Chapter 76 Amari Chance Hayes BASANG–BASA na ako ng ulan pero wala akong pake. Nakatayo lang ako sa harap ng puntod ni Elara. Nakatingin na sobrang sama ng loob. Hindi ako gumagalaw. Hawak ko pa rin 'yung papel na kanina ko pa paulit–ulit na binabasa. Ngayon, durog–durog na sa palad ko. I crumpled it with all the strength I had left. Hindi ko na alam kung ang tindi ng pagkabasa nito ay dahil sa ulan o dahil sa pawis ng palad kong nanginginig sa galit, sa sakit, sa...sa awa sa sarili kong tanga. Pero hindi. This is the truth. The real f*****g truth. Hindi ito ang report na una nilang binigay sa akin. Hindi ito 'yung pinaniwalaan ko noon. This one—this one screams the reality I refused to see. Hindi na buhay si Elara nang dalhin siya sa clinic. Patay na siya. At si Sabriya? She did

