Kinabukasan ay tamad na tamad parin akong kumilos, Tila mabigat parin ang pakiramdam ko, Pakiramdam ko kasi ay naroon parin ang kay Keegan. Uminom na lamang ulit ako ng pain reliever para maibsan ang sakit kahit papano.
Dahil wala namang pasok ay Sinikap ko paring kumilos, kung be babyhin ko ang pakiramdam ko baka lalo lamang itong matagal gumaling, kaya nag desisyon akong gumawa ng Brownies, tama, Dadalawin ko si Tita Erlinda mamaya at dadalhan ko sya. Hmm..sa bagay wala naman si Keegan, ayoko muna magpakita sa kanya, parang medyo naiilang ako after ng may maganap sa amin sa kubo.
Forte ko ang pag gagawa ng brownies kaya tiyak akong magugustuhan ito ng kung sino mang bigyan ko, at eto nga ang naisip kong iipasalubong kay tita Erlinda pagpunta ko sa kanila mamaya.
Pagkatapos kumain ay naligo narin ako, bandang ala una y media ay umalis na ako patungo kina Keegan.
Dahil patay ang oras ay madali naman akong nakarating.
Nagsuot lamang ako ng Above the knee na bodycon dress dahil di ko pa kaya mag pantalon, feeling ko kasi ay lalo masakit maglakad kaya naisipan kong mag dress na lamang.
Nag doorbel ako at lumabas naman si Ate Vivian para buksan ang gate.
"Hi Kelly, Ikaw pala...Pasok ka .
"Salamat ate Vivian, Si Tita Erlinda po kumusta?
"Ok naman nasa loob na nonood na Turkish drama hahaha.
"Ay, Turkish drama ang nais..hehhee"
Pagpasok ko ay Dire Diretso ako kay Tita Erlinda, Hindi ko akalain na naroon pala si Keegan at nakahubad baro pa, Akala ko ba nasa HQ ito ngayon.
"Hi Tita Erlind.......
"Hi Kelly,....kumusta ka?
Bati sa akin ni Keegan, Dahil hubad sya ay na distract ako, hindi ko na naituloy ang Pagbati ko kay Tita.
"Ahm, ok lang naman Keegan"
"Hija, mabuti dinalaw mo ako, kumusta ka na."
"Ok naman po tita, dinala ko po pala ito para po sa inyo. Hehe ako po ang nag bake nyan." Saad ko rito saka inabot ang box ng Brownies.
"Wow salamat hija, mukang masarap ito."
Lumapit naman si Keegan sa box na inabot ko kay Tita Erlinda saka sinilip ang brownies na bigay ko.
"Hmm..ang sarap namang ng BROWNIES mo Kelly, nakakatakam ang BINAKE mo,." Saad ni Keegan saka ngumiti.
"Medyo naiilang naman ako sa kanyang mga tingin, Nakabalandra kasi ang hubad nyang katawan pagtalikod nya ay nakita ko pa roon ang bakat ng aking Kuko at pati ang mga kalmot ko sa kanya nung gabi ng aming unang pagtatalik.
Dahil medyo maputi sya ay napansin din iyon ni Tita Erlinda.
"Anak ano yang nasa likod mo? Bakit ang dami mo atang kalmot." nagtatakang tanong ni tita sa kanya.
"Wala po ito mama, Nadali lang kahapon sa training namin." Palusot ni Keegan kay Tita, hindi ko naman magawang tumingin dahil inaabot ako ng hiya.
"Naku Fortunato, Ikaw tumigil tigil ha, yang mga pa ganyan ganyan mong galawan, Siguro may Babae ka kinatalik ano? kapag ikaw kung sino sino at paiba iba ng babae naku! Sinasabi ko sayo. Mag asawa ka na kung gusto mo mag asawa, ayoko lang malalaman na kung sino sinong babae ang sinisibak mo nako." Saad ni Tita rito.
