Dumating ang gabi at hindi ko pa nakikita si Xavier at wala parin akong balita kay Sheen. Napag isip kung lumabas ng kuwartong ito at mag ikot ikot na rin wala naman akong planong tumakas dahil alam kung napakaraming bantay na nag babantay sa akin at narinig ko ang mahigpit na bilin ni Xavier sa kanila. Alam ko sa bawat galaw ko ay nagmamatyag sila. Pagbaba ko ng hagdan nakita ko si manang naghahanda ng maligamgam na tubig. “ Manang ano po ang ginagawa niyo?” Tanong ko kay Manang. Lumingon si manang sa akin “Naku hija si Xavier kasi lasing na lasing simula ng lumabas siya kanenang umaga sa kwarto niyo ay nagkulong sa guess room ayon lasing na lasing hija” “Ganun po ba. " “Maari bang ikaw na mismo ang mag asikaso sa kanya? Andon na ang gamot at tubig ipainom mo nalang sa kanya k

