NAPAKALOKO TALAGA NG TAONG ‘TO!
Kung kanina gusto ko lang siyang sakalin, ngayon gusto ko na siyang ibaon sa lupa!
Nakita kong unti-unting lumalaki ang mata ng ibang estudyante, habang ang iba naman ay nagkakatinginan na para bang may malaking eskandalo silang nasaksihan.
"H-ha?" Napailing ako, pilit na pinapakalma ang sarili. "Sir, ako po ba ‘yung tinatawag niyo?"
Nagtaas siya ng kilay at naglakad palapit sa akin. "Yes, I’m talking to you, Mrs. Razon."
PUTANGINA, KIO! ANO BA NAMAN ‘TO?!
Narinig ko ang ilang bulungan.
"Wait… bakit Mrs. Razon ang tawag ni Sir sa kanya?"
"Uy, di kaya magkamag-anak sila?"
"Or baka… may something?"
Tangina. May sumagot pa talaga ng 'may something?!'
Bago pa lumala ang sitwasyon, huminga ako nang malalim at ngumiti nang pilit. "S-Sir, baka po napagpalit niyo ako sa ibang estudyante?"
Napansin ko ang bahagyang pilit na ngiti ni Kiondrie. Alam kong sinasadya niya ‘to!
"Really? You think I would make such a mistake?"
Muntik ko nang kainin ang sariling dila. TANGINA. Anong sagot ko dun?!
Kailangan kong magpalusot!
"Uh… A-Ah! Alam ko na!" Nagkunwaring natawa ako. "Si Sir talaga, ginagaya lang niya siguro ‘yung apelyido ko kasi same kami ng last name! Diba, Sir?!"
Lihim akong nagdasal na sumakay siya sa trip ko.
Kiondrie blinked once… then twice.
And then, ngumiti siya. "Oh, that’s what you think?"
Napakapit ako sa bag ko. PUTA, KIO, SUMAKAY KA NA LANG PLEASE!
Maya-maya, tumango siya. "Well, you’re right. Since we share the same last name, I thought it would be fun to call you that."
Huminga ako nang maluwag. SALAMAT!
"Ang kulit ni Sir!" sigaw ng isang estudyante.
"Akala ko talaga may something!"
"Oo nga, ‘no! Pero ang hot siguro kung—"
Hindi ko na narinig ang sumunod na sinabi dahil mabilis akong tumalikod at naglakad papalayo. Baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko at ipagsigawan sa buong hallway na KASAL NA NGA KAMI!
Pagkalabas ko sa hallway, mabilis kong hinanap ang pinakamalapit na sulok at pinagsusuntok ang hangin.
"TANGINA MO, KIONDRIE!" bulong ko, gigil na gigil.
Bigla na lang may tumawa sa gilid.
Alam ko na kung sino.
Dahan-dahan akong lumingon.
At ayun siya, nakasandal sa dingding, may pilyong ngiti sa labi.
"You’re so cute when you’re mad."
"PUTANGINA MO TALAGA."