Chapter 45 Third Person POV PAGKABALIK ni Amari sa opisina, halos mabasag ang salaming pinto sa lakas ng pagkakasara niyon. Sa galit at frustration na kanina pa niya pinipigil, halos ihagis niya ang mga dokumento sa ibabaw ng mesa. Puro Statement of Account ang laman—at iisa lang ang sinasabi ng lahat: Deficit. Hindi lang basta red flag. Red sea. Dammit! May kulang lagi sa sales. May mga suppliers na hindi nababayaran on time. At ang pinaka–mabigat—unti-unting nawawala ang mga loyal clients nila. Why? Dahil sa bagong competitor. Isa ring automotive company na may mas agresibong marketing strategy, mas mura ang presyo, at mas malawak ang distribution. "This can't be happening," Amari muttered through gritted teeth, hinilot ang sentido habang nilalabanan ang panibagong pagsabog ng emosy

