Chapter 15

406 Words
Hindi ako makapaniwala sa nangyari kanina. Literal na inis na inis ako, pero ang mas nakakainis… hindi ko rin maitanggi na may kung anong saya akong naramdaman. Tangina. Anong nangyayari sa ‘kin?! Habang naglalakad ako sa hallway, pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Wala akong balak patulan si Kiondrie sa mga trip niya. Kahit kailan, hindi ako papatalo! "Oy, Tine!" Tawag ni Maui , lumapit siya sa akin na may excited na ekspresyon. "Narinig mo na ba?!" "Narinig ang alin?" Kumunot ang noo ko. "Basta! Halika, tingnan mo!" Hinila niya ako papunta sa isang sulok kung saan may ilang estudyanteng nagkukumpulan. Napatingin ako sa gitna ng grupo at halos malaglag ang panga ko. Si Kiondrie. Nakatayo sa harap ng isang babae—isang estudyante—na kasalukuyang inaabot sa kanya ang isang maliit na kahon na mukhang regalo. "Sir Kiondrie, um, I just wanted to give you this…" sabi ng babae, halatang kinakabahan pero pinipilit maging matapang. PUTIK. May nagpapahayag ng damdamin sa kanya?! SA HARAP KO?! Napatingin ako kay Kio. Alam kong nararamdaman niya ang tingin ko, pero parang wala lang sa kanya. Imbis na tumingin sa direksyon ko, nakangiti siyang tumanggap ng regalo. "Wow, a gift? That’s really nice of you," sagot niya sa malamig pero charming niyang boses. HALA PUTIK, BAKIT SIYA NAG-E-ENGLISH?! "Uh, yes, sir," kinakailigang sagot ng babae. "I-I just wanted to show my appreciation." Napakagat ako sa labi. Appreciation my ass! Pero ang mas ikinapundi ko? Nang ngumiti si Kiondrie at sinabing, "Well, I appreciate you too. Thank you." PUTA. Narinig ko ang kilig na hiyawan ng mga estudyante. Ang mga babae, kinikilig. Ang ibang lalaki, nagtatawanan. Ako? Gusto kong pumasok sa lupa. Hindi ko alam kung inis ako o—s**t—nagseselos na ba ako?! "Uy, Tine!" bulong ni Maui , na halatang ine-enjoy ang reaksyon ko. "Parang bad trip ka?" "H-Hindi ah!" Mabilis kong itinanggi. Pero alam kong obvious. Pilit akong ngumiti at naglakad palayo bago pa ako tuluyang madulas. Pero bago pa ako makalayo, narinig ko ang malamig at malalim na boses ni Kiondrie. "Where do you think you’re going, Mrs. Razon?" NAPATIGIL AKO. PUTANGINA. HINDI SIYA. HINDI NIYA TALAGA AKO TINAWAG NG GANON SA HARAP NG LAHAT— Dahan-dahan akong lumingon. Nakita kong diretso akong tinitingnan ni Kio, ang kanyang malamig na ekspresyon ay may bahagyang kapilyuhan. NAGHAMON SIYA. At ang buong klase? NATAHIMIK. At unti-unting napuno ng bulungan. Tangina. PAANO KO TO MALULUSUTAN?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD