NAKED 10

1991 Words
SOMEONE POV Maagang-maaga pa ay nakapaghanda na si Adam. Sa sobrang aga niya ay naghihilik pa ang kasama niyang si Kaius ng magising siya kaninang mga 5 am at kahit sa sandaling ito na 7 am na ay tulog pa rin ito. Anyways, he already brushed his teeth and took a bath just to make sure that he’s very much presentable when he sees the Goddess again this morning. Oo, wala ngang mga damit dito pero kumpleto naman sa ilang mga importanteng gamit tulad ng tuwalya, sabon, shampoo, toothbrush at kung ano-ano pang kailangan ng mga tao para mapanatili na malinis at kaaya-aya ang katawan nila sa araw-araw. Kahit naman kasi nakahubad ang mga tao rito ay maganda pa rin na nami-maintain ang personal hygiene ng bawat isa. Mahirap na at baka mangamoy diba? Madadaming matuturn off kung magkaganun.     Habang tumatagal ay lalo niyang naa-apreciate ang ganda ng islang ito. Bukod sa nagagandahan siya sa natural na ganda nito ay hindi rin niya maiwasang mamangha sa tuwing may nalalaman at siyang panibagong impormasyon patungkol dito sa isla. Yes, he already knows the do’s and dont’s here pero ang mas naka-attract ng kaniyang atensiyon nitong nakaraang araw ay ang katotohanan na kahit hubad sila dito sa Naked Island ay nakakamangha na hindi sila nakakaramdam ng sobrang lamig at init rito, mapa-gabi man iyan o araw. According to Kaius, everything here is in moderation, except s*x and other pleasure related doings because it became a daily routine here or should we say a hobby to satisfy other needs. Desire and pleasure are just too hard to stop if everybody here in the island is naked. Maliban nalang sa kaniya na tila tumino, naging maamong tupa nalang bigla, at nakakatawa lang na dito pa talaga sa Naked Island niya naisipang gawin ito. Hanggang kailan niya naman kaya mapanindigan itong pagiging matino niya, faithful at loyal daw, lalo na at nandito siya sa Naked Island, were resisting temptation is too difficult to do?  “I’m ready,” nakangiting sabi niya pagkatapos niyang ayusin ang kaniyang buhok. Dahil ito na ang unang araw para suyuin ang mailap na Diyosa kaya importante na gwapo siya ngayon. Matapos niyang ma-satisfied sa itsura niya na nasa repleksiyon ng salamin ay maingat siyang lumabas ng banyo at naglakad patungo sa pintuan palabas ng kanilang silid. Maging sa kaniyang pagpihit sa siredura at pagbukas ng pinto ay ingat na ingat rin siya, sinisiguradong hindi siya lilikha ng ingay na gigising sa natutulog na s*x addict, si Kaius. He already passed the crown for being s*x addict to Kaius because his roommate s***h friend deserved this title more than him at this moment. Grumaduate na siya pagiging ganoon dahil m************k lang siya sa iisang babae at iyon ay ang Goddess of Lust, Katana Mistress. He’s crazy. Yes, he is. Dahil kahit alam niyang hindi pwede itong iniisip niyang gawin, katulad na rin ng parating bukambibig sa kaniya ni Kaius na hindi sila pwede ni Katana, ay ipinagpatuloy pa rin niya itong kahibangan niyang ito. Kahibangan na mapasakaniya ang isang natatanging nilalang, isang Diyosa. Wala na siya sa matinong pag-iisip at hindi niya ito ipinagkakaila dahil kung noong una ay gusto niyang makaalis dito kaagad pero ngayon ay hindi na, bigla nalang nagbago ang ihip ng hangin. Sa dinami-dami naman kasi ng pipiliin niyang buntisin ay talagang si Katana pa ang napusuan niya. Pero hanggang kailan niya kaya ito susuyuin kong marami ring hahadlang sa kaniya para mapalapit sa dalaga?   “Where are you going?” Natigilan siya ng marinig ang pamliyar na boses na iyon. “Adam, where are you going?” pag-ulit nito sa kaniyang tanong. He sighed before he faces Kaius. His face is showing how irriated he is seeing his friend’s face. Gising na pala ito at siguradong umaakto lang itong tulog kanina para hulihin siya. “Magpapahangin lang sa labas,” he lied. Kinusot-kusot nito ang mga mata ng tiningnan siya muli at ilang beses pang humikab habang nakaupo na ito sa kama. As usual, napuyat na naman ito dahil madaling araw na ito bumalik sa kanilang silid at puno pa ng kalmot at kiss mark sa buong katawan.   “Masyado ka yatang maaga para magpahangin,” inaantok na sabi ni Kaius sa kaniya. “I’m an early bird Kai,” he answered but Kaius being Kaius, didn’t believe that lies. “Why am I explaining to you anyways? You’re not my father,” naiinis niyang dagdag rito. Hindi nga niya ito tinatanong kapag umaalis ito paminsan-minsan. Sumimangot naman ito na parang bata pagkatapos niyang sabihin ang mga iyon rito. “Sasama ako-“ “NO!!” kaagad niyang sabi na nag-patigil rito sa pag-alis sa kama. Siya lang dapat ang makita ni Katana at hindi pwedeng isama niya ito. “Hindi ka pwede doon sa pupuntahan ko,” he added. Kunot-noo naman siya nitong tiningnan. “Bakit?” tanong nito sa kaniya. Umiling lang siya. “Basta. Hindi pwede,” pinal niyang sabi rito. Bago pa ito makaangal ay dagli niya itong tinalikuran at mabilis na kumaripas ng takbo palabas, hindi na inabala pang isara ang pinto. “ADAM!” He just chuckled when he still heard him shouted his name while his running away from their room. Tumigil na siya ng mapansin niyang hindi naman pala siya nito sinundan. Tulad ng nakagawian ay sumakay siya ng elevator pababa ng tower. Pasipol-sipol pa siya habang lulan niyon dahil hindi na siya makapaghintay na makita muli ang Diyosa. Mabuti nalang din at walang mga babae na kukuyog sa kaniya ngayon kaya matiwasay siyang nakalabas ng tower. Hindi na rin nakakapagtaka pa dahil 7 am palang ng umaga at ganiyan siya kaaga kung manuyo. Tinahak niya ang direksiyon patungo sa kuweba na tinitirhan ng Diyosa pero hindi pa siya masyadong nakakalayo ay nahagip ng kaniyang mga mata ang isang makulay na rosas sa isang di kalakihang hardin na nadaanan niya. The roses are one-of-a kind. Sari-sari ang kulay nito na halos kinuha na ang lahat ng kulay sa isang bahaghari. May ilang mga rosas sa hardin na ito na may iisang kulay, dalawa, tatlo at apat pero wala na siyang makitang rosas na may limang kulay pataas. Nakangiti niyang nilapitan ang nasabing hardin at kaagad pumitas ng tatlong rosas- kulay puti, pula at asul na rosas. He also didn’t forget to smells its fragrance and he close his eyes while doing so because of how good its smell was. Nang imulat niya muli ang kaniyang mga mata ay nanatili siyang nakangiti, isang bagay na madalang niya lang gawin noon. ‘I just hope Katana loves this flower’ sabi niya sa kaniyang isipan habang hindi mapuknat ang ngiti niya sa kaniyang mga labi. “Good morning handsome.” Napalingon naman siya sa nagmamay-ari ng boses na iyon. At kaagad nawala ang ngiti niya sa labi ng makita ang pamilyar na babae sa harapan niya. Ito ay ang babaeng tinakot niya noon sa cafeteria. Wala ang mga alipores nito na siyang ikinapagpasalamat niya pero dapat din niyang iwasan ang babaeng ito. Hindi pwedeng ma-turn off sa kaniya si Katana kaya kailangan niyang iwasan ang mga babaeng pilit na lumalapit sa kaniya at numero uno na sa listahan itong babaeng ito. “I’m sorry for the last time,” hinging paumanhin nito pero alam niyang kasinungalingan lang iyon. ‘Mapapasaakin ka rin at hindi ako papayag na hindi ka maging akin.’ that’s what inside the woman’s head. He can read someones’ mind and he’s grateful having this kind of ability. Nalalaman niya kaagad kong may masamang motibo ang mga taong nakakasalamuha niya sa pamamagitan ng kakayahan niyang ito. “I don’t talk to stranger,” he coldy said to her. Lalagpasan niya sana ito pero hindi niya inaasahan ang pagyakap nito sa kaniya. “K-Katana,” It was already too late for him to get rid of this woman in his arm because he saw the Goddess of Lust, Katana, watching them from afar. For the first time, he suddenly felt scared and guilty after Katana saw him with this woman. “KATANA-“ Susundan niya sana ang Diyosa pero pinigilan naman siya ng babae. “Please stay. I want you.” Pinukol niya ito ng masamang tingin.  “Get off me!” Kaagad niyang kinalas ang pagkakayap ng babae sa kaniya at marahas itong itinulak dahil na rin sa nararamdaman niyang inis rito. Wala siyang pakialam kung nasaktan ito sa kaniyang ginawa dahil ang mas importante sa kaniya ay ang habulin ang Diyosa. Kailangan niyang magpaliwanag rito kahit hindi naman kailangan. He ran as fast as he can just to catch up to the Goddess pace but he’s already too late because Katana already entered the safe zone, her territory that was surrounded by her profound barrier. Nanlumo siyang napahawak sa barrier habang kitang-kita niya na unti-unting pumasok ang Diyosa sa loob ng kuweba, sa tahanan nito. “Damn it!” “Aaargh!” He punch the barrier but he just scream in so much pain when a high voltage of electricity electrified his body. Bukod sa malakas na boltahe ng kuryente ay may malakas din na pwersa ang nagpatilapon sa kaniya. Hindi niya alam na may ganoon palang defensive and offensive capability ang barrier ni Katana pero gayunpaman ay hindi parin siya titigil hanggat hindi niya kinakausap ang Diyosa. Kailangan niyang magpaliwanag kahit hindi naman niya kailangang gawin ang bagay na ito. Muli siyang tumayo habang hawak-hawak pa rin niya ang mga rosas na nakukulangan na ng ilang mga talulot nito dahil siguro sa nangyari kanina. Pero nakakamangha pa rin dahil ito lang ang nasira sa rosas kahit na nakuryente na ito kanina. Totoo ngang hindi mga ordinaryo ang mga bagay at halaman na naririto. Bumuntong hininga siya at pagkuwan ay buong tapang siyang naglakad papalapit sa barrier at tumigil siya sa harapan nito. After he composed himself, he throws a strong punch to the barrier but this time, he was so shocked with its outcome. Ang pananggalang na nakapalibot sa boundary ng kweba, ang sagradong tirahan ni Katana, ay tila salamin lang na nabasag matapos niya itong suntukin. Nagulat siya dahil pisikal na lakas lang ang ginamit niya at hindi ang kaniyang elementong apoy. “What hell did you do?!!” Bumalik lang siya sa kaniyang katinuhan ng marinig niya ang galit na boses ni Katana na hindi niya na napansin na nakalabas na pala muli ito ng kuweba at mabilis nitong tinatawid ang kanilang pagitan.  “Look at me you bastard!” galit na galit na sigaw nito sa kaniya pero natagpuan niya nalang ang sarili na napayuko. "Bakit at paano mo sinira ang barrier ko?" Umiling lang siya pero walang lumabas na kahit isang salita sa kaniyang bibig. He remain silent. Naguguluhan rin siya sa nangyari kaya hindi rin niya alam kung paano ipaliwanag sa Diyosa ang kaniyang ginawa. “I-I’m sorry,” hinging paumanhin niya rito. He didn’t mean to break the barrier but it was still his fault. Hindi niya man inaasahan ang nangyari  ay hindi pa rin niya maitatago ang katotohanan na sinira niya ang matibay na harang sa tahanan ni Katana. But how? I’m just a mere human being. There’s now way i could possibly broke this barrier. But you already did Adam! You already destroyed the barrier. Naramdaman niya na hinawakan ni Katana ang kamay niya at doon lang siya nag-angat ng tingin rito. Kaagad niyang napansin na hindi na madilim ang mukha nito and that made him sigh in relief. Am I already forgiven? “Come with me. We need to talk inside.” I’m still not..i guess. Hinila siya ni Katana papasok at wala siyang nagawa kundi ang magpatianod nalang rito habang papasok silang dalawa sa sagradong tahanan nito. Pero bago iyan ay hindi nakaligtaan ni Katana na gumawa muli ng panibagong barrier sa paligid ng kaniyang tahanan. Ano kaya ang kahahantungan ng pag-uusap nilang ito? Mapaparusahan ba siya dahil sa pagsira niya sa pananggalang ng Diyosa? TO BE CONTINUED.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD