CHAPTER 30: Heartache ALLIZA RENA'S P.O.V Matagal akong nakatitig sa salamin habang inaayos ang blusa ko at ang pagkakatali ng buhok ko. Pagkalabas ko kasi ng hospital kahapon ay sinabi sa akin ni Dmitri na pwede na akong pumasok ngayon. Matapos kong ayusan ang sarili ay agad akong napangiti nang makita ko ang teddy bear na pink na nakalagay sa tabi ng kama ko. Hindi ko alam na kinuha pala ni Nanay ang ibang gamit no'n sa bahay kaya naman natuwa ako ng malaman kong pati ang teddy bear ko no'ng bata pa ako ay kinuha rin ni Nanay. Kapag sinusubukan kong alalahanin kung sinong nagbigay sa akin ng teddy bear no'n ay sumasakit lang ang ulo ko at nahihirapan lang ako lalong alalahanin ang mukha niya kaya naman hindi ko na pinilit pa na isipin iyon. Napabuntong-hininga ako ng malalim ng muli