Chapter 49 Zhiya Sabriya Smith TAHIMIK lang akong nakatitig sa salamin. I tried to breathe slowly. I smoothed the dress down my waist, hinaplos ang emerald fabric na para bang sinusubukang paniwalaan na totoo ang lahat ng ito. "Parang hindi ikaw, Sab," mahina kong bulong sa sarili, sabay pilit na ngiti. Then, I stilled. May presensiyang dumating. At hindi nga ako nagkamali. Sa repleksiyon ng salamin, nakita ko siyang sumulpot. Nakatayo sa may pinto ng condo unit. Nakasuot na ito ng dark navy dress shirt, sleeves rolled up, exposing his toned forearms. Nanunukat ang tingin niya—mabagal, mula ulo ko hanggang talampakan, para bang kinikilala niya ang bagong anyo ko. There was something in his eyes—a flicker of admiration. Parang saglit siyang huminto sa paghinga. Then just as fast..napaw

