"Ang hangin mo talaga!"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tinulak siya palayo, pero ni hindi man lang siya natinag. Lalo lang siyang napangiti na parang natutuwa sa inis ko.
"Relax, Mrs. Razon."
"TUMIGIL KA!" Mabilis kong tinakpan ang bibig niya at lumingon sa paligid, natatakot na baka may makarinig. "Baka may makarinig, gago ka ba?"
Napansin ko ang bahagyang pagtaas ng kilay niya bago niya dahan-dahang inalis ang kamay ko sa bibig niya.
"Eh, bakit ka ba ganyan? Para namang may ginagawang masama."
"IKAW!" mabilis kong sagot. "Ikaw ang gumagawa ng paraan para mahuli tayo!"
"Talaga?" Sinandal niya ang isang kamay sa dingding, malapit sa mukha ko. "Eh bakit ikaw ang mukhang guilty?"
PUTIK.
Ako ang mukhang guilty?!
Huminga ako nang malalim at pilit na inayos ang sarili ko. Hindi ako pwedeng matalo sa laro niya.
"Ano bang gusto mong mangyari, ha?" inis kong tanong.
"Hmm…" Tumagilid siya na parang iniisip ang sagot. "Simple lang naman. Gusto kong sagutin mo ‘yung tanong ko."
Nanlaki ang mga mata ko. "Anong tanong?"
"Kung nagseselos ka nga ba o hindi."
Tangina, eto na naman tayo.
Napatingin ako sa kanya, naghahanap ng kahit anong palatandaan na nagbibiro lang siya. Pero seryoso siya. Seryosong seryoso.
"Gusto mo talaga ng sagot?" Ikinrus ko ang mga braso ko at tiningnan siya nang diretso.
Ngumiti siya. "Oo."
"Hindi ako nagseselos."
Bahagyang bumaba ang sulok ng labi niya, pero agad niya itong itinago. "Talaga?"
"Oo."
"Sigurado ka?"
"Oo!"
"Sige." Tumango siya at umatras. "Kung ganun, wala ka namang magiging problema kung mas maging friendly ako sa ibang estudyante, ‘di ba?"
Bigla akong napatigil.
…Ano raw?
"Alam mo naman na maraming nagpapakita ng interes sa akin, ‘di ba?" patuloy niya, kunwari'y walang pakialam. "May mga nagpapadala ng kape, may nag-aabot ng love letters. Minsan nga, may nagbigay pa ng panyo. Ang sweet nila, ‘no?"
Humigpit ang hawak ko sa bag ko.
"Tapos may isang estudyante pa nga—"
"Hindi kita tinatanong, okay?" putol ko, ramdam ang pagtaas ng boses ko.
"Uy, parang galit ka?"
"HINDI AKO GALIT!"
Halos mapatalon ako nang marinig ang sariling sigaw.
Putik.
Natahimik ako habang pinipilit pigilan ang pamumula ng mukha ko. Si Kiondrie naman, nakangiti lang. Alam niyang tinamaan ako.
"Okay," aniya, tumango-tango. "Kung hindi ka galit, edi mabuti. Wala naman palang problema."
Mabilis siyang tumalikod at tinungo ang pinto, pero bago siya lumabas, lumingon pa siya sa akin.
"By the way, dinner natin mamaya, ‘wag mong kalimutang magluto, Mrs. Razon." Kumindat pa siya bago tuluyang lumabas.
Naiwan akong tulala.
Tangina.
Gusto ko siyang sakalin.
Pero mas gusto kong itago ang kilig na nararamdaman ko.