Drake was dead serious on wanting to be an on call waiter. Ang dahilan niya ay gusto niyang maranasan na maging server para maunawaan niya ang set-up at flow nang ganoong event para sa pina-plano niyang events place. Sa susunod raw ay kunin ko naman siyang kitchen staff para magkaroon siya ng idea sa kitchen. That sounds convincing pero hindi pa rin maalis ang pagdududa ko na baka bigla lang talagang naalog ang utak niya kaya pinagti-trip-an niya ang sarili nang ganito. Um-oo na lang ako dahil malaking tulong talaga 'yon if he will do an early immersion on different departments at the hotel. Ganoon rin naman kasi ang standard protocol kung saan ako nagta-trabaho. Hindi lang isang task ang dapat na alam. We need to be versatile para kung sakaling absent ang isa ay may pwedeng karelyebo. G