"Mama naman, Hindi po ako ganong klaseng lalaki na paiba iba ng sinisibak na babae, Faithful kaya ako ma, Saka may Sinibak man ako, isang babae lang yon ma, di ako papalit palit." Saad pa nito saka tumingin sa gawi ko, Kaya halos mamula naman ako sa hiya , buti na lamang at hindi nakatingin si Tita.
"Oh sya,sya bahala ka na sa desisyon mo sa buhay matanda ka na.
Oo nga pala hija thank you ulit dito ha, kakainin ko ito mamaaya." At pasensya ka na at narinig mong sinasabihan mo itong si Keegan, alam mo na tong kaibigan mo lalaki, baka kasi mamaya kung sino sinong babae na lang ang binibiyak, Buti sana kung isa sa inyo ni kelly ang babae nya,at least panatag ako.
Saad ni tita sa akin habang nakangiti.
"Ah..hehe Sige po tita, wala pong ano man"
Di pala nakatiis si Keegan ay kumuha ito.
"Hmm..wow..ang sarap nga ng brownies mo Kelly, sakto yung tamis nya,saka yung texture nya." Saad ni Keegan habang patuloy na kinakain ang brownies kong dala.
"Hmm..Ikaw pa, lahat naman sayo masarap, pero sigurado ako na masarap talaga yang luto mo hija." Saad pa ni tita ng bigla na naman sumingit si Keegan.
"Opo Mama, masarap po talaga ang luto ni Kelly"
"Bakit? Nakakain ka na?
"Opo ma, nakain ko na po sya, I mean yung luto nya" saad pa ni Keegan.
Naku ka talaga keegan, wala talaga tigik ang bibig. Saad ko sa aking isip.
Matagal din kaming nagkwentuhan ni Tita Erlinda hangang sa makatulog na sya kakanood ng turkish series, samantalang si Ate vivian naman ay pumasok din muna sa kwarto nito para daw mag nap rin muna. Kaya kami lamang ni Keegan ang gising, nasa loob sya ng kwarto nya pero hindi naka lock ang pinto noon.
Nagpasya akong pumunta sa kusina nila para uminom ng Tubig kaya kumuha ako ng malamig na tubig sa ref ngunit pagharap koy biglang may Kumabig sa bewang ko, walang iba kundi si Keegan kaya nagulat ako.
"Ay Tit* ng Kabayo! salitang nasabi ko dahil sa pagkabigla.
"Hmm...Bakit sa kabayo pa, ayaw mo ba nung sa akin." Wika ni Keegan na animoy bata
"Ohh, bat andito ka" naiilang na sabi ko rito
"Syempre Bahay namin to, kaya nandito ako, hehe, ikaw bat andito ka, siguro na mi mis mo ako no?" Saad nito na halata namang nang aasar Lang.
"Tse .Si tita ang pinuntahan ko rito hindi ikaw, saka diba dapat nasa HQ ka bakit andito ka?"
"Ayiee..nice alam ang schedule ko" biro pa nito habang nananatili paring nakahawak sa Bewang ko.
"Eh, diba sched mo namna talaga sa HQ."
"Hehe, yup pero nagpalit ako kanina, na sense ko kasi na may Magandang babae na pupunta rito sa bahay hehe" saad pa nito.
Tapos na akong uminom, pabalik na sana ako sa sala ng biglang magsalita si Keegan.
"Kelly,I....I want to court you." Nauutal nya nyang sabi.
Hindi ko naman inaasahan ang katagang iyon na tinuran nya.
"Bakit mo naman ako gustong ligawan? Hindi mo pa nga ako kilala ng lubos" saad ko rito na tila nakaramdam naman ako ng lungkot.
"Kaya nga liligawan kita,gusto ko na mas makilala ka pa, Gusto mo mag papaalam din ako sa parents mo.
"Se..Seryoso ka ba sa panliligaw na sinasabi mo? Paniniguradong taning ko rito.
"Oo naman, bakit naman hindi, Kaya nga kita liligawan eh, " saad pa ni Keegan na maging seryoso na ang mukha .
