Chapter 24

2223 Words
ISANG Linggo ang lumipas nang may mangyari sa amin ni Radzkier. Hindi ko ito nakikita dahil madalas itong nasa kwarto at busy daw ito lagi sa paper works o kaya madalas ay maaga itong pumapasok sa trabaho. Hindi ko alam kung busy ba talaga ito o sadyang iniiwasan lang talaga ako nito. Tinotoo rin nito ang sinabi niyang pagreresign’in ako nito sa trabaho kaya isang linggo na rin akong bahay at school lang. Nasa kwarto ako ngayon at nagpapatuyo ng buhok nang biglang pumasok si Riva at kita ko sa mukha nito ang galit. “Hey! You!” Galit na turo nito sa akin. “B-bakit?” Kinakabahang tanong ko rito. “Ang taas din naman ng pangarap mo ano?! Nakikipagkita ka pala kay Cairo kapag late kang umuuwi!” “Sino namang nagsabi sayo niyan?” Tanong ko rito at alam kong malabong si Radzkier ang nagsabi nito sa kanya. “It doesn’t matter! Stay away from Cairo!” Sigaw nito kaya napabuntong hininga ako. “Huwag ka sakin magalit dahil unang una hindi ako nakikipagkita sa kanya. Siya ang biglang sumusulpot kung saan ako naroroon.” Paliwanag ko rito. “See?! Ang kapal talaga ng mukha mo! Nakitira ka lang rito pero kung umasta ka akala mo isa ka na sa amin! Gold digger b***h!” Sigaw nito. Nagpantig ang tenga ko sa sinabi niya at kailangan ko rin namang ipagtanggol ang sarili ko. “Fyi Riva. Hindi ko pinangarap na tumira sa bahay na ito at ni minsan hindi ko pinagpilitan ang sarili ko sa inyo. Kung hindi mo ko matanggap ay hindi ko na problema yon at kung tungkol kay Cairo kung bakit ka nagkakaganyan ay siya ang kausapin mo! Saksak mo pa sa baga mo!” Inis na sabi ko rito at tinalikuran ko na ito. Kukunin ko na sana ang bag ko nang bigla niyang hilahin ang buhok ko at pinaharap sa kanya saka sinampal niya ako ng ubod ng lakas. Ramdam ko ang gigil niya kaya naman nang dahil sa galit ay nasabunutan ko rin ito. Napamura ako sa isip dahil naalala kong wala ngayon ang tatlo niyang kapatid dahil maagang pumasok sa trabaho. Nataon pa na pareho kaming 10 am pa ang oras ng klase kaya dalawa lang kami ngayon dito maliban sa mga kasambahay na nasa baba. “Lumalaban ka na ngayon huh?!” Pagkasabi nito ay mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakasabunot sa akin kaya napahawak ako sa kamay nito. Hinila niya ako palabas ng kwarto at nagdadasal na sana may makakita sa amin at awatin ito. Nakayuko ako habang hila hila niya ang buhok ko at ramdam ko na rin ang panghihina ng mga tuhod ko nang bigla itong mapasigaw at nabitawan nito ang buhok ko. Nang mag-angat ako ng tingin ay huli na nang abutin ko ang kamay niya dahil nagpagulong gulong na ito pababa sa hagdan at halos mamilog ang mga mata ko nang makita ko itong duguan. Bababa na sana ako para daluhan ito nang biglang bumukas ang pinto at nakita ko si Vida na kararating lang at may bitbit na maleta. Kita ko ang gulat sa mukha nito at nagpalipat lipat ng tingin sa akin dito sa taas at kay Riva na nasa baba ng hagdan at duguan. Gusto kong magpaliwanag dito dahil alam ko kung ano ang tumatakbo sa utak nito. “Oh my God! Riva!” Sigaw nito at humingi ito ng tulong sa loob ng kabahayan at mabilis namang nagsilapitan ang mga katulong. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa pagkabigla at sa uri ng tingin na ipinupukol nila sa akin. “Call an ambulance!” Sigaw ni Vida kaya taranta akong pumasok sa kwarto at kinuha ang cellphone ko at agad tumawag ng ambulansya saka lumabas ng kwarto. Pagbaba ko ay hindi ko maiwasang pumatak ang mga luha ko dahil sa takot. Aksidente ang nangyari at hindi ko alam kung paano magpapaliwanag sa mga ito. Nanginginig ang mga kamay kong lumapit sa kanila at akmang hahawakan ko na si Riva dahil kita kong gumagalaw ang kamay nito nang bigla akong sigawan ni Vida. “Don’t touch her!” Galit na sabi nito at nanginginig ang mga tuhod kong napaupo sa sahig. Ni isa sa amin ay walang nagsalita hanggang sa may narinig kaming tunog ng ambulance at mabilis nilang dinaluhan si Riva at maingat na pinahiga sa stretcher. Napatingin naman ako kay Vida nang tawagan nito si Radzkier at sinabi dito ang nangyari kay Riva. Sumunod ako sa labas at akmang