BZZZT!
Nagising ako nang biglang tumigil ang electric fan ko. Walang aircon, walang kahit anong tunog maliban sa malakas na bugso ng hangin sa labas.
"Bakit parang ang tahimik?" tanong ko sa sarili ko habang pilit pinipigil ang antok.
At doon ko napagtanto-brownout.
Napabalikwas ako ng bangon at kinuha ang phone ko. 1% battery.
"SERIOUSLY?!" bago pa kasi tong mansion hindi pa uso yung generator kaya wala talagang kurente?!!!
Hindi ko alam kung anong mas nakakabaliw: 'yung walang kuryente o 'yung malapit nang mamatay ang phone ko?!
Lord, bakit ganito? Pinalayas n'yo na ba ako sa langit at dinala sa pugon?!
Dahil wala na akong ibang magawa, napilitan akong bumangon. Paglabas ko ng kwarto, agad kong naramdaman ang mala-saunang init sa buong bahay. Hindi ito normal na init-parang sinabihan si Satanas na i-max ang temperature!
Pagbaba ko sa sala, nakita kong nagkakagulo ang mga kasambahay. Si Manang Fe, pawis na pawis habang nagpaypay gamit ang isang magazine. Si Mang Ben, ang driver, nagpapaypay gamit ang basahan.
"Ma'am Tine, nag-brownout po sa buong Maynila!" sigaw ni Manang Fe.
"HA?!"
Parang gusto kong bumalik sa kama at magpanggap na hindi ito nangyayari.
At parang lalong naging malas ang araw ko, biglang bumukas ang pinto.
Sino pa ba ang dumating kundi si Kiondrie L. Razon, a.k.a. ang hari ng lamig?!
Pero ngayon, mukha siyang defeated. Basang-basa ng pawis, bahagyang nakakunot ang noo, at halatang hindi sanay sa ganitong sitwasyon.
Napatitig ako sa kanya. Pawis si Kiondrie?!
Wow, may weakness din pala siya sa buhay.
"Ang tahimik mo," sabi niya habang binubuksan ang kwelyo ng polo niya.
"Tingin mo bakit?" irap ko. Deja vu bayon parang sinabi kona to kagabi ah.
Nagpatuloy siya sa paglalakad papunta sa kusina. Pero bago pa siya makapasok, biglang lumabas si Manang Fe-may dalang tabo at balde ng tubig.
"Sino gustong buhusan ng malamig na tubig?!" sigaw niya.
Dahil sa sobrang init, hindi na nag-isip si Kiondrie.
"Ako, Manang," seryoso niyang sabi.
BAGO KO PA SIYA MAPIGILAN, ibinuhos ni Manang Fe ang isang buong balde ng malamig na tubig sa katawan ni Kiondrie.
PLAK!
Nanlaki ang mata ko. Lahat napanganga.
Si Kiondrie? Basang-basa, buhok niyang ayos kanina? Wala na. Ang mamahalin niyang polo? Transparent na ngayon.
Walang gumalaw. Walang nagsalita.
Hanggang sa hindi ko na kinaya.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHA!" Halos mamilipit ako sa kakatawa habang si Kiondrie naman ay parang isang glitched NPC na hindi alam kung paano mag-react.
"T-thank you, Manang," sabi niya nang walang emosyon, sabay kamot sa basang buhok niya.
"P-pasensya na, sir, akala ko po kasi-"
"Ayos lang," putol niya, pero halatang tinatago ang trauma sa lamig ng tubig.
"Tsk, Kiondrie," pang-aasar ko, "masyado kang mayaman para sa ganitong experience. First time mo mabuhusan ng tabo, no?"
Hindi siya sumagot. Tumitig lang siya sa akin na parang may pinaplano.
Oh no.
Bago pa ako makatakbo, hinila niya ako palapit at niyakap ng mahigpit!
AKO NAMAN ANG NABASA NG BUO!
"AAAAAHHHH!!! KIONDRIE, ANO BA?!" sigaw ko, pumipiglas.
Ngunit wala akong nagawa. Basang-basa na rin ako.
Si Manang Fe at Mang Ben? Hindi na makatingin sa amin. Halatang gustong matawa pero hindi makatawa.
At sa isang segundo, nagkatitigan kami ni Kiondrie.
Pareho kaming basa. Pareho kaming basa tubig.
At pareho kaming mukhang ewan.
"Tsk, mukha kang basang sisiw?!" sabi niya, ngumisi.
mukhang basang sisiw ako?!
"Hoy, hindi lang ako no! Mukha nga tayong dalawang inulanan ng sama ng loob!" sigaw ko, pilit na nilalayo ang sarili ko sa kanya.
Ngunit bago pa ako makawala, biglang tumunog ang phone ni Manang Fe.
"Suspended daw lahat ng klase dahil sa brownout! And bagyo sir" sigaw niya.
Napahinto ako. "P-ano?"
"Ayaw raw mag-resume ng kurente at baha na sa daan ng buong Maynila ngayong araw. Lahat ng eskwelahan suspendido!" dagdag niya.
Tumingin ako kay Kiondrie. Siya rin, nag-angat ng tingin sa akin.
At doon namin na-realize-wala kaming klase.
Ilang segundo kaming nakatitig sa isa't isa, parehong nagpo-proseso ng impormasyon.
Hanggang sa sabay kaming napangiti.
"Ibig sabihin, puwede akong matulog ulit?" tanong ko, umaasang may hope pa ang araw ko.
"Ibig sabihin, wala akong kailangang turuan ngayon," sagot niya, mukhang mas masaya pa siya kaysa sa akin.
Sabay kaming tumingin kay Manang Fe, na nagtataka kung anong trip namin.
At sa parehong segundo, sabay kaming tumakbo pabalik sa kani-kanilang kwarto.
"Matutulog na po agad?! Hindi pa nga kayo sir, madam nag-aalmusal!" sigaw ni Manang Fe.
Pero wala na siyang magagawa.
Brownout. Araw ng pagtulog.
At sa unang pagkakataon, nagka sundo medjo kami ni Kiondrie. Medjo lang namn.
Inaantok pako kahit 6am na ma tulog nalang ako ulit.