Teaser Scene

633 Words
TEASER SCENE ZHIYA SABRIYA TAHIMIK lang akong nakaupo sa kama habang nakayuko, yakap ang kumot na pinangtakip sa katawan ko, katatapos niya lang gamitin ang katawan ko. Unti–unting lumalamig ang balat ko—hindi dahil sa aircon, kundi dahil sa bigat ng pakiramdam ko. Gusto kong umiyak pero hindi pwede, ayokong makita niyang nadudurog ako. Mas lalo siyang matutuwa kapag nakita niyang nadudurog ako. Nakatalikod na siya, nagbibihis. Parang walang nangyari. Parang bang hindi niya ako inangkin ng paulit–ulit at ang pinakamasakit pa, ibang pangalan ng babae ang namumutawi sa labi niya habang nagpapakasasa siya sa kasarapan niya. Mahigpit ang kapit ko sa kumot, habang pinagmamasdan siyang magsuot ng polo, isa–isa niyang sinasara ang mga butones. Ilang segundo pa, nagsalita siya. "Let's make this quick," malamig niyang panimula, hindi man lang ako tiningnan. "Alam mong hindi ka dapat nabuhay. Pero nandiyan ka na, so here are the rules." Natawa ako nang pagak. Rules. Rules na parang sintensiya sa bawat salitang lalabas sa bibig niya. Sinuot niya ang necktie, kinuha ang relo at isinabit sa pulso. Kaswal lang. Walang emosyon. Parang nakikipag–usap lang sa business partner niya. "Walang makakaalam na mag–asawa tayo. Malinaw ba? You're not my wife. You're just someone I own for now." Napalunok ako, may kaba sa dibdib ko pero patuloy lang siya sa pagsasalita. Walang pakialam sa kung anong nararamdaman ko. "Sa bahay, you're a maid. Sa kumpanya, janitress ka. Sa lahat ng oras, ikaw ang magiging paalala ng pagkawala ng taong mahalaga sa buhay ko. You took her away from me—so now, I'll take everything away from you." Parang may malaking kamay na pumiga sa puso ko. Gusto kong magsalita, pero parang wala akong boses. Nag–init lang ang bawat sulok ng mga mata ko, pero hindi ako bibigay. "Wala kang karapatang gamitin ang apelyido ko. Don't even think about it. You're not my wife. This marriage? Wala ito. This is punishment." Humarap siya sa akin. Kumpleto na ang suot niya. Lumapit siya sa akin. Dahan–dahan. Bawat hakbang niya, parang martilyong bumabagsak sa dibdib ko. "Kaya wag kang magkakamaling umarte na asawa kita. Don't ever look at me like I'm your husband. Dahil kapag tumingin ka ng mali, baka hindi na lang salita ang ipatikim ko sa'yo." He warned dangerously. Napapikit ako. Pilit nilulunok ang sakit sa mga sinasabi niya. Hindi lang dahil sa mga sinabi niya—kundi sa galit na laman ng bawat salita. "You will follow my rules. Gigising ka ng maaga. Maglilinis. Magluluto. Maglalaba. Maglalaho kapag may bisita ako. At kapag tinawag kita sa gabi...you know what to do." Marahas niyang hinawakan ang baba ko, raised my face to his. Tinitigan niya ako. Matagal. Diretso. At matalim. Walang kahit kaunting awa sa mga mata niya. "Hindi kita pinakasalan para makasama. Pinakasalan kita para mapanood kitang unti–unting masira habang hawak pa rin kita. Every. Single. Day." Tumingin ako sa kanya, pilit nilalakasan ang loob ko, pero ang totoo? Basag na ako. Buo pa ang katawan ko, pero wasak na ako sa loob pati ang kaluluwa ko. Marahas niyang binitawan ang baba ko. Then, tumalikod siya para lumabas ng kwarto. Pero bago niya isinara ang pinto, huminto siya at nagsalita pa — walang lingon–lingon, walang awa "Wag mong asahan na ituturing kitang asawa, Sab. You're a substitute. A replacement. A tool for revenge. And worst of all...my toy." I wanted to scream. To run. To disappear. Pero wala akong magawa. Nakatali ang lahat—ang pamilya ko, ang buhay ko—sa mga kamay ng taong pinakamalupit na nakilala ko. Hindi ko alam kung paano ako tatagal sa impyernong ito. Pero isang bagay lang ang malinaw sa ngayon...alipin niya ako. Pagsara ng pinto, doon lang ako tuluyang napahagulhol.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD