Hindi Iyah: Hi, Yara! Your club ID is now available in the office. Nanlaki ang mata ko sa nabasang mensahe. Halos isang linggo pa lang matapos nang opisyal akong sumali sa School Paper at hindi ko inaakalang magkakaroon agad ako noon. Tumingin ako sa harap ng classroom. Walang guro. Ilang araw na kaming hindi nagkaklase sa halos lahat ng subjects dahil malapit na ang intramurals. Marahil abala rin ang mga kawani ng paaralan kaya't nagbibigay na lamang muna sa amin ng mga gawain. Dahil bakante naman ako ngayon ay naisip kong kuhanin na ang ID sa journ room. Tumayo ako mula sa upuan. "San ka?" Umangat ang tingin sakin ni River mula sa pagkakatutok ng mga iyon sa screen ng phone niya. Gaya ng karaniwan ay naglalaro na naman siya. He only does two things in school anyway. It's either h

