Mahigit dalawang linggo din ang nakalipas simula ng makatakas ako sa hayop na yun. Iniisip ko parin ang mga naranasan ko sa kanyang mga kamay. Natatakot ako, natatakot akong isipin na mahanap niya ako, na saktan niya ako ulit. “Millyn tahimik ka na naman"Puna ni Sheen sa akin. Si Sheena siya ang unang naisip ko ng makatakas ako ng araw na iyon. kweninto ko lahat sa kanya ang mga nangyari kung papaanu kami nagkakilala ni Xavier kung papaanu ako napunta sa sitwasyong ito ni wala nga akong tinira na detalye. Awa ang naramdaman niya sa akin at sakit. Iyak siya ng iyak ng mga oras na yun simula ng makatakas ako. “ Ang hayop na yun?!” galit na sabi nito. “ Ang baboy niya Milly. Para gawin niya sayo ang lahat ng yun! Anong klaseng lalaki siya Millyn para magawa niya ang lahat ng bagay

