Michael atsaka nag-hubad ng shirt niya. Inalis ni Allyrissa ang tingin niya. "Bakit ka nag huhubad sa harap ko!" Sigaw ni Allyrissa na hindi tumitingin kay Michael. Gusto man niya tumingin pero baka sabihin ni Michael na nan chancing siya. "Oh c'mon, from that long hot walk? We need to jump in cold water to freshin up," sabi ni Michael atsaka nagpatuloy sa pag hubad ng short niya. Boxer na lang ang sout nito. Napa gape si Allyrissa. Isang saplot nalang at makikita niya na ang lahat kay Michael. Paano nalang kung mabasa si Michael? Sigurong huhulma ang... napakagat labi si Allyrissa dahil sa kanyang mga iniisip. Ngayon lang niya nalaman ma marupok pala siya Nauna ng tumalon si Michael. "Halika na! I promise, walang ahas or leach dito." Lumangoy patungo sa malapit sa falls si Michael at doon namalagi. Nag dalawang isip naman si Allyrissa kung susunod ba siya. Bago palang niya nakilala tong si Michael eh! Pero matagal nanaman niya ito nakikita sa school. Sinilip na muna niya ang nasa loob ng kanyang shirt. Hindi man malaki, proud parin siya noh! Tiningnan niya kung okay ba ang bra niya. Nang makita na pwede narin iyon ay hinubad niya ang t-shirt niya atsaka ang skirt. Pwede naman na mag t shirt siya kaso. Ayaw niyang mabasa ang couple T's nila ni Michael. Tinitigan ni Michael si Allyrissa habang hinuhubad nito ang kanyang shirt at skirt. Ang cute nito tingnan kahit mismatched ang kanyang underwears. Okay lang naman ang katawan ni Allyrissa, enough to turn him on. Nagdalawang isip si Allyrissa kung tatalon ba siya. Feeling niya ay hindi malalim ang tubig kaya nag go nalang siya sa wakas. It was her nightmare, hindi pala siya marunong lumangoy. Nakita siya ni Michael, buti nalang ay mabilis nag rescue si Michael. Hinila niya si Allyrissa papunta sa medyo hindi na malalim. Nakapulupot ito sa kanya. Sobrang worried ng mukha nito. Naka wrap pa ang legs sa waist ni Michael at ang kamay ay naka wrap din sa leeg. Palihim na ngumite si Michael. Tumitig siya kay Allyrissa. This is one of the happiest days of his life so far. Nasa gilid na sila nang bumitaw na si Allyrissa. Nakayuko lamg ito nahihiya sa ginawa niya. "Bakit ka tumalon?" Tanong ni Michael na nakatayo sa harap ni Allyrissa. "Akala ko kasi mababaw lang. Sa taas para kasing hindi malalim kaya tumalon ako. Nakalimutan ko rin na hindi ako marunong lumangoy," sagot ni Allyrissa. Napa ngite si Michael doon. And he reached out his hand. Tinitigan ito ni Allyrissa. "Hahawakan kita promise." Kinilig nanaman doon si Allyrissa and she took his hand. Tumayo siya habang hawak hawak ni Michael ang kamay niya pabalik sa tubig. Doon lang sila sa pa shoulder level lang ni Allyrissa. Kumuha ng bato doon si Michael, yong maliit lang at maganda. Ibinigay niya ito kay Allyrissa para daw remembrance sa unang pagkikita nila. Kinuha naman ito ni Allyrissa at nagpasalamat. "Wala akong maisip na remembrance," sabi ni Allyrissa. "It's alright. I'll sure remember lahat ng ito, this day, here, with you," nag grin si Michael. He will never forget any of the memories they make and will make. "Ako rin, masaya ako na pinalabas ako ni ma'am. If not, hindo ko makikita ang napakagandang lugar na to" Pagkatapos nilang mag swimming ay umahon na sila. Nag kwentuhan sila about sa school habang nagpapatuyo at kumakain ng chips. Tinakpan ni Allyrissa ang kanyang sarili with the skirt. Habang tumitingin siya kay Michael na nagsasalita ay hindi niya maiwasang ma distrac dahil sa katawan nitong naka display. "What bout you?" Tanong ni Michael. Dahil sa hindi siya naka focus ay wala siyang alam kung ano tinatanong ni Michael about. Wala na, mag iimbento nanaman siya ng sahot. "Ah... ano... maganda naman sa school," sagot