Hindi ko alam kung paano ko naitawid na sabihin kay Gail na gusto siyang makilala ni Mama at balatan ng buhay ng Papa ko. Habang nasa event ay hindi mawaksi sa isipan ko sa kung anong maaring mangyari mamaya. Knowing Papa, I'm sure talagang kikilatisin niya si Gail. Kinakabahan rin ako sa maaring gawin ng tatlong itlog. Lalo na ngayon at dumating na si Drake. Hindi pa man sila nagkikitang muli ay mainit na ang dugo niya rito. What more pa kaya mamaya kapag nagtagpo na ang landas nila. "Thank you, iha for this wonderful surprise. Ikaw raw ang nagplano ng lahat ito. Tinupad mo ang pangarap naming anibersaryo at maging hari at reyna sa malapalasyong lugar na ito," hinging pasalamat ni Mrs. Gail. Hinawakan niya ang kamay ko bago ako yakapin at halikan sa magkabilang pisngi. "Du