papasok na rin sana sa loob ng ambulansya nang pigilan ako ni Vida at ito na ang sumama. Mabilis nilang sinara ang pinto ng sasakyan at naiwan ako doon na nakatanga habang nasa likod ko ang mga kasambahay. Iyak ako ng iyak at inalalayan ako ni Nana Ines papasok ng bahay. Umiiyak din ito. “Nay, wala po akong kasalanan. Hindi ko po siya tinulak..” Umiiyak na sabi ko rito at paulit ulit ko itong sinasabi. “Wag ka munang magisip ng kung ano Sapphire, ipagdasal nalang natin na sana walang malalang mangyari sa kanya.” Sabi naman nito at binigyan nila ako ng tubig na maiinom. Nakatulala ako habang nakaupo sa ibabaw ng kama at wala paring tigil sa pagpatak ang mga luha ko nang biglang may pumasok sa kwarto ko at halos magwala ito nang makita ako. “R-Radzkier..” Sambit ko sa pangalan nito. Nanginginig rin ang buo kong katawan habang nakatingin dito. “Damn you! Pagkatapos ka naming patirahin dito ito pa ang igaganti mo sa amin?!” Galit na sigaw nito at nag unahang pumatak ang mga luha ko. Susugurin na sana ako nito nang biglang pumasok si Renz at Rayver sa kwarto at pinigilan nila ito. “Hey, Radzkier! Calm down!” Sabi ni Rayver dito. “Sige nga! Paano ako kakalma kung nakaratay ngayon sa hospital si Riva at hindi pa ito nagkakamalay ng dahil sa babaeng yan?!” Sigaw nito. “Radzkier! Pwede bang kumalma ka muna?! Alam kong masakit na nasa ganong sitwasyon si Riva pero hindi natin alam ang buong pangyayari!” Sigaw ni Renz dito. “Alam ko na lahat! Nakita ni Vida na tinulak ng babaeng yan si Riva kaya ito nahulog sa hagdan!” Sigaw uli ni Radzkier at dinuro pa ako nito. “Hi-hindi totoo yan! Hindi ko siya tinulak!” Sabi ko rito. Napatingin ako kay Vida na nasa loob rin ng kwarto at hindi ako makapaniwala sa mga pinagsasabi nito kay Radzkier. Nag-iwas naman ito ng tingin nang hindi makapaniwalang tumingin ako dito. “Maniwala kayo s-sakin.. Aksidente ang nangyari—.” Sabi ko rito at hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang magsalita uli si Radzkier. “Aksidente?? Nakita lahat ni Vida ang nangyari! You pushed Riva at ngayon sasabihin mo aksidente?! Damn you! Napakasinungaling mo talaga!” Sigaw nito at mabilis niya akong nilapitan na hindi napaghandaan nila Rayver at dinakma ako sa leeg. “Radzkier! That’s enough!” Awat ni Rayver dito at pati si Renz ay pinipigilan ito. Halos hindi ako makahinga sa ginawa nitong pagsakal sa akin at hindi ko mapigilang maiyak sa mga sinabi nito. Nang mabitawan niya ako at mailayo siya ni Rayver sa akin ay mabilis akong niyakap ni Renz at sa bisig niya ako humagulgol. “Wag niyong sabihing mas kinakampihan niyo pa yang babaeng yan?!” Sigaw ni Radzkier sa mga ito. “Radzkier! Pwede bang kumalma ka muna?! Wala kaming kinakampihan! Walang may gusto ng nangyari!” Sigaw ni Rayver dito at pakiramdam ko ay namamanhid na ang buo kong katawan dahil sa pagod at kanina pa ako walang tigil na umiiyak. “Hihintayin kong magising si Riva at oras na malaman kong ikaw ang dahilan ng lahat ng ito ay sisguraduhin kong magbabayad ka sa ginawa mo!” Sigaw pa uli ni Radzkier bago ito nagtungo sa pinto ng kwarto pero bago pa ito makalabas ay bumaling uli ito sa akin. “Magempake ka na dahil bukas na bukas din gusto ko wala ka na dito! Bahala ka na sa buhay mo! Wag na wag ka nang babalik at magpapakita sa amin kahit kailan!” Sabi nito saka umalis. Nakita ko namang sumunod dito si Vida. Maya-maya pa ay bigla akong nakaramdam ng hilo at bigla nalang nagdilim ang paningin ko. Ang huli ko nalang na narinig ay tinawag ni Renz ang pangalan ko habang yakap yakap niya ako. ***** Nagising akong masakit ang ulo at nakaramdam ng panunuyo sa lalamunan. Ramdam kong mugtung mugto na rin ang mata ko kakaiyak. Nang imulat ko ang paningin ko ay nakita kong nandito parin ako sa loob ng kwarto. Bumangon ako sa kama at hinanap ang cellphone ko. ‘Anong nangyare? Nasaan sila Renz?’ Tanong ko sa isip. Naglakad ako palabas ng pinto at nang mabuksan ko ang pinto ay narinig kong nagtatalo si Rayver at Radzkier at dahil bahagyang nakabukas ang pinto ng kwarto ni Radzkier ay rinig na rinig ko ang usapan ng dalawa. “Radzkier! You can’t do that! Pwedeng bang hintayin muna nating magising si Riva bago ka magdesisyon?!” Sigaw ni Rayver dito. “Nakapagdesisyon na ako Rayver! Hindi pwedeng malaya siyang nagagawa ang gusto niya dito habang si Riva ay nakaratay sa hospital!” “Radzkier! Aksidente ang nangyari!” Giit ni Rayver dito. Alam kong ako ang pinaguusapan ng mga ito at hindi ko matukoy kung ano ang sinasabi ni Rayver. “Hindi aksidente ang nangyari! That’s intentionally!” Pilit naman ni Radzkier dito. “Hindi natin sigurado dahil wala tayo dito nang nangyari yon!” “Vida saw it!” “Are you sure Vida is telling the truth?! Huh?” “Naniniwala ako kay Vida!” Sabi naman ni Radzkier na siyang ikinasakit ng puso ko. Naiyak ako sa sinabi nito at natutop ko ang bibig ko. “Yan ang hirap sayo e! Sarado na yang utak mo sa ibang paliwanag! Kung sino lang ang gusto mong paniwalaan ay iyon nalang ang pinapakinggan mo!” Sigaw ni Rayver dito. “What?! Mas maniniwala pa ako kay Vida na matagal ko nang kilala kaysa dyan sa babaeng yan na ilang buwan palang natin nakakasama! Kaya wag mo akong pangunahan Rayver! Ako ang magdedesiyon dahil ako ang masusunod sa bahay na to!” Pagkasara ko nang pinto ay narinig kong umalis na si Rayver sa kwarto ni Radzkier at pumasok sa sarili niyang kwarto. Napayuko ako at eto na naman ang mga luha ko. Nanginginig ang mga tuhod kong napaupo sa kama at nagisip kung saan ako pupunta. Bigla namang bumukas ang pinto at nagulat ako nang pumasok si Vida. “Ikaw! Bakit mo sinabi mong tinulak ko si Vida?” Asik ko rito at tiningnan ko ito ng masama. “You can’t blame me, simula nang tumira ka rito andami nang nangyari. Nawala si tito, nawalan na rin sakin ng time si Radzkier and worst.. Nakikipaghiwalay na rin siya sa akin. And I know ikaw ang dahilan ng lahat ng to. I’m just taking back what’s mine Sapphire.” Nakangising sabi nito. Ang pagkakakilala kong malaanghel at inosente nitong mukha ay may nagtatago palang isang demonyo sa likod nito. Napayuko uli ako dahil alam kong ako ang dahilan kung bakit nakikipaghiwalay si Radzkier sa kanya. “Pero wala akong kasalanan!” Pilit ko parin dito at mas lalo pa itong ngumisi. “Kahit anong paliwanag mo hinding hindi ka papakinggan ni Radzkier. And you know what? Kung ako sayo. Magpapakalayu layo na ako dito dahil may balak si Radzkier na ipakulong ka.” Sabi nito na ikinagulat ko. “Hindi totoo yan..” Sabi ko rito at umiling iling. Narinig ko itong tumawa at tumingin uli sa akin. “Hindi mo pa nga kilala talaga si Radzkier. Oras na sabihin kong tinulak mo si Riva dahil nagaway kayo bago ang insidente ay wala ka nang kawala Sapphire, mabubulok ka sa kulungan. Ako ang kukuning witness ni Radzkier and goodbye Sapphire!” Nakangiting sabi nito saka umalis ng kwarto. Napaisip ako kung paano niya nalaman na nagaway kami ni Riva. Andaming tumatakbo sa isip ko ngayon at gulung gulo ang isip ko sa mga nangyayari. Kahit anong pilit kong sabihin dito na aksidente ang nangyari ay hindi parin ito maniniwala kaya isa lang ang naisip ko. Kailangan ko nang umalis dito dahil sigurado akong kayang kaya akong baliktarin ni Radzkier at Vida! Mabilis kong kinuha ang backpack ko at kumuha ng ilang importanteng gamit. Kinuha ko rin ang mga ipon kong pera sa taas ng aparador kung saan ko tinatabi ang mga sahod ko noon sa restaurant. Sapat na siguro ito sa akin para panimula. Hinintay ko munang sumapit ang gabi at hinintay na makatulog muna ang lahat bago ko napagdesisyonang lumabas ng kwarto at dahan dahang bumaba ng hagdanan. Sa likod na ako dumaan dahil may nakita akong hagdanan dito paakyat sa mataas na bakod ng bahay. Mataas man ay pikit mata akong tumalon. Mabuti nalang at may bagpack akong bitbit sa likod at ito ang naunang bumagsak kaya hindi ako masyadong nasaktan. Mabilis akong bumangon at lakad takbo ang ginawa ko para lang makaalis sa bahay na yon. Wala namang tigil sa pagpatak ang luha ko dahil hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon. Mabilis akong pumara ng taxi na nakita ko sa daan at nagpahatid sa pinakamalapit na terminal ng bus.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD