Fine Nagpahatid ako sa opisina ni Daddy. Pagkarating sa gusali ay sa wastong palapag kaagad ako dumiretso. Ngunit nang makaharap ko ang sekretarya niya ay nabigo ako sa misyon. "Mr. Savellano left for a prior arrangement, Ma'am." she then checked something on her iPad. "He's most likely to be back after lunch," Bagsak ang balikat ko habang papaalis sa lugar. I strode through the vicinity of the building while my mind is drifting away. Habang palalim nang palalim ang mga iniisip ko ay tuluyan nang rumerehistro sakin ang sitwasyon. Ngayong hindi ko naabutan si Daddy at wala akong dalang sariling sasakyan ay mukhang alam ko na kung saan na naman ako pupulutin. Idagdag pa na ang lahat ng importante kong gamit ay nasa pamamahay na ni Sky. My head was down as I reached the lobby. Malayo pa

