Nanlaki ang mga mata ko. Kiondrie L. Razon? In*ng buhay nmn to?!
Parang biglang nag-pause ang mundo ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko-gulat, inis, kaba? O baka lahat na lang sabay-sabay?
"Hala, girl, guwapo ng professor natin!" bulong ni Maui sa tabi ko, tila hindi napapansin ang paninigas ko sa kinauupuan ko.
"hindi nmn," tipid kong sagot, pilit na itinatago ang pagkagulat. Sinubukan kong maging normal, pero sa loob-loob ko, gusto ko nang tumakbo palabas ng classroom.
Bakit hindi niya sinabi sa akin na dito siya nagtuturo? Akala ko ba, busy siya sa mga negosyo nila? At higit sa lahat, bakit sa dinami-rami ng paaralan, dito pa ako napunta?! At dito pa siya nap unta? Ts sino ba namn ako para i inform,the last time I saw him is nung civil weeding pa nmin.
Pinagmasdan ko siya habang nagpapakilala sa klase. Wala man lang siyang kahit anong reaksyon sa presensya ko, parang isa lang ako sa mga normal niyang estudyante. Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis sa sitwasyon.
"Ethics is an important subject because it teaches us how to make the right choices in life," patuloy niyang paliwanag habang naglalakad sa harapan. "It applies not only in our careers but also in our personal lives."
I swallowed hard. Right choices in life? Eh hindi ko nga alam saan kumukuha ng choices tong tadhana e malas nmn.
Napansin kong may ilang babae sa klase na tila mesmerized sa kanya. Halos lahat ng atensyon nasa kanya, at hindi ko sila masisisi. Kiondrie is undeniably attractive-tall, well-built, at may mala-Adonis na features. Pero kung alam lang nila kung gaano siya ka-bossy, kung paano siya makapagpataas ng kilay sa isang tingin lang, baka magdalawang-isip silang humanga.
Pero teka-bakit ko iniisip 'to? Ano ba?!
Napalunok ako nang biglang magtama ang tingin namin. His dark eyes locked onto mine for a brief moment-too brief na hindi ko alam kung namalik-mata lang ako. Walang kahit anong emosyon sa mukha niya, as if hindi niya ako kilala.
Parang sinapak ako sa dibdib.
Ganoon ba talaga? Wala lang ako sa kanya? Kahit papaano, umasa akong magpapakita man lang siya ng kahit anong reaksyon, kahit irap man lang. Pero wala. Kahit anong emosyon wala akong nakita sa mukha niya.
"Alright, class," he continued, looking at the whole class. "Let's start with a simple activity. I want each of you to introduce yourself and tell me what ethics means to you."
Napalunok ako. Patay. Mukhang hindi ko matatakasan ito.
Isa-isa nang nagpakilala ang mga kaklase ko. Ilan sa kanila ay seryoso, ang iba naman ay tila pabiro lang ang sagot.
"Sir, ethics is like knowing kung dapat bang mag-cut class o hindi!" sigaw ng isa, dahilan para matawa ang buong klase.
Kiondrie didn't even flinch. "Then what's your answer? Should you cut class or not?"
"Hindi, sir!" sagot ng estudyante, agad na tumuwid sa pagkakaupo.
"Exactly. Ethics is about making the right decisions even when no one is watching."
Ramdam ko ang bigat ng mga salitang binitawan niya. Mas lalo tuloy akong kinabahan dahil alam kong malapit na ang turn ko.
Hanggang sa marinig ko ang pangalan ko.
"tine ikaw na?"Ani sabay tapik naman ni Maui sakin agad namn akong tumayo.
Parang lumakas ang t***k ng puso ko. Slowly, I stood up, ignoring the curious looks from my classmates. Alam kong iniisip nila kung may koneksyon kami ni Sir Kiondrie, pero wala akong balak bigyan sila ng dahilan para magtaka pa lalo.
"I'm Emanuele Celestine A. Razon," I started, keeping my voice as neutral as possible. "For me, ethics is about knowing the difference between what is right and what is easy."
For a second, I thought I saw something flicker in his eyes. Pero agad din iyong nawala.
"Good answer," sagot niya nang walang kahit anong emosyon.
Parang may pumitik sa loob ko. Ganun na lang 'yun?
Umupo ako nang dahan-dahan at nag-focus sa notes ko, pero hindi ko pa rin mapigilan ang mabilis na t***k ng puso ko.
Mula sa sulok ng paningin ko, nakita kong may bahagyang pag-igting ng panga si Kiondrie bago siya bumalik sa lesson.
Isang bagay lang ang sigurado ko ngayon-hindi magiging madali ang semester na ito.
---
After Class
"Girl, mayaman ka, no?" biglang tanong ni Maui habang naglalakad kami palabas ng classroom.
"H-ha?"
"Eh kasi, Razon? As in Razon ng Razon Group of Companies?"
Napahinto ako saglit. Paano ko ba dapat sagutin 'to?
"Ah, hindi naman... may kaya lang." wow tine parang nawala hanging sa uli mo ha!
"Grabe, ang humble mo! Kung ako siguro ikaw, matagal ko nang ipinagmalaki na mayaman ako!" biro niya.
Ngumiti ako nang tipid, pero hindi na ako nagsalita pa. Mas mabuting hindi na lang nila malaman ang totoo tungkol sa akin-lalo na kung paano ako napadpad sa isang kasal na hindi ko pinili. Pinili ko pala kasi wala akong choice.
Nauna ng umalis si maui kasi may class padaw siya irregular kasi siya, at ako Milagro lang na 7 - 9 am lang klasi ko the the rest matutulog nako sa bahay.
Nang makarating ako sa parking lot, hindi ko napigilang sumulyap sa paligid. Nandiyan pa rin ang mga bodyguards ko, tahimik na nakaabang. Pero ang mas kinagulat ko ay nang makita ko si Kiondrie malapit sa itim niyang sports car.
At laking gulat ko nang bigla siyang naglakad palapit sa akin.
"Emanuele," malamig niyang tawag sa akin.
Hindi ako sumagot.
Tumigil si Kiondrie sa harapan ko, ang mga mata niya diretso sa akin.
"Sumakay ka. Ihahatid kita."
Naramdaman ko ang kaba sa dibdib ko. Hindi dahil sa takot, kundi dahil sa tension na biglang bumalot sa amin.
"Hindi na, may dala akong sasakyan," sagot ko, pilit na pinapakalma ang sarili.
Pero hindi siya natinag. "I said, sumakay ka."
May bahagyang diin ang boses niya, sapat para malaman kong hindi siya tatanggap ng hindi bilang sagot.
Tsss kainisss
-
"Hi. if you liked this chpater, please, do vote and leave a comment. Thank you!"