Chapter 06 Zhiya Sabriya Smith DALAWANG araw ang nakalipas bago kami nakapunta ng Maynila. Ang tagal at ang bawat oras, parang hinihila ko. Kailangan pang matapos ni Zaijan ang finals niya. Ayoko namang umalis nang hindi siya sigurado sa grades niya. Ayoko ring iparamdam sa kanya na may problema. Ayaw kong madagdagan ang sama ng loob ng kapatid ko. Kinabukasan, maaga akong pumunta sa bangko. Kinuha ko lahat ng ipon ko. Hindi ko alam kung saan ito aabot, pero mas mabuti na 'yung may hawak ako. Kasi sa mga ganitong panahon, kahit kaunting pera, parang kalasag. Mabuti na lang at tumawag si Tiya Pilar. "Okay na ang Papa mo, anak. May rambulan lang sa loob. Nadamay lang, pero ligtas na siya ngayon. May mga pasa, pero buhay." Dahil sa binalita ni Tiyang parang biglang bumalik 'yung kulay