"Kung wala ang Mom and Dad mo, kanino pa ako pwede mag paalam para ligawan ka? Saad pa ni Keegan at halatang seryoso at desidido ito, kaya sino ba naman ako para magpa bebe pa eh gusto ko rin naman sya, naisuko ko nga ang Perlas ng silangan sa kanya eh.
"Ahmm..sa Pinsan ko na lang kay ate yanna, Sa kanya ka nalang magpaalam." Saad ko naman sa kanya.
"Okay, Salamat Kelly, The courtship will start today" saad nya pa saka ngumiti sa akin. Tila kinabahan na naman ako, sigurado ba talaga tong gago na to? Pero mukang seryoso naman din sya.
"Okay" tanging sagot ko ng bigla nya nalang akong yakapin.
"Salamat sa chance na binigay mo para ligawan kita Kelly" saad nya sa akin.
Tumango lamang ako, sana pag nalaman mo ang totoo sana may chance din ako Keegan" wika ko naman sa aking isip
Bumalik na kami sa salas at naupo.
"Mag rest ka muna dyan kelly, may gagawin ako sayo, im sure magugustuhan mo ito." Saad nya pa sa akin. Kaya naupo ako sa malambot nilang sofa, pagbalik nito ay may bitbit itong scented oil.
Nagulat ako nang pumwesto sya ng upo sa harapan ko, nasa pagitan sya ng aking mga hita, medyo lumaki pa ang mata ko sa itsura at sa sinabi nya.
"SPREAD YOUR LEGS HONEY" wika nya sa nakakaakit na tinig.
"Gago, sirulo ka anong gagawin mo nakakahiya kay tita" saad ko rito.
"Hehhe..Para pinabubuka ko lang yang legs mo, ano na man nakakahiya doon, Akin na nga" wika ni Keegan saka pinag parte ang aking mga hita.
Akala ko ay kung ano ang gagawin nya nagulat pa ako ng bigla nya itong pahiran ng langis saka dahan dahang minasahe.
Kahit na gulat ay napakasarap naman niyon sa pakiramdam, akala ko kasi kung anong gagawin nya, mamasahihin lang pala hehe, kaya natahimik na lamang ako.
Pero dahil sa masarap na masahe at hagod ng kanyang kamay sa aking mga binti ay di ko maiwasang hindi mapaingay, para tuloy akong naungol.
"Oh diba masarap, I told you, masarap akong tumrabaho, napatunayan mo na rin naman yon nung nakaraang gabi."
"Keegan yung bibig mo, nakakahiya baka marinig ni Tita.
"Shhh...Wala yan di yan naririnig ni Mama....
"At ALIN ANG HINDI KO MARIRINIG FORTUNATO? At Anong Ginagawa mo kay Kelly Ha...
wika ni Tita Habang nakatingin sa Aming dalwa ni Keegan.
"Ma, wala po akong ginagawa minamasahe ko lang naman po yung binti nya dahil di po sya makalakad ng ayos." Saad pa ni Keegan, magdadahilan nalang yun pa talaga ang reason.
"Totoo ba iyon Hija? Di ka makalakad ng ayos?
"O ..Opo tita, Napatid po kasi ako nung nakaraan kaya tumama po sa gilid ng upuan ayon po ang hirap ilakad.
"Ah, ganon ba hija, Naku nga, sa susunod mag iingat ka ha, Saka mag iingat ka rin dyan sa tabi tabi, Yung mga matitinik dyan baka bigla ka nalang Tuklawin.
Diba Keegan ano? sa binti ang Tingin hindi sa Dibdib ni Kelly, Saad pa nito.
Napatingin naman ako kay Keegan at nahuli ko nga itong palihim na tumingin.
"Ayy, hindi ma, binasa ko lang naman yung nakasulat sa damit niya, pagpapalusot pa nito.
Nang matapos nya akong i massage ay inayos ko ang aking upo at nagpasalamat naman ako.
Bandang ala singko y media ay nagpaalam na rin ako. Hinatid pa ako ni Keegan sa labas.
"Ahm..Kelly, kelan pala ako pwede magpaalam sa pinsan mo na manliligaw ako?
"Ahm, i me message ko sya mamaya , kung kelan ka nya papupuntahin.
"Okay kelly, mag iingat ka pauwi ha..
"Thank you Keegan, Saad ko pa rito.
"Ahm..Kelly .how about yung. .yung ."
Hindi nito matuloy ang sasabihin.
"Yung Ano?
"Yung 'MING MING' mo...I mean your Pu*sy...still sore? Seryosong tanong nya sa akin,
"Ah...medyo masakit parin, Nahihiyang sagot ko na di ko na magawang tumingin dahil sa hiya.
"Ahm..Sorry ha, hanggang ngayon nasasaktan ka parin."
"Mawawala na rin siguro to iniinom ko naman yung pain reliever na binigay mo." Dagdag ko pa at nananatili paring di makatingin sa kanya ng ayos.
"Basta ingat ka, mag message ka nalang sa akin kapag nakarating kana, para di ako mag alala." Dagdag na wika pa ni Keegan habang nakatingin parin sa akin.
Matapos ng aming pag uusap ay umalis na rin ako at pinasibad ang aking sasakyan.
Pagdating ko naman sa bahay ay nakita ko agad si ate yanna na naka pamewang sa may pintuan.
"Ano, san ka galing Sheng? Akala ko ba masakit pa yang Ano mo, pero mukang galing ka naman ata doon kay GWAPULIS mo.
"Ate Yanna, si Tita Erlinda ang sadya ko roon at hindi sya, dinalaw at dinalhan ko lang naman ng Brownies.
"Achuu..e di ganon din yon, nagkita parin kayo ni Gwapulis, hehehe..."
"Pero, san kayo unang nagbakbakan? Siguro nag check in kayo sa mamahaling Suite sa Tagaytay" tingin ko naman hindi sa Pipichuging motel ka lang dadalhin ni Gwapulis." Dagdag na tanong pa ni Ate Yanna, Hayyy kung alam nya lang na sa Kubo at sa Papag lang ako inangkin ni Keegan tiyak na pagtatawanan ako nito.
"Basta te, Di ko na sasabihin kung saan," saka ate, sya nga pala, magpapaalam pala sya sayo na liligawan nya ako bukas, pwede ba yon?
"Talaga ba? Aba iba rin, nasibak kana saka manliligaw .hahaa, pero atlit liligawan kapa rin, sya sige Bukas pumunta kamo ng makilatis.
"Sige ate, Wala naman akong ibang nilihim sa kanya bukod sa sheng na pagkatao ko eh."
"Hayyy, isa pa yan, pano mo yan ipapaliwanag sa susunod, maaaring oo ngayon mapagtatakpan mo, pero pano pag dumating ang araw na malaman nya, hindi kaya ikaw rin ang masaktan sa huli.
"Hindi ko rin alam ate, pero kung ngayon ko sasabihin baka bigla naman syang lumayo sa akin.
Ipagtatapat ko na lang kapag ready na ako, pero sa ngayon hindi na muna.
Mauunawaan nya naman siguro ako." Saad ko habang nakatingin sa malayo.
"Oo, maaring maunawaan ka nya, pero syempre lahat ng bagay may consequence, kaya wag ka rin magtataka kung dumating ang araw na layuan ka nya dahil dyan sa ginawa mo, hayyy sheng...Matanda kana, basta pinayuhan na kita.
"Salamat sa payo ate,"
Nang maiwan ako mag isa ay saka ako muling nag isip, ok na kami ni Keegan , baka lumayo sya sa akin kaya buo na ang desisyon ko na wag nalang muna sabihin, bahala na ang bukas, basta sa ngayon ako parin naman ito, ang totoong Kelsey,Sheng o kelly pa man, ang di lang naman totoo sa akin ay yung itsura ko bilang sheng, pero lahat naman ng pakikitingo at pakikisama ko sa lahat atly totoo,. Sana maunawaan nila akong lahat pagdating ng araw.