ni Allyrissa na tinawanan ni Michael. Sabi na nga ba at hindi iyon ang sagot. "Ano ba ang tinutukoy mo sa tanong?" "I was telling you the things I like here." Nakatawa parin si Michael. Nag-make ng face niya si Allyrissa. "Ako, gusto ko laht lahat dito. The fresh water, fresh air, the trees are great. Naririnig ko ang mga ibon and crickets na bihira ko marining sa baba. The place itself... and ikaw." Napatitig doon si Michael. Siyempre nagulat si Michael doon pati si Allyrissa, hindi niya inexpect na lalabas iyon bigla bigla sa bibig niya. "Charot lang! Kala mo ikaw lang marunong mag joke," tumawa ng fake si Allyrissa. Naging awkward tuloy! Eh kasi naman ang bibig biya bigla nalang nasabi ang ikaw, nataranta tuloy siya. Tumawa nalang si Michael na siya ding peke. Pareho lang silang dalawa na ayaw pasabi ng kanilang mga feelings. "You got me on that one," sabi ni Michael. "Ano na pala gagawin mo sa love letter na natanggap mo?" Tanong ni Michael. Nagtataka si Allyrissa kung bakit interested si Michael sa love letter. Pero hindi niya nalang pinahalata na nagtataka rin siya kung bakit. "Maghihintay kung may bukas pa ba," sagot ni Allyrissa at tumingin sa relo niya. Thirty minutes pass 12 na pala kaya inilabas niya ang baon niya "Nagbabaon ka pala?" "Oo, gusto mo tikman? Masarap kasi magluto si papa atsaka sa canteen, hindi ko kasi maramdaman ang sarap ng pagkain." Napa frown si Michael. "Nararamdaman ba talaga iyon?" Tumango lang si Allyrissa then sumubo ng kanin. Ang sarap niya panoorin, punong-puno ang bibig nito. Napangite si Michael, looking at her. "Hindi ka ba kakain? Yang mang juan at fish cracker, pwede rin gawin ulam," sabi ni Allyrissa. Ngayon lang nalaman ni Michael na pwede pala iyon. Gusto niya sumubok kaya naghingi siya. Sinubuan naman siya ni Allyrissa at totoo nga na masarap. Habang nginunguya niya ang pagkain ay nakatitig parin siya kay Allyrissa. Thingking na ang lalaking mamahalin nito ay swerte, hindi siya maarte and she values every little thing. Pati remembrance na binigay niya, ay itinago nito sa bag. Mga three in the afternoon nang nagpasya sila na umuwi na. Nakahawak parin si Michael sa kamay ni Allyrissa. Nagtatawanan sila sa mga kanilang mga kinukwento sa isa't-isa. *** Pauwi na si Lita noon nang makita niya sa di kalayuan si Allyrissa na tumatawa kasama si Michael at naka holding hands pa ang dalawa. Nagulat siya dito. Kanina pa siya nag alala tapos andon lang pala ang kaibigan kasama ng crush nito. Nag shake ng head niya si Lita at sinalubong ang dalawa. "Saan kayo galing?" Tanong ni Lita habang naka cross ang arm niya at isang kilay nakataas. Nagulat si Allyrissa doon at ang kamay nila'y nagbitaw. "Sinamahan lang ako ni Michael," sagot ni Allyrissa. "Michael, umuwi ka na. Ako na bahala sa kaibigan ko," pagmamataray ni Lita kay Michael. Sinunod naman ito ni Michael. "This was a nice day. I'll see y--" "Bilisan mo na!" Malakas na sabi ni Lita habang mukha nito ay parang ina na galit. Walang nagawa si Michael kaya nag wave nalang ito at umalis. Naiwan doon si Lita at Allyrissa. "Umuwi na tayo! Ikawng bata ka! Nag cutting ka na, sumama ka pa sa lalaki na iyon!" Sigaw ni Lita. Para tuloy siyang naging nanay. "Wow ha? Nanay napala kita ngayon?" Sarcastic na tanong ni Allyrissa sa kaibigan niya. "Matagal mo na akong nanay. Umuwi na tayo... at on the way, magkwento ka! Kailangn yong full detail, gusto ko may kilig kilig!" Demand ni Lita. Tumawa naman si Allyrissa sa kaibigan. Totoo naman ma para talaga itong nanay kung umasta at mahal niya ito. On their way home ay magkwentuhan nga sila sa nangyari. It was the best Wednesday ever in her life so far. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD